Chapter 37ELENA STEPHIE
A bouquet of baby's breath. A sweet fragrance coming from the scented candles. Dancing grass and plants around the corner. Chirping of birds and the sound of the peaceful flow of a spring up ahead. A wonderful day to be exact, yet Lil Fei won't experience it 'cause she left and I didn't even had the chance to hear her last words.
Tumingala ako sa langit bago muling tumingin sa puntod na nasa harapan ko.
"Lil Fei.. nandito na naman ako. Kamusta ka diyan ngayong araw?" Pinahid ko ang luha sa pisngi ko at ngumiti. "Masaya ka ba diyan kasama si Eni frieny mo? I hope you are. I'm sure marami ka na ring kaibigan diyan, ang friendly mo kasi."
Sobrang isang linggo na ang nagdaan noong namatay at nilibing si Lil Fei. Paminsan-minsan lang akong pumupuslit sa labas ng akademya para bisitahin ito. Although, hindi masabing minsan lang ang tatlong beses sa loob ng isang linggo. It's my fifth time visiting her grave.
"Miss Lena?"
Nilingon ko naman si Khairo na siyang kasama ko ngayon. May awa sa mga mata nito ngunit nginitian ko na lamang siya bago ibinalik ang tingin sa puntod.
"Byebye, Lil Fei. Ate Steph will visit you some other day. Okay?"
Humakbang na ako palapit kay Khairo.
"Bakit ka ba kasi nandito? Didn't I already told you na bumalik ka na sa hometown mo? I'm sure you know that I'm fine with myself."
Tinapik ko ito sa balikat bago naglakad paalis ng Royal Mausolea of Cordem.
"The truth was I don't even know where's my real hometown is," tugon nito kaya napaisip naman ako.
"Sure ka diyan?"
"Yes."
"Don't you know your parents?"
Tinaas ko ang kamay ko bilang tanda ng pagbati sa tagabantay ng mosoliem na yumuko sa'min.
"I've never meet them."
"Pero kilala mo?"
Napangiwi naman ako sa sinagot nito sa'kin.
"Hindi rin."
Ang batang ito talaga. Hindi rin matinong kausap. Palagi itong lumilitaw kapag nasa labas ako ng akademya. I don't even bother to ask him how, dahil alam kung kaya nito akong ma-detect gamit ang kapangyarihan nito. Ganoon din noong nakita ko siya sa loob ng Glomera Manor.
"Ewan ko na nga lang. Sama ka sa'kin, may bibisitahin lang ako saglit bago bumalik ng akademya. Okay?" Pag-aya ko rito. "Tutal wala ka naman yatang ginagawa sa buhay," dagdag ko pa.
"Okay," maikling pagsang-ayon nito.
Mas boring pa yata siya kaysa kay Belle eh. Pero hindi ko naman sinasabi na boring si Belle, kaunti lang. Ang bait kaya ng batang iyon.
"Teleport."
Tinaasan ko ito ng kilay kaya agad itong tumahimik. Besides, matagal na siyang tahimik.
BINABASA MO ANG
With This Magic (Book 1)
FantasíaSi Elena ang babaeng aksidenteng napunta sa mundo ng mga mahika. Isa na ba siya sa mga masuwerteng nilalang o malas sa tadhanang kinahahantungan niya? Marami itong nakilala, ang iba'y naging kaibigan. At ang iba'y naging kaaway. Ang pangungulila sa...