Chapter 34
ELENA STEPHIE
We're at the academy's huge garden on the east side. Reiki recommended that we should stay here. Ngayon, alam ko na kung bakit. Maganda kasi talaga ang pwesto rito, nakakarelax.Maya't maya ang pag-iwas ko kay Fei dahil hinahawakan nito ang buntot ko. Nagtago ako sa likod ni Ester na tahimik lang na nakaupo sa bench pero maya-maya ay si Reiki naman ang pumisil sa pisngi ko.
"Ouch! Masakit kaya!" reklamo ko habang hawak-hawak ang pisngi kong kinurot niya.
"Bagay sa'yo Steph," tawa niya. Umalis agad ako sa pwesto ko at lumayo rito nang tangka nitong kurutin muli ang pisngi ko.
"Tama na! I'll just void this, grabe kayo 'e."
Fei and Reiki immediately disagree. Lalapit sana ulit sila sa'kin pero agad akong nagsalita. "Don't come near me!"
Napahinga naman ako ng maluwag nang makitang tumigil naman sila at tumayo lang.
Sobra na nga si Madame Selina makakurot sa pisngi ko kanina tapos sila rin? Ay aba! Hindi lang ako makaangal kay madame kanina kasi baka mabadtrip. Nakakatakot pa naman iyon.
"I'll not pinch your cheeks anymore cutie. Just don't invalidate the magic, okay? Ang cute mo diyan," Reiki said while chuckling.
"Oo nga Ate, overload ang cuteness mo. Cute ka na nga dati, mas naging cute ka pa ngayon. How to be you po?" may pakurap-kurap pa na saad ni Fei.
"Heh! Mas cute ka nga sa'kin 'e. Look at the mirror Lil Fei."
"Ate naman 'e," may pahampas pa sa hanging sabi ni Fei at nagpabebe pa.
Natawa na lang tuloy ako.
"But how did you get the idea to look like that?" tanong ni Ester kaya napaiwas naman ako ng tingin sa kanila.
"There's something porky... What it is? Hmm..." wika ni Reiki kaya napangiwi ako at humalukipkip.
"Porky? Hindi ba dapat fishy iyon Ate Rei?"
Umirap naman si Reiki. "Paki mo ba?
Saka natutunan ko iyon kay Stephie. Tanungin mo pa."Alanganin akong ngumiti. Si Reiki talaga, pinapahiya ako.
"Talaga Ate Steph?" tanong ni Fei.
I just nod, still smiling awkwardly.
"Ate?" My attention shifted to Belle.
"Bakit Belle?"
"There's something happened, am I right Ate?" seryoso nitong tanong kaya napayuko na lang ako.
Minsan talaga naiisip ko na kayang basahin ng bata'ng ito ang isipan ko. Parehas yata sa Kuya niya, aigoo.
I shook my head and let out a warm smile. "Nah, nothing happened. H'wag kayong mag-alala."
Pinanliitan naman ako ng mata ni Reiki habang mataman naman akong tiningnan ni Fei.
Belle was just looking at me, not saying anything. But that was what I thought, until she spoke inside my mind.
“I'll not keep asking you Ate since it's your choice, but I don't know about Kuya. You know him. He have ways in getting any information, especially information related to you. Maliban na lang kung ikaw lang ang nakakaalam, siyempre maghihintay naman iyon kung kailan mo gustong sabihin sa kaniya.”
I unconsciously pouted and stare at the blue sky.
“I know. He's much powerful beyond everybody's thought. Feeling ko talaga may lahi kayong diyos at diyosa. Hula lang naman.”
BINABASA MO ANG
With This Magic (Book 1)
FantasiSi Elena ang babaeng aksidenteng napunta sa mundo ng mga mahika. Isa na ba siya sa mga masuwerteng nilalang o malas sa tadhanang kinahahantungan niya? Marami itong nakilala, ang iba'y naging kaibigan. At ang iba'y naging kaaway. Ang pangungulila sa...