Chapter 4
“New found friend in the midst of slight chaos.”ELENA STEPHIE
Pagkatapos neto ay pinapasok kami sa isang auditorium. Ang mga gamit namin ay kanina pa naglaho. Dinala na raw sa designated room namin.
Maya-maya ay lumitaw sa gitna ang isang hindi katandaang babae na sa tingin ko ay ang headmistress ng academy na to."Magandang araw sa inyo mga bagong mag-aaral! Ako si Headmistress Delianne Amor Forgess! Maligayang pagdating sa Mihayen Academy kung saan mas mahahasa lalo ang kapangyarihang mayroon kayo at matutuklasan pa ang mga iba niyo pang kakayahan! may you have a good stay in this academy!" Tipid itong tumango at ngumiti sa lahat. She's somewhat intimidating. Katulad ni Lolo...
Pagkatapos umalis ni Madam Headmistress ay sinabihan kami ng isa sa mga guro dito na bukas na raw ang Discover Battle na magiging basehan kung saan kami ilalagay na class at malalaman din naman ang ranking namin kung saka sakali. Sa ngayon daw ay magpahinga kami at gawin ang gusto.
Kaya hinintay kong ituro samin ang magiging kwarto namin kaya sumunod na ako sa gumagabay samin. Siyang siya naman kaming dalawa ni Reiki dahil mukhang magiging magkadorm raw kami.
Hindi nga kami nagkamali at magkadorm talaga kaming dalawa ngunit may tatlo pa kaming kasama. Iyong dalawa raw ay nauna raw dito at kasama namin ang batang babaeng may kulay lilang buhok na ngayon ay walang imik na naghihintay sa pagpasok.She's weird. Well everybody is, kasama na ako. Aigoo.
Dahil wala yata silang balak kumatok ay ako na ang nag volunteer. Kumatok ako ng tatlong beses ay agad naman itong bumukas.
Napatingin naman kami sa dalawang babae na may sariling ginagawa. Ang babaeng may kulay kahel na buhok ay nakaupo lang sa couch at nagbabasa ng libro samantalang ang isa na may kulay abong buhok na cute ay patalon talong lumapit samin.
"OMYGASH HELLO SA INYO! MY NAME IS PIFETTA CARDIME. AND THAT GIRL IS ESTRELLA CORSEN. NICE TO MEET YOU! WHAT'S YOUR NAME?" Maingay siya ngunit nakakatawa. Tumango lang samin yung Estrella at nginitian ko na lang ito.
Lumapit ako kay Pifetta at inilahad ang kamay ko.
"Ahm Hi! Ako nga pala si Elena Stephie Torsia. Nice to meet you too Pifetta." Hinawakan nito ang kamay ko at malakas na ginalaw galaw. Napangiti na lang ako sa sobrang pagka childish niya. So cute lang.
Ng hindi magsalita si Reiki ay siniko ko ito."Reiki Feral." Umirap lang ito. Napakabastos na bata haha. Bayaan na nga.
"Hello Ate Reirei! I'm Pifei hihi! Rhyme diba?" Nagrereklamo sana ai Reika ng pinandilatan ko siya kaya hindi natuloy. Ayun humalukipkip lang nyahaha.
May isa pa palang hindi nagpakilala. Nilingon ko naman siya. The little girl with beautiful violet hair. Walang emosyon itong tumitingin lang sa paligid kaya kinalabit ko ito. Mabuti nga at hindi ako binalibag or what. Kung di ko lang gamay powers ko manginginig na ako dito. Scary kasi aura niya hihi.
"Ano nga pala name mo?" Nahihiya kong tanong rito. Akala ko nga hindi sasagot eh.
"Proserfina Belle Maxime." Dumiretso na ito sa kwartong nakatalaga sa kanya.
Biglang tumahimik ang sala ng umalis ito. Nakanganga si Pifei habang si Reiki ay napa OMG ng mahina. Maging si Estrella ay kakakitaan ng takot. Mukhang alam ko na kung bakit.
"Uyy! Okay lang kayo? Uyy!" Aba hindi manlang sila umimik. Hindi naman sila frozen o anoman. Kaya lumikha ako ng pagsabog na maririnig lang dito sa loob pero sobrang lakas. Tingnan natin.
BINABASA MO ANG
With This Magic (Book 1)
FantasySi Elena ang babaeng aksidenteng napunta sa mundo ng mga mahika. Isa na ba siya sa mga masuwerteng nilalang o malas sa tadhanang kinahahantungan niya? Marami itong nakilala, ang iba'y naging kaibigan. At ang iba'y naging kaaway. Ang pangungulila sa...