chapter 16

159 8 2
                                    

Ervin's POV

Nagising ako nang maramdaman kong may humahaplos ng noo ko. Si Jelly. I smile. Simula nung gabi na kinantahan ko sya sa bar,pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Matagal ko ring kinimkim ang galit at sama ng loob sa pag-iwan nya sakin. When the first time she came at my office, I felt the hatred I kept for 3years and also the longing, longing to touch her, to kiss her, to hug , to love and to be loved by her. Now that she's here beside me, I won't let her go again, ever. This time, itatama ko na ang lahat hindi ko na sya pakakawalan. Kung nung una naging selfish ako, ginantihan at sinaktan ko sya, ngayon hindi na. Hiinding-hindi na.

Ang ganda nga naman talaga ng umaga kapag maganda ang bubungad sayo. Her hair is tie in a messy bun. Inipit ko sa tenga nya ang mga hibla ng buhok na tumatabing sa kanyang mukha. I look at her intently. She smile at piningot ang ilong ko.

" Good morning. Did you sleep well?" she ask sweetly.

"No."

Sumimangot naman sya. Ang cute cute talaga.

"Bakit? Kasi walang aircon? Walang kutson?" ang aga-aga ang taray.

"Kasi hindi mo ko tinabihan." paglalambing ko. Hinila ko sya, napahiga sya sa tabi ko at niyakap sya ng mahigpit.

"Bitaw. Baka makita tayo ni nanay. Gising na yun." pagpupumiglas nya.

"E ano pakakasalan naman na kita. Saka next time pupunta ka dito tulog pa sila para wa----- aray!" hinampas ba naman ako. Tuluyan na syang nakatayo. Umupo naman ako. Sa sahig lang ako natulog. My head and back aches. Potek naman oh.

"Pakakasalan? E hindi naman kita boyfriend. " nakapameywang nyang sagot.

Hinila ko ulit sya, napaupo naman sya sa ginawa ko. Dati, naging hobby kong putulin ang sasabihin nya ngayon naman ang hilain naman sya. Ang rude ko na ata. Tss.

"Aray naman!"

Hinalikan ko sya ng mabilis sa labi. She blush and blink her eyes. Ang cute talaga.

"Bakit gusto mo ligawan ulit kita?" I smirk. Hindi naman sya nakasagot. Im still holding her nang biglang may nagsalita.

" Ate, sino sya?"

Nagulat kami pareho. Ang kapatid nya pala.

"Jeric, kanina ka pa ba dyan?"

"Dont worry ate, open - minded ako." Natawa naman ako sa sagot ng kapatid nya. Lumapit si Jelly kay Jeric at mahinang kinotongan ito. Tss. Bipolar pala tong babaeng to sa kapatid.

"High school ka pa lang. Kung ano ano na nalalaman mo."

sabi ni Jelly.

"Ano bang mali sa sinabi ko? Open-minded lang naman sinabi ko. " pangangatwiran ng kapatid nya.

"Kahit na. Balik ka sa kwarto mo." pinanuod ko na lang sila.

Ang cute e. Parang mother and son.

"Ikaw ba si Kuya Ervin?" tanong sakin ng kapatid nya. Hindi nito pinansin ang sinabi ng kapatid. Tinanguan ko sya.

"Kuya, yung pangako mo sakin?"

"Ah. Nasa kotse ko. " I pick my car keys and gave it to him.

" Go. Get it at the back seat."

"Talaga?" tuwang-tuwa naman si Jeric.

"Teka ano ba yan?" sabat ni Jelly na tila naguguluhan.

I just shrug and stand up. My body aches. Siguro dahil na rin sa lagnat ko at pagkakahiga. Hindi na ko sanay sa matigas na higaan. Laking hirap naman ako at napagdaanan ko yun. Kung di dahil sa pagsisiskap ni papa siguro mahirap pa rin kami hanggang ngayon. When Jelly left me, I strive hard to move on. Nung una mahirap pero nang magmigrate ang mga magulang ko naiwan sakin ang lahat ng responsibilidad sa kompanya. May kapatid akong lalaki. Dalawa lang kami, matanda lang ako ng isang taon pero walang pakialam sa buhay yun kaya ako ang inasahan ni papa. From that time, nabaling ang atensyon ko sa kompanya pero mas lalo akong nagkaroon ng chance para sundan-sundan sya. I still remember the time I've got the chance to talk to her. Also the time I've face the reality.

His Playful RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon