Jelly's POV
Two days na kong nandito sa probinsya namin sa Bicol. Ang tatay ko nastroke. My family badly needs me. Awang-awa ako sa tatay ko. Nakaratay na lang sya ngayon sa higaan. Ang nanay ko naman ang humalili sa kanya sa pag-aalaga ng mga baboy at ibang pananim ni tatay. Ang kapatid ko namang lalaki ay nag-aaral pa. Naaawa ako sa pamilya ko, simula nang magresign ako sa trabaho. Hindi ko na sila napapadalhan ng pera para makatulong. Matatanda na ang nanay at tatay pero heto sila nagtatrabaho pa rin. Ako ang panganay, ni hindi ko man lang matulungan sila at nang guminhawa naman ang buhay namin.
Parang nagsisisi pa ako sa naging desisyon ko, inuna ko pa ang sarili ko kesa sa makatulong kayla nanay. Ito tuloy ang nangyari kay tatay. Masyado kasi akong natakot na baka tuluyan ng mawala sa akin si Ervin. Speaking of him. Miss na miss ko na si Ervin pero bwisit sya. Kahit isang text o tawag wala. Hindi man lang nya ko naalala. Akala ko pa naman okey na kami. Hmf.
Siguro nga okey na kami. Siguro this time, pamilya ko naman na dapat ang unahin ko. Thankful na rin ako kasi nagbunga yung isang buwan kong isinakripisyo para sa pamilya ko ngayong napatawad na nya ko. Hindi naman na siguro kailangan ng maraming salita at kadramahan pa. Atleast, ramdam namin ang pagkakaunawaan at pagpapatawad sa isa't isa bago ko sya iwan. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako sa Maynila. Bahala na si spiderman.
"Anak, matulog ka na. Ako na bahala sa tatay mo."
"Nay, okey lang po. Kayo po ang magpahinga. Di pa naman ako inaantok." mahimbing na natutulog ang tatay pero minsan nagigising sya at nanghihingi ng kailangan nya kaya kailangan may nakabantay sakanya.
"Hindi pa naman ako inaantok anak." tinitigan ako ng nanay ko at bahagyang ngumiti.
"25 ka na anak, di ka pa ba mag-aasawa?"
"Hala ka! Ano ba yang tanong mo nay, kita mong nastroke si tatay uunahin ko pa ang pag-aasawa." sabi ko. Anggara ni nanay.
"Matanda na kami ni tatay mo. Bago nga sya mastroke nasabi nya sa akin na gusto na nya magka-apo sayo."
"Hala! nanay naman boyfriend nga wala eh.. Apo pa grabe ka naman nay." nakakaloka.
Kumunot ang noo ng nanay.
"Ha? Eh sino yung madalas na tumatawag sa amin ng tatay mo? Sabi nya boyfriend mo sya."
"Ano po? Sino po?" gulat kong tanong. Wala akong alam na may boyfriend pala ako.
"Ervin.. Yun ang pangalan anak. Siguro higit isang bwan na rin. Linggo-linggo sya magpadala ng pera anak. Noong una ayaw namin sya paniwalaan ng tatay mo. Pero makulit sya, gusto ka namin kausapin ng tatay mo pero sabi nya okey kalang naman daw. Nagagalit nga ang tatay mo eh. Pero nagtiwala na rin kami sa kanya ng tawagan namin si Denise." mahabang paliwanag ni nanay.
"Pero bakit hindi nyo sakin sinasabi nay?"
"Ayaw nyang sabihin namin sayo eh. Kaya nagimbistiga na lang kami ng tatay mo. Noong pagdating mo naman eh nakalimutan ko sa pagaasikaso sa tatay mo.. "
"Nanay naman eh. Saglit lang po ah."
I need to call him Hindi ko to alam. Pumunta ako sa kwaro ko. I dialed his number.
"He----"
"F*ck bakit ngayon ka lang tumawag?" halos pasigaw nyang tanong.
"Teka nga. Bakit ba galit ka?" kairita naman to.
"D*mn Jelly. . 2 days ka na dyan. Di ka man lang nagtetext o tumatawag. Im so worried about you."
"Ang OA mo naman. Eh bakit hindi ikaw ang tumawag sakin." I heard him utttered Sh*t. Tingnan mo. Sya pa ang galit.
BINABASA MO ANG
His Playful Revenge
RomanceBigla niya kong iniwan nang walang matinong dahilan. Pagkatapos ng tatlong taon nagbalik sya,para ano?para saktan ako ulet? She hurt me,she made my life miserable pero ngayong nagbabalik sya,.. Sisiguraduhin kong hinding hindi ko na sya pakakawalan...