Jelly's POV
"Anak, wala bang balak umuwi yan si Ervin? Di ba may trabaho yang pinagkakaabalahan sa Maynila. Sobrang pagbabantay naman ata yang ginagawa nya sayo." Ang nanay talaga napakataklesa. Tiningnan ko si Ervin sa lilim ng puno mula sa bintana namin. Nagjajaming sila ng kapatid ko. Sya ang tumutugtog ng gitara habang si Jeric naman ang kumakanta. 4 Days na rin sya dito sa bahay. Hindi naman sya nagrereklamo sa buhay namin dito sa probinsya. Madalas tumutulong sya sa pag-iigib ng tubig sa kapatid ko, nakikita ko rin syang kumukuha ng panggatong kasama pa rin si Jeric. Mas madalas na nga silang magkasama kesa sakin eh. Pero hindi ako nagseselos natutuwa pa nga ako eh. Kahit paano eh close sila ng nag-iisa kong kapatid. Madalas rin syang tumutulong kay nanay sa pagpapakain at pagpapaligo ng baboy at syempre ang pag-aalaga din sa iba pang pananim ni tatay.
Nababother naman ako kapag naririnig ko syang may kausap sa phone nya. Tingin ko problema sa office nya pero pinapabayaan nya lang. Gara rin nito ni Ervin, hindi ko naman sya masabihan na umuwi na . Baka bigla naman syang maghulk. Ewan ko ba.
"Ano ba talaga ang relasyon nyo anak?" Nagulat ako sa tanong ni nanay. Ano nga ba? Ang alam ko basta may unawaan kami. Yes, we kissed kasi naman di ba mahal nga namin ang isa't isa pero hindi kami. Pero kahit ganun nga, masaya ako sa kung anung meron kami. I hurt him before but here he is, loving me still. Alam ko. Nararamdaman ko. Bumuntong hininga ako bago nagsalita.
"Nay, malaki po ang naging kasalanan ko kay Ervin." panimula ko. Mataman namang nakikinig si nanay.
"Nasaktan ko sya nay, nagkamali ako. Pero nay pinatawad nya ko. Kahit gaano ko pa sya nasaktan pinatawad pa rin nya ko." Hindi ko mapigilang mapaluha. Napapansin kong nagiging iyakin na ko lately. Hah. Madrama lang siguro talaga ko.
"Ganun talaga anak, basta mahal mo kahit gaano pa kasakit ang ginawa, papatawarin at papatawarin mo. Mahal ka nya anak. Mahal mo rin sya alam ko. Sinundan ka nya rito anak. Ano pa bang humahadlang sayo?" Ano pa nga ba? Ewan ko ba pero parang natatakot ako. Iba na ang buhay nya ngayon. Sikat na sya. Hindi ko nga rin alam bakit pa ako nagtaka kung kilala sya ng kapatid ko eh vocalist sya ng sikat na banda tapos yung kapatid ko rarakirakista pa. Isa na rin syang presidente ng isang kompanya. Hindi lang basta presidente, sakanya na nakapangalan ang lahat. Isa pa ang gwapo nya, sigurado akong maraming nagkakagusto sa kanya. Samantalang ako, eto isang aspiring fashion designer at model na nauwi sa pagiging secretary tapos nagresign pa. Mahirap lang kami lalo ngayon mas kailangan ako ng magulang ko. Nakaratay na lang ang tatay, kawawa naman ang nanay kung sya na lang ang kikiilos kaya napagpasyahan ko na kapag bumuti na ang lagay ng tatay babalik ako ng Maynila upang magtrabaho. Natatakot ako na baka hindi ko magawa ang responsibilidad ko sa pamilya ko once na maging kami ulit ni Ervin. Di ko naman sinasabing bad influence sya pero kailangan kong sa pamilya ko muna ituon ang atensyon ko. Iba na kasi ang sitwasyon namin ngayon.
"Natatakot po ako nay." malungkot kong sagot.
"Saan?" nag-aalalang tanong ni nanay. Nahiya naman akong sabihin ang dahilan ko napakaimmature naman nun masyado.
"Basta nay."
"Natatakot ka ba kasi sikat sya, baka marami kang kaagaw? o baka dahil mayaman sya at hndi ka magustuhan ng pamilya nya? o baka dahil sa sitwasyon natin ngayon?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni nanay. Hala! Kelan pa naging mind reader ang nanay ko?
Natawa naman sya. "Anak, alam ko na yan. Tingnan mo sya. Alam nya ang buhay natin pero nagalinlangan ba sya? Maging patas ka sa taong mahal mo anak. Kung talagang mahal mo sya tatanggapin mo yun katulad ng pagtanggap nya sayo." Siguro nga tama ang nanay. Hindi ko rin nga maintindihan ang sarili ko. Ako naman talaga ang nagprisinta para mangyari to, in the first place. Ako ang lumapit sa kanya at humingi ng tawad ngayong pinatawad na nya ko, ako naman tong naduduwag. May topak na yata ako.

BINABASA MO ANG
His Playful Revenge
RomanceBigla niya kong iniwan nang walang matinong dahilan. Pagkatapos ng tatlong taon nagbalik sya,para ano?para saktan ako ulet? She hurt me,she made my life miserable pero ngayong nagbabalik sya,.. Sisiguraduhin kong hinding hindi ko na sya pakakawalan...