chapter 11

186 10 2
                                    

Jelly's POV

Naalimpungatan ako nang marinig kong may nagdoorbell. Six am na.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa pinto.

Pagbukas ko.

"Oh hi?!."

Si Ania. Halatang nagulat sya pagkakita nya sakin. Hindi ko rin alam kung ngingitian ko ba sya o sisimangutan ko. Matik na may relasyon sila ni Ervin nung una ko silang makita. Pero di ko rin maintindihan kung bakit pinatira ko ni Ervin dito sa condo nya gayong may girlfriend sya. At ngayon, nasa harapan ko pa. Buhay nga naman.

"Jelly, right?"

Tipid ko syang nginitian. Nararamdaman kong mabait sya kahit na alam kong may relasyon sila ni Ervin. Hindi sya katulad nung impaktang babae na dinala nya dito nung nakaraan.

"What are you doing here? Diba journalist ka?"

Napabuntong hininga ako. Oo nga pala, isa pala akong small time journalist. Yun ang pakilala sakanya ni Ervin.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong nya. Ano nga bang sasabihin ko? Sabihin ko ba na, 'hindi ako journalist, ex ako ni Ervin'.hays. Diba parang tanga lang.

"Pasok ka." sabi ko.

Pinagmasdan ko sya habang naglalakad papasok. Ang sexy nya talaga. Hindi ko maiwasang mainsecure. Nakasimpleng blouse at white pants lang sya na hapit sa kurba ng katawan nya. Samantalang ako, eto nakamalaking tshirt at pajama. Ganito na ang sinusuot ko simula nung magising ako dahil pinasok ako ni Ervin sa kwarto ko. Mahirap na.

"So, why are you here? Dito ka ba nakatira?" tanong ni Ania pagkaupo nya.

"Ahm.."

"She's my maid." si Ervin.

Gising na pala sya. Matalim ang titig nya sakin. Hindi ko alam kung bakit.

Lumapit si Ervin kay Ania at dinampian ito ng halik sa labi. Nakita kong nabigla si Ania. Bakit sya nabibigla? Bakit sa tuwing hinahalikan sya ni Ervin parang nagugulat sya?

"Panunorin mo na lang ba kami? Go get some food. Gutom na ko." naputol ang pag-iisip ko sa galit na boses ni Ervin.

Iniwan ko na sila. Habang naghahanda ako ng almusal nila. Naririnig ko ang pagtawa nilang dalawa. Masaya si Ervin sa kanya. Hindi ko mapigilang mapaluha. Nasasaktan ako. Sino bang hindi.

Pero katulong lang ang turing nya sakin. Ganun lang. Ako lang tong umaasa.

"Ang tagal naman nyan."

Si Ervin. Napapitlag ako sa gulat. Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ko sya hinarap.

"Sandali na lang to." sabi ko. Malamlam ang mata nya na nakatingin sakin. Nakasandal sya sa divider ng kusina..

Ang gwapo nya. Napakaswerte ni Ania na sya na ngayon ang mahal ni Ervin. Napangiti ako ng mapait. Kung sana lang hindi ko sya iniwan. Edi sana sakin sya ngayon. Hays

"Umiiyak ka ba?"

"Hindi.. Sa sibuyas lang to." pagdadahilan ko. Napansin nya siguro. Napapadalas na rin ang pag-iyak ko. Nasasaktan ako pero nandito pa rin ako. Gusto kong patunayan sakanya na sya ang mahal ko, na nagkamali ako at gagawin ko ang lahat mapatawad nya lang ako. Ang lahat to win him back. Kahit gano pa kahirap. Kahit gano pa kasakit.

"Nasasaktan ka na ba?" then he smirk.

Tinitigan ko sya. Nakikita ko na ngayon sa mata nya ang galit. Umiling ako. Hindi ko dapat ipakita sa kanyang talo ako.

"Wag mo kong gawing tanga. Alam kong umiiyak ka dahil nandito si Ania."

Hindi ako makapagsalita. Matik naman e. Alam naman pala nya. Tinatanong pa. Pamukha pa ba naman saken? Tae lang.

"Pipi ka ba? Naging pipi ka na ba ngayon? Wala ka bang masabi?"

Nagulat ako sa sigaw nya. Nataranta ako.

"Ervin alam ko naman sinasadya mo lahat to. Yung nakita mo, nagtatanong lang yun. Ni hindi mo man lang ako binigyan ng chance para makapagpaliwanag." maluha-luha kong sabi.

"Bakit? Noon ba pinaliwanagan mo ko? Bigla mo kong iniwan. Biglang hindi mo na ko mahal. Di ba?"

"Ervin..." hindi ko malaman ang sasabihin ko.

Ang mga mata nya na dati puno ng pagmamahal. Ngayon, galit. Poot. Sakit ang nakikita ko.

"Je, sinayang mo. Minahal kita. Sinaktan mo ko. You deserve to be hurt too. Gusto kong maramdaman mo lahat ng sakit na naramdaman ko."

Lumapit sakin si Ervin at mahigpit nyang hinawakan ang braso ko. Napahiyaw ako sa sakit. Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Nakakatakot sya.

"Sisiguraduhin kong mas masasaktan ka Jelly. I will make your life miserable hanggat nandito ka sakin." galit na galit ang mga mata nyang nakatitig sakin.

"Ervin, nasasaktan ako."

He smirk.

"Nasasaktan ka?" hinigpitan pa nya lalo ang hawak sa braso ko at sinandal ako sa pader.

"Ervin..".

Nanlaki ang mata ko ng bigla nya kong halikan ng madiin. Masakit. Parang gusto nyang burahin ang labi ko sa paraan ng paghalik nya. Pero kahit ganun, hindi ako nanlaban. Eto naman ang gusto ko eh.

Hindi ko na lang napigilan ang pagtulo ng luha ko.

Naramdaman ko na lang na naging mahinahon na sya. Hindi na marahas ang mga halik nya. Binitawan na rin nya ang braso ko. Kinulong ng mga palad nya ang mukha ko at patuloy na hinahalikan. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na tugunan ang mga halik nya habang umiiyak. Ang sarap sa pakiramdam na hinahalikan nya ko sa ganitong paraan. Nararamdaman ko. Mahal nya ko. Mahal nya pa rin ako. Nararamdaman ko yun sa mga halik nya.

Kusang pumulupot ang mga braso ko sa leeg nya para mas palalimin pa sana nang bigla nyang iwanan ang labi ko.

Nagkatitigan kami. Ang dating Ervin ko ang nakikita ko ngayon sa harapan ko. Pero, iniwas nya ang tingin nya sakin. Tumalikod sya at naglakad pabalik sa sala. Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko. Nakadalawang hakbang palang sya ng lingunin nya ulit ako

"Mahal kita Jelly. F*ck. Yes, I still love you. But, keep this in your stupid m ind, hindi ko gagawing madali sayo ang lahat. Tandaan mo yan Miss Ibanes!"

a/n: super sorry sa tagal.. uhm.. since naumpisaham ko to.. i decided na ituloy kahit walang readers .. hahah.. dahil na rin sa napanuod ko ang fsog...un un..

His Playful RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon