Jelly's POV
It's been a week since I voluntarily head my face toward Ervin's office. Hindi ko nga alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para harapin sya pagkatapos ng maraming taon.
At first, nagulat ako nang makita ko sya. Oo, hindi pa rin sya nagbabago physically. Medyo naging mama na sya unlike before na para syang totoy na ngingiti abot tenga kapag tinawag mo sya sa pangalan nya.
Ngayon, seryoso na ang mga titig nya. Nakakatakot na rin sya magsalita. Pero ang gwapo pa rin nya. Kahit medyo messy ang tabas ng buhok nya. Naka polo at nkablack pants, office attire kumbaga, ang lakas pa rin ng dating nya. Ewan ko ba kung bakit hindi ko napansin sa kanya noon yun.
Naalala ko tuloy yung una naming pagkikita. Birthday ng classmate ko.
FLASHBACK
___________________________
"Mga tol! Pakilala ko sa inyo ang mga barkada ko. Sila James, Bryle, Carl, Ervin and Paul. Good boy yang mga yan." sabay halakhak. Pakilala samin ng kapatid ng classmate ko,si Ralph.
Nginitian ko lang sila. Habang ang mga classmate ko kanya kanya nang nagpakilala. Napansin kong tinititigan ako nung isa, Ervin yata ang pangalan. Hmf.. Gwapo pero mukang manyak. Di ko na lang pinansin.
Kwentuhan.
Tawanan.
Videoke.
Hanggang sa magkainan na.
"Ano ba yan 'tol, sili lang ayaw mo pang kainin.. " sabi ni Ralph.
Napatingin ako sa kanila.
"para kang hindi lalaki Ervin." ngising sabi ni Paul.
Nakakunot noo na yung Ervin. Nakakatawa ang itsura nya.
"eh, sa maanghang eh!" seryoso nyang sabi.
"hahahahahaha!" grabe, natawa na talaga 'ko. Di ko na napigilan. Napansin kong napatingin sila lahat sakin. Teka, ganon na ba kalakas yung tawa ko? Nakakahiya.
'a..ahm.. Sorry.. Maaanghang naman kasi talaga ang sili eh? Diba?" sabi ko sabay peace sign.
Tapos ayun, nagtawan na sila. Maliban kay Ervin na masamang nakatingin sakin. Tae. Napahiya ko yata sya.
_____________________________
"Girl, sigurado ka ba sa gagawin mo?" naputol ang pag-iisip ko nang magsalita ang bestfriend kong si Denise.
Nandito kame ngayon sa apartment na tinutuluyan namin. Since lumipat na ang mama't papa ko kasama ng dalawa kong kapatid. Naisipan kong makitira na rin sa apartment ni Denise pero share naman kami sa lahat. Nagpaiwan ako dito sa Maynila dahil gusto kong magtrabaho at makatulong sakanila.
Isa akong secretary sa isang maliit na kompanya ng mga damit. Nakatapos kasi ako ng kursong secretarial. Hilig ko rin ang fashion kaya doon ako nag-apply. Swerte namang nakapasok.
"0o," walang gana kong sagot.
Naikwento ko na rin kasi sakanya ang napag-usapan namin ni Ervin. Pero parang hindi naman paguusap yung nangyari kasi diba halos ayaw nya kong pagsalitain, dagdag pa yung pagdating ni Ania, na hindi ko alam kung girlfriend nya o isa sa mga fling nya.
"pero ano bang ibig sabihin nya? Gagawin ka nyang Slave? As in alipin, katulong, alila, muchacha, chimay.. ano bang tamang term? Paano?"nag-aalala nyang tanong.
"hindi ko rin alam.."
Wala naman talaga akong ideya sa kung anong gustong mangyari ni Ervin. Basta ang alam ko lang. Gagantihan nya ko. Pahihirapan. Nagulat man ako noong una. Pero no choice na talaga ko. Mahal ko sya at gusto kong patunayan sa kanya yun.
"ano ka ba? Kilalang negosyante yang ex mo. Drummer at vocalist ng isa sa favorite kong banda and of course with my Carl..." parang nagdaydreaming na sabi nito. Crush nya kasi si Carl.
Sinamaan ko sya ng tingin.
Bigla na naman syang dumada.
"for 3 years, alam mo naman diba? Maraming dumaang demonya sa buhay nya. Mga babaeng malalantod na nalilink sa kanya. Papalit palit sya, like last month si bruha na kumakapal na rin ang nguso dahil sa kapal magapply ng lipstick, next week si tisay na mukhang bangkay after a week si morenang malaki ang dyoga na kala mo hindi nagbabra tapos si mestisang kita na ang langit sa ikli ng suot. In short, babaero sya Jelly." mahaba nyang paliwanag.
"tell me Denise, sino ba saten ang stalker?"
"nalalaman ko lang dahil sayo pero ikaw ang stalker noh!"
Oo, nakakahiya mang aminin. Naging stalker nya ko. Pano ba naman kasi bigla na lang syang sumikat. Syempre napapanood ko sa tv ang tv guesting nya at ng banda nya, nababasa sa magazines, newspaper. Pumupunta rin ako sa mga gigs nila kasama si Denise.
Hindi ko naman kasi talaga gustong maghiwalay kami e. Pero masyado pa kong bata nun. Akala ko si....
Hays. Ayoko ng isipan pa.
"Denise, uurong pa ba 'ko? Minsan na kong nagkamali. This time aayusin ko na. Kung yun talaga ang gusto nya para mapatawad nya 'ko. Ok, susundin ko. Gagawin ko. Malaman lang nyang nagkamali ako at nagsisisi na 'ko. At mahal ko sya , na sya talaga ang mahal ko." malungkot kong pahayag.
Nakatitig lang sakin si Denise.
Maya-maya nagsalita sya.
"kung yan ang gusto mo. Kung sa tingin mo yan ang magpapaligaya sayo. At kung yan din ang sa tingin mong paraan para makabawi ka sa kanya. Then go, wag mo lang sasabihin sakin na hindi kita pinaalalahanan ha?" nakangiting sabi ni Denise.
Ang bestfriend 'ko talaga napaka understanding. Magsasalita na sana ko ng magring ang cellphone ko.
Unregistered number..
Sino kaya 'to.
"He.."
"meet me tonight at 7 pm. I'll text you where." he hangs up.
Di man lang ako pinagsalita.
Tumingin ako kay Denise.
"sino?"
"si Ervin"
yes, sya nga. Di ako pwdeng magkamali. Dahil di ko makakalimutan ang boses nya.
"Speaking of the handsome devil. Goodluck girl!"
A/N: itutuloy ko pa ba?
BINABASA MO ANG
His Playful Revenge
RomanceBigla niya kong iniwan nang walang matinong dahilan. Pagkatapos ng tatlong taon nagbalik sya,para ano?para saktan ako ulet? She hurt me,she made my life miserable pero ngayong nagbabalik sya,.. Sisiguraduhin kong hinding hindi ko na sya pakakawalan...