Chapter 10.7 - CM? Ikaw ba yan? Bakit parang gumagana na yung utak mo?

101 5 0
                                    

Chapter 10.7 - CM? Ikaw ba yan? Bakit parang gumagana na yung utak mo?

CM's POV

Naka-uwi na ako ngayon sa bahay. Nanginginig at takot na takot pa rin ako sa pangyayari kanina. Hindi ko lubos maisip na may mga ganung tao pala sa totoong buhay, akala ko sa tv lang yun nangyayari. Totoo nga yung mga napapanood kong balita na kagaya nun, akala ko kasi imbento lang nila yung mga binabalita nila para lang may maibalita sila eh.

"Nak? Ayos ka lang?" tanong ni mama pagkalapag niya ng isang basong gatas sa side table sa gilid ng kama ko.

Tumango lang ako, kahit sa hindi naman talaga ako ok.

"Ano ba talagang nangyari? Tinatanong ko si Danyen kanina nung inihatid ka niya pero hindi naman siya sumasagot. Humihingi lang siya ng sorry." Sinungaling yung Danyen na yun, akala ko pa naman mabait yun, inuto lang pala ako non.

Hindi pa rin ako sumasagot, wala ako sa huwisyo ko. Nanghihina pa rin ako.

"Bakit ka may sugat sa braso? Saglit lang ha? Kukuha lang ako ng first aid kit." tumayo na si mama mula sa pagkaka-upo sa gilid ng aking kama. Sorry ma, kung hindi ko maikwento.

Hindi ko maibuka yung bibig ko. Para akong natrauma. Sa totoo lang hindi lang braso ko ang may sugat, pati ang hita ko, at mukhang may bukol pa nga ko sa ulo eh.

Bumukas muli ang pinto ng kwarto ko, ang bilis naman ni mama, kamag-anak ba siya ni The Flash? 

"CM!!" nagulat ako dahil si Zyn yung pumasok. Agad agad niya akong niyakap. First time 'toh ah, first time niya akong yakapin at first time rin siyang pumasok sa kwarto ko. Ayaw niya kasi pumunta dito dahil nauumay na daw siya sa ka-eng-engan ko, hindi naman mukhang eng-eng ang kwarto ko ah.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya, tumango na lang ako. Ano ba sa tingin niya? Sira ako?!

"Buti naman" at huminga siya ng malalim. "Sorry kung hindi ko nasabi sayo agad yung naisip ko noon pa tungkol kay Danyen. Akala ko kasi mahal ka talaga nun eh" nakatitig lang ako sa kanya, may alam pala siya bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? Bakit hinayaan niyang ganito ang mangyari?

Bumukas muli ang pinto at si mama na talaga yung pumasok. Ginamot niya yung mga sugat ko at iniwan kami ni Zyn upang makapag-usap.

"Hindi mo ba ikkwento sa akin yung nangyari?" sabi niya habang nakatingin sa akin. Nakatungo lamang ako.

"Sige, ayos lang. Basta kapag gusto mo nang ikwento, magsalita ka lang ha?" dagdag pa niya. Ganun pa rin yung pwesto ko, nakatungo at may namumuo nang mga tubig sa aking mata. Ngayon ko lang kasi nalaman na mahalaga pala ako sa pinsan kong 'to kahit minsan masakit siya magsalita sa akin. 

Naka-upo si Zynic ngayon sa likod ko at hinahaplos haplos yung buhok ko. Ang sama ko naman kung maghihintay siya sa wala, kailangan rin niyang malaman yung nangyari baka may maitulong siya sa akin.

"Yu-yung n-nangyari kanina..." pinilit ko nang magkwento. Napatigil siya sa paghaplos ng buhok ko at tahimik na naghihintay pa sa sasabihin ko.

"A-akala ko inimbitahan lang ako ni Danyen.. p-para ipakilala sa magulang niya at.. at s-sa lolo niya pero yun pala..."

__Flashback__

"A-ano po ba ang kailangan niyo?" tanong ako ng tanong hindi naman sinasagot :3 sayang laway.

"You" sagot niya.

"Ako po?" ano namang kailangan ng lolo ni Danyen sa akin? Wala akong pera baka manghingi ng pang-ambag sa kinain namin kanina eh.

The DumbestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon