Ervin's POV
Hindi ko alam kung masaya ko sa ginagawa ko kay Jelly. Hindi ko alam kung tama bang saktan ko rin sya. Kung tama bang iparamdam ko rin sa kanya yung pagbabalewalang ginawa nya sakin noon.
Gabi-gabi ko syang pinagmamasdan kapag tulog na sya. Minsan napipigilan kong yakapin o halikan sya pero madalas natetempt ko talagang gawin yun.
Natutuwa ako sa tuwing nakikita ko syang inaasikaso ako. Pinagluluto. Pinaghahain. Pinagsisilbhan na para bang mag-asawa.
Pero simula nung araw na yun na nakita ko syang may kausap na iba. Nangamba ko. Nagalit. Nasaktan ako. At patuloy akong nasasaktan. Hindi mawala sa isip ko na baka iwan na naman nya ko. Ipagpalit sa iba. Gamitin. Lokohin. Masakit. Gusto ko akin lang sya.
Akala ko, magiging masaya ko na makakasama ko sya araw-araw. Pero may isang bahagi ng isip ko na nagpapaalala sa mga sakit na naramdaman ko nang iwan nya ko.
FLASHBACK
____________________________
"tol, patext nga, nawalan ako ng load. Text ko lang si Jelly." sabi ko sa pinsan kong si Bryle.
Bday kasi ng barkada naming si James. Nauna na ko kay Jelly, kasi dumiretso na ko dito galing trabaho.
2 months na kaming on. Hindi rin ako makapaniwala na sinagot din nya ko. Kahit ilang beses na nya kong binusted. Consistent pa rin akong niligawan at nakipagkaibigan sa kanya ng dalawang taon.
Miss na miss ko na sya. May isang linggo na rin kaming hindi nagkikita. Naging busy kasi ako sa trabaho. First job ko kasi yum kaya dapat pagbutihim Puro text at tawag na lang ang naging komunikasyon namin. Kaya sobrang miss na miss ko na sya.
"0h sige.. Bayaran mo din kagad ha?"sabi ni Bryle.
"Tangna mo piso lang."
"Mag gf kasi wala naman palang pangload." hahaha sabay tawa. Mga barkada ko talaga. Mga siraulo.
Tinext ko na sya. Hinintay ko na sya sa labas ng gate para sabay na kaming pumasok.
"Huy!" ginulat nya ko. Si Jelly na pala. Ngumiti ako sakanya, nginitian lang din naman nya ko.
Diretso syang pumasok ng bahay ni James. Habang nakasunod lang ako sakanya.
Kwentuhan.
Asaran.
Kulitan.
Kantahan.
Kainan.
Inuman.
Napansin kong hindi ako masyadong kinikibo ni Jelly. Tanong sagot lang ang naging pag-uusap namin. Kaya inilayo ko sya sa barkada para makausap.
"Jelly may problema ba?" tanong ko.
"wala." sagot nya.
"eh bakit parang meron?"
"ano ka ba?"
"sabihin mo na."
Tumahimik sya. Yumuko at nilaro ang mga kuko.
"Je.."
"Maghiwalay na tayo Ervin." nakatitig nyang sabi.
"ha?" nagulat ako sa sinabi nya. "bakit? Anong kasalanan ko? May nagawa ba ko? Sorry naging busy lang talaga ko." sabi ko. Damn. Naiiyak na ko.
Bakit biglang makikipaghiwalay na sya. Wala akong maisip na dahilan.
"hindi yun e." naiiyak na din sya.
BINABASA MO ANG
His Playful Revenge
RomanceBigla niya kong iniwan nang walang matinong dahilan. Pagkatapos ng tatlong taon nagbalik sya,para ano?para saktan ako ulet? She hurt me,she made my life miserable pero ngayong nagbabalik sya,.. Sisiguraduhin kong hinding hindi ko na sya pakakawalan...