chapter 12

203 9 7
                                    

Ervin's POV

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang pagdoorbell sa labas. Si Ania yun. Sabi nya dadalawin nya ko, takte,. Si Jelly pala. Di ko alam binabalak ng babaeng yun. Kaya dapat maunahan ko si Jelly magbukas ng pinto.

Pero paglabas ko ng kwarto. Nakita ko nang papasok si Ania at naupo sa couch.

"So why are you here? Dito ka na ba nakatira?" tanong ni Ania kay Jelly.

"Ahm.."

"She's my maid." sabat ko.

Matalim kong tinitigan si Jelly. Wag na syang magsalita. Ayoko namang malaman ng iba ang ginagawa ko sa kanya. Kahit si Ania.

Lumapit ako kay Ania at dinampian ito ng halik sa labi. Alam kong nakita yun ni Jelly. Sinadya ko talaga.

"Panunoorin mo na lang ba kami? Go get some food. Gutom na ko." galit kong sigaw kay Jelly.

Nakita kong naiiyak na sya. Parang bigla naman akong naawa at nakonsensya. Parang ang sama-sama ko na yata sakanya. Pero she deserves it. But deep inside me, mali. Nasasaktan ko na talaga sya.

"duh! I hate it! You're using me talaga! If i have only choice. I won't do this. Damn!" maarteng sabi ni Ania pagkaalis ni Jelly at pinupunasan ang kanyang labi.

Sinamaan ko ng tingin si Ania.

"pwede ba Ania. Shut your mouth! Marinig ka ni Jelly. Saka wala akong virus ha! Makapunas ka wagas." bulong ko sakanya.

Ania just roll her eyes and said.

"You know what Ervin. You're being harsh to her. Are you happy doing that? Kahit di mo sabihin,nakikita ko kay Jelly na sobrang nahihirapan at nasasaktan na sya. But still, di ka pa rin nya iniiwan. Why dont you give her another chance?"

Kumunot ang noo ko.

"another chance? Sya ba binigyan nya ko ng sinasabi mong chance. F*ck Ania. Alam mo lahat ng pinagdaanan ko nung iniwan nya ko." galit pero pabulong kong sagot.

Tangna lang.

"Oh yes but Ervin please? Will you listen first? Kalma lang dude ok?" exaggerated na sabi ni Ania. Takte lang natatawa ko sa itsura nya. Hindi ko mapigilan ang tawa ko.

Nabigla naman si Ania sa pagtawa ko. Nanlaki ang mga mata nya.

"Sorry, nakakatawa kasi itsura mo eh. Hahaha sorry talaga!" natatawa kong sabi.

"Ervin you're insane! Kanina lang galit ka ngayon tumatawa ka naman! Alam mo para kang si Christian Grey ng 50 shades of Grey paiba-iba ng mood." maarte nyang sabi.

"Please Ania. Don't compare me to that Grey. Im not like him." kunot-noo kong sagot. Medyo nabwisit na naman ako. I've already heard that name from Sabrina. My ex. Not an Ex-lover just an Ex-bedmate though. Well, she's another story.

"Hahahaha! Really? Well it's obvious! You're just like him." pang-aasar ni Ania.

"Pwede ba Ania? Stop that." and yes pikon na talaga ko. Ayoko sa lahat yung kinukumpara ko.

"hahahaha pikon. Pikon. Pikon." asal-batang pang-aasar ni Ania.

"Go to hell Ania." sabi ko sabay tayo.

"wait san ka pupunta?" pangiti-ngiting tanong nya.

Sinamaan ko lang sya ng tingin. Iniwan ko na si Ania. Kapag di ko pa kasi ginawa. Pipikunin lang nya ko ng sobra. At yun ang ayaw ko. Baka mapalayas ko pa sya ng di oras.

Pinuntahan ko na lang si Jelly. Nadatnan ko syang nakatalikod at nagluluto. Narinig ko syang sumisinghot. Tss. Iyakin talaga.

"Ang tagal naman nyan." galit kong sabi. Talagang nagpretend akong galit. Gusto kong maramdamaman nyang galit ako.

His Playful RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon