Jelly's POV
"0kay, then, Be my slave."
Seryosong sabi ni Ervin.
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Di ako makapaniwala. Slave? Gusto nya kong maging slave? Gusto nya kong pahirapan. Gusto nya kong gantihan.
Hindi na ba nya ko mahal? Tss. Tanga. Bakit ko ba tatanungin yun sa sarili ko? Alam ko namang ako ang dahilan kung bakit naging ganito na sya ngayon. Ramdam ko yung galit, sakit at pagdaramdam sa mga salita nya.
Hindi na sya katulad ng dati. Ang dati nyang masayang mata ay napalitan na ng napakaseryosong mga titig. Siguro kung nakakamatay lang ang mga tingin nya, sigurado kanina pa ko pinagbuburulan. Hays
I gently wipe my tears. Ayoko sanang umiyak sa harap nya, pero desperada na ko. Hindi lang sya ang nahirapan sa tatlong taon na yun. Ako din.
Magsasalita na sana ko nang biglang may nagbukas ng pinto.
"Hey there, pogi!"
Pinagmasdan kong mabuti ang dumating. Napakaganda nya, para syang model, slim, maputi, matangkad, mahaba ang buhok at higit sa lahat sexy. Isang magandang babae ang pumasok. Nakangiti lang sya ng matamis habang nakatingin kay Ervin.
Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Napansin nya yata ako. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata at napatutop sa kanyang bibig.
"0h-oh! Am I missing something here?" maarte nyang sabi at taas ang kilay na tumingin kay Ervin.
Ang arte naman nito. Sino ba sya? Akala mo naman kung sinong maganda. Tss. Oo, maganda sya pero maganda rin naman ako ah.
Napasulyap ako kay Ervin na ngayon ay masayang nakangiti.
"Hi honey!" lumapit sya rito at biglang hinapit sa bewang ang babae at hinalikan sa labi. Halatang nabigla ang babae pero tinugon rin nito ang halik sa kanya. Malandi! Hmf.
Wait.
Honey.
Hinalikan nya yung babae.
Tae..
Napayuko ako sa nakita ko. Naninikip na ang dibdib ko. Ang sakit. May girlfriend na pala ulit sya. Bakit hindi ko alam. Ang alam ko pagkatapos ng relasyon nya sa isang british model wala na syang naging girlfriend. Kaya nga ko nagpunta rito e. Though, alam ko na wala naman akong dapat panghawakan dahil ako ang nang-iwan sa kanya pero hindi ko na kaya.. Mahal ko sya.
Hays .gusto na namang tumulo ng mga luha ko pero pinigilan ko.
"I've been waiting for you. What took you so long?" napatingala ako sa kanila nang biglang nagsalita si Ervin. Hawak nya pa rin sa bewang ang babae. Tae lang, hindi ba nila ko nakikita?
"Im sorry Er... Honey! You know, I woke up late and... Oh.. Who is she? Maarte nitong sabi sabay baling saken.
Tss.
Ang arte.
"She? She's nothing honey! Just one of those small time journalist who keep on inssisting for an interview." Ervin said.
Ano daw? Ako? Isang small time journalist? Hah! Bakit ganun ang pakilala nya saken? Kinahihiya nya ba ko? Tanga Jelly! What do you expect? Sasabihin nyang "shes the love of my life." Tss. Napayuko na naman ako. Hays wala na kong ibang ginawa kundi yumuko. Nasaktan ako sa sinabi nya. Nangingilid na talaga ang luha ko hindi ko mapiglan.
"0h my god! Hey, are you crying?" napatingala ako sa pagkabigla ng lumapit saken ang babae.
"uhm.. No.. Na..napuwing lang ako." what an epic alibi. Tanga lang talaga. And there, I see, Ervin smirk.
"oh.. Ok, Im Ania.. Ania Lopez." malambing nya sabi at inilahad saken ang kanyang kamay.
Kaya pala, kaya pala parang nakita ko na sya. Si Ania Lopez, isang sikat na modelo, model ng shampoo, ng branded na damit, ng make-up at kung anu ano pa. Kaya pala napakaganda nya. Pero maganda rin ako. Hindi rin ako nagpapahuli sa tangkad, pero mukang mas matangkad sya, maputi din ako pero mas makinis sya. Bakit sexy rin naman ako ha? Pero mas sexy sya. Hays . Laging may mas...hmf ,so much for that.
Tinanggap ko ang kamay nya at tipid na ngumiti. Ayoko namang maging bastos kahit ang arte arte nya.
"And you are?"
"Honey, dont mind her.. Gutom na 'ko." Ervin said at tumingin saken ng masama.
"0w Im sorry.. Let's go?"
Naluha na naman ako. Nakita kong hinawakan ni Ervin sa kamay si Ania at ngumiti ng matamis.
"lets go. Oh ..wait.. Miss.." biglang sumeryoso ang titig nya saken nang mahuli nya kong nagpupunas ng luha. Yung tingin na para bang puno ng pagaalala. Asa Jelly!
"I'll ask my secretary to get your number and...." tumigil sya tila ba nag-iisip ng sasabihin.
"wait for my call."
A/N:
mamaya ko na po ipopost ang chapter 3.. samganagbabasa po kung meron man.. hehehe vote. comment and follow naman po
thankyou!
BINABASA MO ANG
His Playful Revenge
RomanceBigla niya kong iniwan nang walang matinong dahilan. Pagkatapos ng tatlong taon nagbalik sya,para ano?para saktan ako ulet? She hurt me,she made my life miserable pero ngayong nagbabalik sya,.. Sisiguraduhin kong hinding hindi ko na sya pakakawalan...