A/n: pasensya na po kung sabAw at kulang sa em0sy0n.. Fist try q po to.. Di q nga po alam kung itUtUloy q pa.. Hehe pero dahil kay miss @josielynnorico mejo nagdadalawang isip na ko na itUl0y.. Hehe.. Sa mga siLEnt readErS po. Kung merun po. Pls. C0mMent naman po kung gus2 nyo p po bng itUl0y q.. :) aun lang po thank y0u..
Jelly's POV
Iyak ako ng iyak paglabas nya ng pinto. Ang sakit. Pero lahat pala ng sakit na naramdaman ko ay walang-wala sa sakit na naramdaman ni Ervin nang iniwan ko sya.
Nasaktan ko sya ng sobra.
Hindi ko akalaing ngayon ko malalaman ang mga hinanakit nya sakin. Hindi ko sinasadya.
Hindi ko naman naisip na ganun ang mangyayari.
Lumabas lang ako para maggrocery. Tutal aalis naman sya at magkikita sila ni Ania. Minabuti ko na lang na lumabas at maggrocery para hindi ako masaktan pag nakita ko syang umalis.
Nang nasa hallway na ko. May nagtanong lang saking lalaki kung may kilala akong certain person na nakatira din sa floor ng unit ni Ervin. Iyon ang naabutan nya.
Hindi pa rin ako umalis ng condo nya kahit sinabi nyang pinatawad na nya ko. Dahil alam ko namang sinabi nya lang yun.
Umuwi sya ng gabing yun na lasing na lasing. Dinala sya ng kabanda at pinsan nyang si Bryle.
"Grabe, pinagod ako nyan. Ang bigat!" reklamo ni Bryle pagkalapag namin kay Ervin sa kama.
Ngumiti lang ako sa kanya.
"May LQ ba kayo? Hah! Tama nga ang sabi nya, dito ka nga nakatira. Kelan pa?"
"Magtwo-two weeks na."
Tumango lang si Bryle.
"Oh pano. Kaw na bahala dyan. May amats din ako oh. haha" paalam nya.
Hinatid ko lang sya sa pinto. Binalikan ko kaagad si Ervin sa kwarto dala ang maliit na palanggana at towel. Pupunasan ko na lang muna sya.
Aangatin ko na sana ang t-shirt nya para hubarin nang bigla syang magsalita.
"dont! May mahal na 'ko".. Mapungay ang matang sabi nya.
May mahal na sya. Si Ania. Kagat labi kong tinuloy ang paghubad sa kanya. Basang basa na kasi sya ng pawis. Nahubad ko na ng tuluyan ng magsalita ulit sya.
"She's back. The love of my life came back. Hell, yeah I still love her." pabulong nyang sabi.
Si Ania ba ang tinutukoy nya o Ako? Asa Jelly pero sana nga ako.
Tinuloy ko na lang ang pagpunas sa kanya. Pungay pa rin ang mga mata nya na nakatingin sakin. Hindi ko alam kung gising ba sya o tulog. Kung lasing ba sya o nagkukunwari lang.
Napadako ang mga mata ko sa kanang kilay nya na may peklat. Ano kayang nangyari dito. Anong ginawa sakanya ni Miggy. Hays. Hindi ko alam to.
Ang laki pala talaga kasalanan ko sa kanya.
Hindi ko na sya napalitan ng damit dahil sa bigat nya. Kaya kinumutan ko na lang sya.
Tumayo na ko at niligpit ang mga ginamit ko. Tumalikod na ko sa kanya at tumungo sa pinto ng marinig ko syang nagsalita.
"I.. Love.. You... Je.".. Putol-putol nyang sabi. Pagtingin ko sakanya. Nakapikit naman sya. Pero narinig ko talaga Je. Ako yun. Napangiti ako at tumulo na naman ang mga luha ko. Mahal pa rin nya ko.
_____________________
Kinabukasan, maaga akong nagising. Masaya akong nagluto ng almusal. Nang lumabas sya. Tae. Kahit gulo-gulo ang buhok nya. Ang gwapo nya. At sh*t ang mga abs nya naghahi sakin. Bakit hindi ko yun napansin kagabi.

BINABASA MO ANG
His Playful Revenge
RomanceBigla niya kong iniwan nang walang matinong dahilan. Pagkatapos ng tatlong taon nagbalik sya,para ano?para saktan ako ulet? She hurt me,she made my life miserable pero ngayong nagbabalik sya,.. Sisiguraduhin kong hinding hindi ko na sya pakakawalan...