a/n:
Pasensya na po sa tagal..
Jelly's POV
Dalawang linggo na ang nakalipas nang paguusap namin ni Ervin at pagsama nya sakin sa gig ng banda nila.
Simula ng gabi na yun. Pansin ko bumabalik ang dating Ervin na nakilala ko. Madalas ko syang nahuhuling nakangiti pero kapag napansin nyang nakita ko sya. Sasamaan nya ko ng tingin.
Mahigit isang linggo na kong nakatira sa condo nya. Nagresign na rin ako sa trabaho ko kahit na sobra talaga ang panghihinayang ko. Wala naman akong choice diba?
Nagluluto ako ngayon ng lunch namin. Habang sya nanuod ng tv sa sala. Sabado ngayon at wala syang pasok. Ang sarap isipin na para na kaming mag-asawa na nagsasama sa isang bubong pero hindi naman ganon ang turing nya saken.
"Jelly, kape ko?" sigaw nya.
"Ervin, sandali. Masusunog ang niluluto ko."
"Bilisan mo! Kanina pa ko gising dito, di mo pa rin ako dinadalhan ng kape." sigaw ulit nya.
Aba. Kasalanan ko ba! Sya tong tanghali magising eh bwisit talaga.
Iba-iba ang trip nitong si Ervin. Minsan pag bagong gising sya. Bigla na lang nya kong pupuntahan sa guest room. Tatabihan. Yayakapin ng mahigpit. Minsan nga nagkukunwari pa kong tulog eh. Mararamdaman kong tinititigan nya ko. Hahalikan ng matagal sa labi. Smack lang ha. Tapos maya-maya tatayo na sya. Maririnig ko na lang ang pagsara ng pinto.
Minsan iniisip ko, siguro mahal nya pa rin ako. Sana nga.
Ngayon eto ang trip nya.
"Ervin, eto na kape mo." magkasalubong ang kilay nyang tinanggap.
"Nagawa mo na ba yung sinabi ko?"
"0o, kagabi pa. Nakahanger na sa closet mo."
Hinihintay ko syang sumagot kaya nakatayo lang ako sa tabi nya. Nakatuon lang ang mga mata nya sa tv.
"Anong tinatayo tayo mo dyan? Alis na." sabi nya. Nahuli ko pa syang nakangiti bago ako tumalikod. Dinabugan ko nga. Bwisit!
Inaasar na naman nya ko. Eto ang trip nya ngayon. Ano naman kaya bukas hays.
Pagkatapos naming kumain ng lunch. Pumasok na sya ng kwarto. Makalipas ng ilang minuto. Lumabas na sya suot na nya yung pinaplantsa nya sakin. Ang gwapo nya. Napansin nya sigurong tinitingnan ko sya.
Magkasalubong ang kilay nya at nagsalita.
"Gagabihin ako. Lock the door. Wag kang magpapasok ng kahit sino."
Lagi namang ganun e, kinulong na lang nya ko dito sa condo nya. Ni hindi ko na nga nakikita ang bestfriend kong si Denise eh.
"San ka pupunta?" tanong ko.
Palabas na sana sya ng pinto kaya lumingon ulit sya saken.
Ervin smirk.
"Stop acting like my lovable wife. You'll never be the one."he said then he left.
Grabe. Ang sama nyang magsalita. Oo. Nasaktan ako sa sinabi nya. Hindi pa ko nasanay. Hanggang kailan ba to.
Hays.
Wala akong magawa sa condo nya. Nood tv. Linis. Hugas plato. Hanggang sa gumabi. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ko sa couch ng sala sa paghihintay ko kay Ervin.
Naramdaman kong may humahaplos ng buhok ko. Alam kong si Ervin yun. Alam ko ang amoy nya, nagkunwari akong tulog. Ang lapit na ng mukha nya saken. Ilang saglit lang naramdaman kong nilapat na nya ang labi nya sa labi ko. He's kissing me. Hindi ko napigilan, tumulo na ang luha ko.
Napansin niya ang pagluha ko. Dinilat ko na ang mga mata ko. Nanlaki ang mga mata nya sa gulat. Nilayo nya ang mukha nya pero nakaluhod pa rin sya sa harap ko.
Para syang batang nagkamot sa batok nya sabay iwas ng tingin.
"Ervin.. " sabi ko.
Tumayo na sya.
"Go to your room." malamig nyang sabi.
"Ervin, please can we talk?" bumangon na ko. Napahinto sya papunta na sana sya sa kwarto nya.
"Why?"
"I just..."
"Jelly, please. Not now." at tuluyan na syang pumasok sa kwarto nya.
At yun, iniwan nya kong nakatanga. Kelan nya kaya ako kakausapin nang matino. Kelan ko ba masasabi sa kanya ang nararamdaman ko . Ang lahat ng pagsisisi ko. Sa tuwing magtatangka akong kausapin sya. Palagi syang umiiwas. Hanggang kailan magiging ganito ang set-up namin. Mahal ko sya at umaasa pa rin ako na mamahalin nya ulit ako..

BINABASA MO ANG
His Playful Revenge
RomanceBigla niya kong iniwan nang walang matinong dahilan. Pagkatapos ng tatlong taon nagbalik sya,para ano?para saktan ako ulet? She hurt me,she made my life miserable pero ngayong nagbabalik sya,.. Sisiguraduhin kong hinding hindi ko na sya pakakawalan...