a/n: dahil gusto ni Mr. Ervin Erquez na magupdate na ko. Ayan na. hahaha Again sorry kung sabaw.. walang emotion. hahaha Im not into romantic scene kasi.. pero romance genre .. hahaha gusto ko sana puro harsh ..joke. kaso sabi ni Mr. Erquez wag ko na daw kawawain ang Jelly nya.. hahaha .. sori talaga kung baduy.. bahala na.
Jelly's POV
"You mean wala pang nangyayari sainyo?" eskandalosang tanong ni Denise. Yes, my bestfriend is here. Sa condo ni Ervin.
Dinalaw din nya ko after a month. Grabe lang ang tagal ko na rin palang nakatira kay Ervin. At sa isang bwan na yun, hindi ako nakakalabas, kahit maggrocery. Isang bwan na kong hindi naarawan at nahahamugan. Isang bwan na kong nagtitiis pero sa isang banda, nararamdaman ko naman na simula nung araw na nandito si Ania ,nagbago na si Ervin . Hindi na sya nagdadala ng babae. Hindi na rin sya palaging galit sakin, minsan na lang. Pero tae lang. Naguguluhan pa rin ako. Ibig sabihin pala walang relasyon sina Ania at Ervin. Simula kasi nang araw na yun hindi pa rin ako kinakausap ng maayos ni Ervin though hindi na sya masyadong nagagalit sakin. Umiiwas naman sya. Hays.
"Baka teh hindi ka sexy sa paningin nya kaya di sya na eel sayo. alam mo na."
Sinamaan ko ng tingin si Denise. Kahit kelan talaga bunganga nito.
" Ano ba yang mga pinagsasabi mo? "
"Hay naku.. yan ang nagagawa ng virgin eh.. ignorante." natatawa nyang sabi.
"Ano ba Denise? Wag mo nga kong itulad sayo."
"Masarap kaya."
"Hoy grabe ka !" saway ko sa kanya. Grabe nakakawindang lang. Si Denise kasi may experience na sa ganung bagay. Ako, nganga.
"Okey change topic.. Nasan ngayon si handsome devil? Aba gabi na ah.. "
"May gig yun." sabi ko habang naghahanda ng kakainin namin.
"Ohwww. with my Carl?" nagtitili nyang tanong. Tae lang akala mo naman kanya si Carl.
I just roll my eyes.
'Text mo dali. Sabihin mo punta tayo."
"Diba nga, hindi ako pinapalabas nun dito."
"Eh di ba sabi mo bumait na sya sayo. Malay mo this time payagan ka na. Sige na miss ko na si Carl."
"Malabo yang sinasabi mo Denise. Tumi----"
Biglang nag ring ang cellphone ko. Tiningnan ko muna si Denise bago ko sinagot.
"He-----"
"I want you here Jelly." si Ervin. speaking of the handsome devil ika nga ni Denise.
"Ahmmm.. why?" napakagat-labi ako. Sa tono ng boses nya parang miss na miss na nya ko. Lagi naman kaming magkasama.
"Tsss... Wag na nga lang," inis nyang sagot.
Kinabahan naman ako. Tae lang. Galit na naman.
"Wait lang. Saan ka ba?"
"Wag na. Pakipot ka pa eh.." galit na talaga sya.
hmfff. Edi wag.
"Okey." sabi ko. Bwisit sya. Ang arte-arte. Ibaba ko na sana ng magsalita ulit sya.
"I'll text you where." and then he hangs up. Napangiti ako.
"Ngingiti-ngiti ka dyan. Sino yun?" sabat ni Denise.
"Tara." ngiting ngiti kong sabi. Kumislap naman kaagad ang mata ni Denise. Matik na nya.
___________________________________________________________

BINABASA MO ANG
His Playful Revenge
RomanceBigla niya kong iniwan nang walang matinong dahilan. Pagkatapos ng tatlong taon nagbalik sya,para ano?para saktan ako ulet? She hurt me,she made my life miserable pero ngayong nagbabalik sya,.. Sisiguraduhin kong hinding hindi ko na sya pakakawalan...