ERVIN's POV
Wala akong balak pumasok sa office ngayon. Kanina pa ko gising pero hindi pa rin ako bumabangon. When Jelly was still here, nagigising ako sa amoy ng niluluto nya. Babangon ako para makita sya, kung minsan para asarin rin sya. Pero simula nung makita ko syang may kausap na lalaki sa hallway ng building ng condo ko, masyado kong nagalit. Muntik ko pa syang masaktan ng pisikal. I hated myself that time. Simula noon, sinasaktan ko sya emotionally. Binabalewala ko sya at nagdala pa ako ng babae. Pinagsisihan kong nagawa ko yun. Masyado akong nagpadaig sa galit at selos ko. Masyado akong nagpatalo sa pride . Sana inayos ko na noon pa lang. Sana hindi na ko gumanti pa.
Tumayo ako at nagtungo sa guest room ng condo ko. Pagpasok ko pa lang naamoy ko na ang scent ni Jelly. Marami akong panahon na sinayang. Miss na miss ko na sya. Hihiga na sana ako sa kama ni Jelly ng maring kong magring ang phone ko sa kwarto ko. Nagdalawang-isip pa ko pero I decided na sagutin na lang baka importante. Bumalik ako sa kwarto at dinampot ang phone ko.
"Yes?"
"Wala ka bang balak pumasok?" si papa. Hindi ba nya alam na dahil sa kanya , sa pinipilit nya kaya ayaw kong pumasok.
"Pa.----"
"Nevernind. Pumunta ka na lang dito sa bahay at namimiss ka na ng mama mo." Binaba na nya ang phone. Ramdam ko na may silent war kaming dalawa. Mabait naman ang papa. Siguro masyado lang syang nasisilaw sa maaring kitain ng kompanya once na magmerge ang kompanya at ang kompanya ni Tito Enrique ang kumpadre nya. I am honesly mad, for 3 years since they migrated at states, ngayon lang kami ulit nagkita tapos may tampuhan pa. Okey naman kami eh. Kung sana hindi lang ni papa pinaghimasukan ang bagay na alam nyang hindi naman dapat. Kaso eto na eh ang dapat ko na lang gawin is ang hindi pumayag. Kahit anong gawin nila talagang hindi ako papayag. Kaligayahan ko at ang damdamin ni Jelly ang nakasasalay dito. Ayoko syang masaktan. I wont let that happen. Never.
-----------++++++++---------------
As I enter my old house, our old house., I feel the familiar feeling. Hindi naman sya mukhang luma talaga, nasabi ko lang na luma dahil dito ako nakatira dati, dito ako lumaki, dito ako unang naglaro, nadapa, tumawa at umiyak. Marami akong memories dito na kahit kailan hindi ko makakalimutan.Nilibot ko ang tingin ko sa buong bahay. Hindi siguro naramdaman nila mama na dumating na ako. Nakita ko ang malaking family picture namin sa wall. I was 14 years old on that picture., katabi ko ang brother ko slash bestfriend ko bukod kay Ania. Speaking of Ania, kamusta na kaya yun? Sigurado busy na naman yun sa world tour nya.
"Hey dude!" napatingin ako sa pinto. There I saw my 25 year old brother. Tss. Di pa rin nagbabago, mukha pa ring playboy. Maangas ang itsura ng kapatid ko. Iyong tipo na sinasabing habulin ng mga babae. Matinik pa yan mangchicks. Tsk tsk. He smiles. Lumapit sya sakin at niyakap ako.
"How are you bro?" namiss ko tong ugok na to. Madalas kaming magkasama noon bago pa sila magmigrate. Kasama sa lahat ng kalokohan at kagaguhan.
"Im fine. Ikaw? Masasakal ka na." at tumawa ng malakas. Napaka alaskador talaga nito. Sasagot na sana ko nang bigla kong marinig si mama.
" Oh my God. Son." Narinig siguro nya ang pagtawa ni Ervic, ang utol ko. Maluha-luha syang lumapit sakin. Ang mama. Kahit maginhawa na ang buhay, ang simple pa rin mag-ayos. Matagal din kaming hindi nagkita at namiss ko din ang mama ko. Ginantihan ko sya ng yakap.
"Kamusta po ma?" I look at her eyes. Mababakas sa kanyang mata ang kasiyahan sa muli naming pagkikita. Pero mapapansin mo rin ang kalungkutan.
"Im fine son." She stared at me and sighed. Hinimas nya ang balikat ko. Nakayuko akong tinitigan sya. Namiss ko ang mama ko. Mama's boy ako honestly. Noong iniwan ako ni Jelly, gustong gusto kong umiyak sa kanya at sabihin lahat ng pagdaramdam ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong makita nya kong nahihirapan nang dahil sa babae. Ayoko ring sumama ang tingin nila sa taong mahal ko. Kahit sobra nya kong nasaktan ayoko pa rin na kamuhian sya ng pamilya ko.
BINABASA MO ANG
His Playful Revenge
RomanceBigla niya kong iniwan nang walang matinong dahilan. Pagkatapos ng tatlong taon nagbalik sya,para ano?para saktan ako ulet? She hurt me,she made my life miserable pero ngayong nagbabalik sya,.. Sisiguraduhin kong hinding hindi ko na sya pakakawalan...