Chapter 3: Hi Stupid!
CM's POV
Naglalakad na ko sa sidewalk sa loob ng campus namin nang.
May naalala nanaman ako, diba inoperahan si Jepoy kahapon? ano na kaya ang itsura nun ngayon. hala! baka hindi ko na siya makilala :(
Tumingin ako sa likuran ko.
May isang babae at lalaking naglalakad papunta sa gawi ko, di ko masinagan ang mukha nila dahil sa sikat ng araw, gusto ba akong bulagin ng araw??
"Jepoy!!" tawag ko! sigurado akong si Jepoy yun, basta sigurado ako! Kumawaykaway pa ko para makita niya ko.
Tumakbo na ako papalapit sa kanya, at niyakap siya!.
"Akala ko hindi na kita makikilala Jepoy! Ang galing ng pagka opera sayo noh? Kaso mukha kang babae :/". Bat kaya nagmukha siyang babae? Ambilis humaba ng buhok niya huh? hinaplos haplos ko kasi ang likuran niya.
"Stupid!" umimik siya at inilayo niya ako sa kanya gamit ang kamay niya.
"CM! Ako si Jepoy!" hinawakan ako ng lalaki na nasa likuran ko sa magkabilang braso ko at tinitigan niya ako sa mata.
"Jepoy!!" sigaw ko nang mapagtanto ko kung sino ang nasa harapan ko.
"Bulag ka ba ha? Bat di mo agad ako nakita?" tanong niya sa akin tapos biglang mapapatingin sa babaeng nasa gilid ko
"Ah jepoy? ako ba kausap mo? o siya?" tinuro ko sarili ko sabay turo ko sa babae. Napakamot naman ng ulo si Jepoy. Malamang siguro siya ang kausap niya eh hindi naman ako bulag noh!
"Stupid!" imik naman nung babae. Ako ba sinasabihan niya?
"Ah ale! CM ang pangalan ko, hindi stupid! ah baka stupid ang pangalan mo!!" di ko agad naisip yun ah! "Hi Stupid!" kaway ko sa kanya.
"Aish!!" inirapan niya ko sabay humarap kay Jepoy. tapos ayun nagtitigan sila.
"Staring game ba to? Sali naman ako!" sabi ko, halatang nagulantang si Jepoy.
"Ah-eh hindi! Ay babe, si Clei nga pala! PINSAN ko hehe" sabi niya, tinuro niya si Stupid tapos nagpunas ng panyo sa gilid ng noo niya.
"Ah so Clei ang pangalan mo, hehe" ako
"obviously -_-" siya
"Clei Obviously? ang ganda naman ng apelyido mo! Anong lahi mo?" tanong ko, nakatingin siya ng masama sa akin tas biglang titingin kay Jepoy, may problema ba siya sa mata?
"Stupid! aish!" sabi niya. wala ba siyang alam sabihin kung hindi stupid? Ang bobo naman niya hay nako! di siguro pinag-aral ng magulang niya.
"Hindi ko alam na may lahing stupid na pala :(. Nahuhuli na ako sa balita" malungkot kong sabi. di ko talaga alam na may ganun :( hayys.
"Jepoy patahimikin mo na nga lang yang GIRLFRIEND mo kung walang magandang sasabihin!!" inis niyang sabi sabay lakad palayo.
"Clei!!" sigaw ni Jepoy.
Pangit ba mga sinabi ko? May sira na rin siguro sa utak yun hay nako hayaan na nga!
"Sorry babe, hehe hayaan mo na yun bad mood siya eh." sabi niya
"ok :("
Tapos naglakad na kami papunta sa classroom namin.
"Jepoy, bat ngayon ko lang nakita ang pinsan mong yun?" biglaan kong natanong, kasi dati naman nagpupunta ako sa kanila, halos puro lalaki ang mga pinsan niya na pinapakilala niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Dumbest
Novela JuvenilSi Christinne Mei or simply CM. Makulit, mabait, cute, simpleng babae kaso tatanga tanga, lalong isip bata at walang common sense. Hindi niya alam na niloloko siya ng magaling niyang boyfriend. Malalaman kaya niya? Kahit ganyan siya mag isip?