Chapter 8 - Ang kausap ni Ryde yung libro tapos si Danyen naman yung multo.

166 14 4
                                    

Chapter 8: Ang kausap ni Ryde yung libro tapos si Danyen naman yung multo.

CM's POV

Nandito ako sa mall ngayon, trip ko lang hehe, kasama ko si iAnne magsh-shopping kami yieee. Wala si Danyen kasi tinakasan namin pagkatapos ng klase kaya eto dito kami dumiretso.

"iAnne, tignan mo yung lalaki dun oh" sabay turo ko sa lalaking mukhang natetense na hindi mapakali, nasa loob kami ng isang boutique na pambabae, pero bakit siya dito tumitingin ng mga damit?

"Pffftt, hahaha bakit? natutuwa ka ba sa bakla?" bigla niyang tanong habang nakatingin pa rin dun sa lalaki.

"Hindi ah! Kasi parang may kakaiba, parang natatae nga siya sa itsura niya tas kanina pa bumubulong bulong" paliwanag ko

"oo nga 'noh?"  pagsang-ayon niya

lumapit kami ng kaunti dun sa lalaki kaso kinuha na niya yung cellphone niya at inilagay sa tenga at nagsasalita na ng deretso, biruin mo yun, pwede na pala makausap yung cellphone kahit di pinipindot. San kaya ako makakabili nun?

"Mara!" sigaw niya dun sa cellphone niya. Hala' baka lowbat na ang cellphone niya na sosyal ang pangalan, 'Mara' daw.

Hinila na ako ni iAnne palayo dun sa lalaking nababaliw na ata?

"Tara na nga, mag-fit na tayo ng mga dress" sabi niya at kumuha ng isang pink na dress dun sa mga shelves at binigay sa akin, sa kanya naman ay color blue.

"Dito?" tanong ko, ang daming tao tapos dito pa niya talaga napiling mag-fit ng dress, hindi ba kami pupunta sa fitting room?

"tss, sa fitting room malamang." 

"eh di mo naman kasi agad sinabi eh!" depensa ko

"gumamit ka kasi ng common sense!" medyo malakas na sabi niya

"san ba nakakabili nun? tsaka magkano? baka kulang na 'tong perang binigay ni mama huh." paliwanag ko naman

"wag na lang pala -_-" sabi niya, tignan mo 'toh, papagamitin ako ng common sense tas biglang sasabihing wag na lang pala :3 haysss...

.

.

.

"Bat ngayon ka lang CM?" si mama yan, bungad niya nung makapasok ako ng bahay.

"Kasi ma, nagshopping pa kami ni iAnne sa ma--" napatigil ako sa pagsasalita nang makita kong nakaupo si Mr. Just Ryde sa salas namin at nasa tapat niya si Danyen na masama ang tingin sa kanya. Hala' baka alam na niyang bakla si Ryde at galit siya kasi ayaw niya atang nakakakita ng lalaking nagb-blush on :3

Tumingin silang dalawa sa akin ng mapansin nila akong nakatayo sa di kalayuan.

"Ah-eh sandali lang huh? Magpapalit muna ako ng damit" paalam ko at tsaka nagtatakbo sa aking pribadong kwarto hehe.

Pagkalabas ko ganun pa rin ang pwesto nila at ganun pa rin ang tingin ni Danyen, siguro nagkakagusto na siya kay Ryde, pano na ko? Wala na agad akong pag-asa kay Ryde? :3

Umupo ako sa salas katabi si Ryde.

"CM! wag ka jan! dito ka umupo sa tabi ko" utos niya habang pinapagpag yung sofang katabi niya.

"Ayoko nga baka sinadya mong lagyan yan ng kung ano tapos mapahamak pa ko" sabi ko, alam ko ang iniisip niya 'noh, hindi naman ako eng eng para magpa-uto sa kanya, kaya niya ko pinapaupo dun kasi baka nilagyan niya ng patibong para masolo si Ryde, hayysss.

"Gusto kitang katabi!!" pagmamakaawa niya

Tumingin ako kay Ryde at seryoso lang ang mukha niya na nagbabasa ng libro, ganito ba talaga ang mga nerd? walang pake sa paligid kahit may baliw na nagwawala sa harap niya? :3

The DumbestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon