Chapter 7 - I don't read minds, you adorable kitten.

166 13 4
                                    

Chapter 7: I don't read minds, you adorable kitten.

CM's POV

Sigurado akong magugustuhan ni Danyen 'tong niluto ko para sa kanya hihi ;D

Naglalakad ako sa hallway nang hinarangan ako ni Mrs. Savino.

"Ms. Magat do you have a minute?" professional niyang tanong sa akin.

"M-Minute po ma'am? Wait lang po hehe, hahanapin ko lang po" sabi ko at tatalikod na sana ako kaso hinawakan niya ako sa balikat ko. Tatanungin niya kung I have a minute tas pipigilan niya 'kong hanapin yung minute ko, pano siya naging teacher?!! Di ako makapaniwala! hays!

"We need to talk" siya

"Eh m-ma'am, nag-uusap na nga po tayo eh, hehe" pinipilit kong maging magalang kahit shunga siya, couldn't she possibly state the obvious? naks English!! hehe

"Nonsense!" bulyaw niya

"Eh?" naibaba ko tuloy yung hawak kong tupperware sa lamesa na nasa gilid ng hallway.

"Ms. Magat, are you aware of your failing grades?" di niya pinansin yung pag-eh-eh ko, tinanong niya agad ako.

"N-no ma'am" sabi ko na lang, paano ako magiging aware? tinatawagan ba 'ko ng grades ko para sabihing bumabagsak na sila? eh ano bang kinalaman ko sa pagbagsak nila? mabibigyan ko ba sila ng pakpak para makalipad sila at hindi bumagsak?!

"That's why I'd thought, so in order for you to catch up, I'm lending you some help" paliwanag niya, anong sasanggutin ko? at bakit kailangan ko ng tulong? mission ba 'toh? Yes! Sa wakas magiging spy na 'ko tulad ng pangarap ko noon! 

"Ms. Magat meet Mr. Larson, He will tutor you from now on. Understand?!" tumango ako at umalis na siya. Teka 'Torture' daw?! Nakita ko na si Mr. Larson na naglalakad papunta dito at lumapit siya sa akin at inihahaya yung kamay niya upang makipag-shake hands. At kinuha ko naman para makipagshake-hands.

"Mr. Larson, i-t-torture mo ko?!" gulat kong sabi, kaya't natawa naman siya dun. "You mean 'Tutor'?  yeah!" kinorek niya ko, at ngumiti siya, OMG! may malalim siyang dimples!! At ang gwapo niya!! Nagsisisigaw na ako sa isip ko at sana hindi niya yun marinig.

"Don't Mr. Larson me, Just ride" sabi niya, huh? natanga naman ako dun. ano daw? 

Nakakunot noo akong nakatitig sa kanya.

"I mean, just call me R-Y-D-E, Ryde" and then he winks at me, parang nanlalambot yung tuhod ko dun! At parang binabasa niya ang nasa isip ko?! Kaya mabilis kong tinakpan yung noo ko para di na niya mabasa iniisip ko.

Natawa naman siya sa ginawa ko. Ang gwapo niya talaga!!! Kaso hindi yun halata dahil sa malaking salamin na suot niya kaya mas mukha siyang nerd :3 Pero para sa akin, sobrang gwapo niya!!

"I don't read minds, you adorable kitten" sabi niya, kaya napa-eh naman ako, I don't read minds daw pero alam niya yung iniisip ko. Hays' mukhang siya pa ang itututor ko eh -_-

"Let's go?" biglang tanong niya at tumalikod na siya. 

"San?" pag-uusyiyoso ko.

"Library" 

"Ahhh. Ok!" masaya kong sabi. At tsaka sumunod na sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, basta gusto lang ng paa kong sumunod hehe.

.

.

"Pwede ba tayong magpahinga muna. A-ano, R-Ryde, pwede kain muna?" tanong ko, di ko lam kung bakit nauutal-utal ako o siguro nahihiya lang ako sa kanya. Ang dami na niyang itinuro sa akin at ang galing niya nga magturo grabe! Naintindihan ko na lahat!

The DumbestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon