.
Jelly's POV
"Im dead serious Jelly." seryoso nyang sabi. Talaga bang gusto nya kong pahirapan. Naiiyak na naman ako.
"Titira ka sa condo ko. Gagawin mo lahat ng gusto ko." maawtoridad nyang dugtong.
"pero, Ervin.."
"wala nang pero pero Jelly. Ikaw ang lumapit saken! You want my forgiveness, right?"
Nagtitimpi nyang salita.
I nod.
Nagagalit na sya. Halata naman sa mga titig nya e. Ang bilis magbago ng mood nya. Ganito ba kasama ang dinulot ng pag-iwan ko sakanya?
Mainipin na sya, mainitin ang ulo. Hays.
"pero Ervin. May trabaho kasi ako."
"then quit." balewalang sabi nito.
"Ervin. Tumutulong ako sa parents ko."
"I said resign!" sigaw nya.
Tae naman. Pati trabaho ko kelangan ko ng igive-up. Di kasi ako nag-iisip eh. Hays pano na sila mama sa probinsya.
"As far as I remember, you told me that you're willing to do everything?"
"0o naman Ervin."
Marahan syang tumango. Napagmasdan kong mabuti ang gwapo nyang mukha. May peklat sya sa bandang taas ng kanang kilay nya. Ano kaya ang nangyari dun? Bigla syang tumitig saken ng seryoso. Kinabahan ako. Nahuli kaya nya kong pinagmamasdan sya.
"Ako ng bahala sa magulang mo."
Hah!talaga? Ganun ba talaga sya kayaman ngayon?
"Just one question Jelly." he said.
Tinitigan ko sya
"Bakit mo 'ko iniwan?"
Napatulala ako sa tanong nya. Ramdam ko ang sakit sa boses nya. Nasaktan ko talaga sya.
Hindi ako makapagsalita. Akala ko handa ako sa lahat ng pwde nyang itanong at sabihin sakin.
Nagkamali ako. Sana sya ang pinili ko. Sya na sobrang nagpapahalaga sakin. Sya na tapat ang pagmamahal. Sana hindi na lang si Miggy. Sana hindi ko sya nasaktan. Sana hindi rin ako nasasaktan ngayon.
Hinilot nya ang sentido nya.
"Ervin, I.. I.."
"F*ck Jelly. Ano bang gusto mong isipin ko ha? 3 years, hindi ka nagparamdam. You even told me that you dont want to see me anymore. I set you free even it took a years for me to let go. Tapos ngayon, haharap ka sakin ng parang wala lang. Hihingi ka ng tawad ng parang ganun-ganun na lang? Jelly 3 years. Im living in hell and thats because of you!" galit nyang sigaw sakin.
Napatingin samin ang ibang kumakain sa resto na yun. Pero wala na kong pakialam. Natatakot ako. Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Naninikip na ang dibdib ko.
"Stop the drama. Anong gusto mo ha? Tell me." kalmado nyang sabi.
Ang bilis talagang magbago ng mood nya.
"Ervin, I just want your forgiveness. I realize that.."
"Stop that bullshit realization!" sigaw ulit nya sabay hampas sa mesa. Napatingin ulit samen ang mga tao. Nahihiya na ko sa sarili ko.
Sh*t kanina lang kalmado na sya, ngayon sumisigaw na naman sya.
"What now ha? You realize that ako pa rin ang mahal mo? Tapos yung lalaki na yun? Pano na sya? Katulad ng ginawa mo sakin? Iniwan mo sya para sakin katulad ng pag-iwan mo sakin para sakanya? You know what I can't trust you anymore!"
0Yumuko ako. Yun lang naman ang kaya kong gawin e. Tumahimik naman sya.
Magsasalita na sana ko nang biglang dumating ang order namin. Este, order nya.
Pasimple kong pinunasan ang luha ko. Nang umalis na ang waiter na nagdala ng order nya nang magsalita si Ervin.
"Eat!" bossy talaga.
Sino pa bang gaganahan kumaen kung sinigaw sigawan ka na. Do I have the rights to complain?. Syempre meron. Tao rin naman ako diba?
Tinitigan ko lang ang pagkain. Mukang masasarap pero talagang wala na kong gana.
Naalala ko before pinakabonding namin ang pagkaen. Inaasar pa nga nya ko noon na kahit ang takaw takaw ko,di ako tumataba. Kaya naman gusto nya lagi akong kumakaen lalo na kapag magkasama kame. Yun nga lang talagang hindi ako nataba.
"I said eat!" galit na naman sya.
Hindi naman sa pakipot ako pero talagang wala na kong gana.
Nagulat ako ng bigla syang tumayo. Hinawakan nya ko ng mahigpit sa braso.
"let's go!" sabi nya.
Wala naman akong nagawa kasi hinila na nya ko palabas ng restaurant. Diretso kami sa nakaparada nyang kotse. Ni hindi man lang sya nagbayad sa mga inorder nya. Buti hindi kami hinabol ng manager. Sh*t sayang yung pagkaen ha.
Binalibag nya pasara ang pinto ng maipasok nya ko. Magkasalubong na ang kilay nya ng sya naman ang pumasok. Agad nyang inistart ang makina at mabilis na pinatakbo ang sasakyan.
"Ervin, dahan-dahan lang please." nanginginig na ko sa takot. Sa bilis ng pagpapatakbo nya di malayo na mabangga kami.
Hindi nya ko pinansin. Nakatuon pa rin ang tingin nya sa kalsada at mabilis pa rin ang pagmamaneho nya.
"Ervin, saan mo ko dadalhin?" natatakot na talaga ko.
"Why Jelly? You dont trust me?" nakasmirk nyang tanong sakin.
Hindi ko na talaga maintindihan si Ervin. Kanina lang galit sya, ngayon naman mukha syang manyak kung makatingin. Di ko alam isasagot sa kanya. Kaya bumaling na lang ako sa bintana.
" f*ck"
Narinig ko naman syang nagmura. Tingnan mo. Hays!
Mahabang katahimikan.
Ang mga mata nya nakatuon lang sa kalsada.
Ako naman sa bintana nakatingin.
Binagalan na rin nya ang pagpapatakbo.
Maya-maya nagring ang cellphone nya.
Lumingon ako sa kanya. Nangangalay na rin kasi ng leeg ko. Kumunot-noo sya, hindi ko alam kung dahil sa nakita nya kong pinagmamasdan sya o dahil sa tumatawag.
"hey."
Niloudspeaker nya.
"tol, dont forget our set tonight."
"f*ck you!"
"hahaha! Naistorbo ba kita pre?"
"Im driving.. You dont have to remind me bastard!" salubong na ang kilay nya.
"oh-oh! If I know, You always forgot our gig because of those lovely girls who are always busy telling their bed time stories over your.."
"go to hell Carl!" tawa naman ng tawa ang nasa kabilang linya. Pinutol na nya ang tawag at tumingin sakin.
Nagkatitigian kami. Seryoso ang mga mata nya na parang nagsasabi na wag kong intindihin ang mga narinig ko. Nagiwas na ko ng tingin.
Alam ko naman yun eh. Hindi naman ako bata para hindi maintindihan ang gustong sabihin ng kausap nya. Maraming babaeng dumaan sa buhay nya sa 3 years na magkahiwalay kami. Masakit pa rin palang isipin na hindi lang ako ang babaeng minahal nya.
"You'll come with me." sabi nya. Bakit may magagawa pa ba 'ko? Hindi naman nya ko binibigyan ng choice diba? Hay buhay!
BINABASA MO ANG
His Playful Revenge
RomansaBigla niya kong iniwan nang walang matinong dahilan. Pagkatapos ng tatlong taon nagbalik sya,para ano?para saktan ako ulet? She hurt me,she made my life miserable pero ngayong nagbabalik sya,.. Sisiguraduhin kong hinding hindi ko na sya pakakawalan...