chapter 5

206 8 0
                                    

A/N:

Di ko alam kung itutuloy ko pa to. Haha

Ervin's POV

Dumating ako exactly 6:30 pm. sa restaurant. Alam ko maaga pa ko sa sinabi kong oras. But Im still hoping that she will be here before me. Hinanap sya ng mga mata ko pero ni anino nya di ko nakita.

Umupo na ko sa pinareserve kong table bago pa ko tumawag kay Jelly. Naiinip na ko. Baka biglang hindi sya pumunta, baka indyanin nya ko. Kinakabahan ako. F*ck

I look at my watch, 5 minutes na kong nakaupo rito. Damn, bakit ang tagal nya. Sabi ko wag syang malate. Sinabi ko yun eh. Takte naman.

Kinuha ko ang cellphone ko. Itetext ko na sana sya nang may nagsalita sa harap ko. Napatingala ako.

"Ervin, Im sorry, Im late"

Tinitigan ko sya sh*t. Napakasimple lang nya pero napakaganda nya pa rin sa paningin ko. Lalo akong kinabahan pero di ko pinahalata. Gusto ko sanang tumayo at salubungin sya ng halik pero naisip kong hindi dapat.

"Sit down." sabi ko.

Umupo sya sa harap ko.

"I already ordered."

Yun lang ang nasabi ko. Napasinghap sya, nagulat ko yata sya. Kagat labi syang yumuko at nilaro ang kanyang mga kuko. Pinagmasdan ko lang sya. Pareho kaming tahimik. Di ko rin naman kasi alam kung pano ako magsisimula. Parang natotorpe na naman yata ako.

Nilalaro pa rin nya ang mga kuko nya. Natatawa tuloy ako. Naalala ko yung unang beses na nagkalakas ako ng loob na lapitan sya.

FLASHBACK

____________________________

Tumutugtog kami ng banda ko noon sa isang gig. Nakita ko ulit sya. Ang babaeng nagpahiya sakin sa birthday ng kapatid ng barkada kong si Ralph. Yet, ang babaeng sa isang ngiti lang, napabilis ang tibok ng puso ko.

Pumapalakpak sya samin. Kaya pagkatapos ng first set nilapitan ko kaagad sya.

"Hi." sabi ko.

"Hi din."

"Anong ginagawa nyo dito?"

"nanunood." sagot nya.

F*ck epic.

"ah hehe.. Sino sya?" turo ko sa tabi nya.

"si Denise, bestfriend ko.." nag hi naman sakin si Denise sinagot ko lang sya ng ngiti.

"a..ahm.."nahihiya kong tanong. Tinitigan nya lang ako.

Sh*t natotorpe na naman ako. Kailangan ko ng makuha number nya. Kundi, di na naman ako mapapakali nito sa kakaisip sa kanya.

"pwede ko bang makuha number mo? Lakas loob kong tanong.

"hindi pwed eh." nangingiti-ngiti nyang sagot.

"ha?" nagulat ako. Hindi ko napaghandaan yun ha. Busted agad?

Bigla naman syang tumawa.

"kasi naman, kapag kinuha mo edi wala na kong number." nakapout nyang sabi.

Ang cute nya.

"ang cute mo talaga!" bigla kong nasabi.

Her cheeks turns to red. Yumuko sya at dun ko unang nakitang nilalaro nya ang mga kuko nya.

______________________________

"ahm ..Ervin."

Naputol ang pag-iisip ko ng magsalita sya. Sumiryeso na ko.

"Hmm?"

"tungkol sa sinabi mo..."

Ah yung sinabi ko. Bakit may balak pa ba syang umurong? Akala ko ba gusto nyang mapatawad ko sya.

"yes, you're going to be my slave."putol ko sa kanya. Ewan ko ba, hobby ko ng di sya patapusin sa sasabihin nya.

"but, Ervin..."

Ang cute nya talaga. Hilig nya pa rin talaga makipagtalo.

I smirk.

"you dont have any choice." I will never give you one. Wag ka nang magmatigas.

Pls. lang Jelly. Pagbigyan mo ko.

Naiiyak na naman yata sya.

Iyakin pa rin.

""Im dead serious Jelly!"

His Playful RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon