Chapter 4.7 - Ang shunga naman ng mga holdaper at iniwan ako! (part III)

178 15 9
                                    

Chapter 4.7: Ang shunga naman ng mga holdaper at iniwan ako!

CM's POV

"HAHAHAHAHAHA, o diba? edi natahimik ka! HAHAHAHAHA" si Danyen. gusto niya lang pala ako patahimikin bakit manghahalik pa siya?

"CM? Danyen? Kayo na??" may umimik bigla sa likuran namin.

"iAnne? kilala mo si Danyen??" bat nandito si iAnne? hay nako! napapaligiran na ako ng mga taong adik :(

"Oo naman! Kilalang kilala yan sa buong campus eh" siya. eh bat ako hindi ko siya kilala dati? hala?! nakatulog siguro ako buong 3 years 'noh?

"EHEM!!" si Danyen. 

"Yan! nagkaTB ka na tuloy, tawa ka kasi ng tawa eh" sabi ko kay Danyen habang hinihimas siya sa likod niya

"Uhmm, hihi, so kayo na nga?" iAnne. ano bang pinagsasabi neto? hinihimas lang sa likod kami na agad?? shunga na rin ba siya?

"No!" ako

"Yes!" Danyen

"Ano ba talaga?" siya

"Uhmm--" tinakpan ni Danyen yung bibig ko.

"Kami na nga. Kanina lang :)" sabi niya kay iAnne. KAMI NA?? Bat di ko yun alam? Makakalimutin na ba ako? Kailangan ko nang uminom ng Memo plus gold! Para lamang ang may good memory!

"Yieeee! Kinikilig naman ako sa inyong dalawa! Bagay kasi kayo!" iAnne. Ay tanga! Bagay daw kami? Ano ba yan! Tuturuan ko nga yan minsan magpinoy henyo para alam niya ang kaibahan ng tao sa bagay at sa hayop -___-

"Hmmmmm!" gusto kong magsalita kaso yung kamay ni Danyen nasa bibig ko pa rin, gusto ba niya ipakain sa akin yung kamay niya?? Kadiri naman siya! Gawin ba akong kanibal?

"Sige babye na sa inyo, Kita tayo bukas sa school CM!! Bye!!" siya tapos umalis na siya.

Ayoko siyang makita sa totoo lang, ang shunga niya kasi eh!! >.<

Tinanggal na niya yung kamay niya sa bibig ko.

"hahahahaha" biglang tumawa si Danyen.

"Bat ka tumatawa?" naiinis kong tanong na nakatingin sa kaniya

"wala lang ang cute mo kasi! hahaha" sabay pinisil niya yung magkabila kong pisngi.

"eeeeeeekkk! Mashakit! Tshamah nah!!" angal ko habang pinipisil pa rin niya.

"kiss muna :)" siya, bat siya humihingi ng kiss? Anong gagawin niya dun?

"walah akong kissh" ako, hirap na hirap na akong magsalita, feeling ko matatanggal na pisngi ko. Kumapit kayong maigi mga pisngi ko, wag na wag kayong bibitaw! huhu!

bigla niya binitawan ang pisngi ko at sumimangot. Aw, ang cute niya ata ngayon? Baka malabo lang siguro ang mata ko? :3

"Kiss lang eh pinagdadamot pa, bahala ka na nga jan" bigla siyang tumalikod sa akin. Ano ba 'toh? Wala nga kasi akong kiss eh. Wait lang, kinapa ko yun bulsa ko, ayun may barya pa ako!

"Sige na, bibigyan na kita ng kiss." sabi ko kaya bigla siyang humarap.

"Talaga?" biglang nagningning yung mata niya, may bumbilya ata siya sa mata eh. Gusto ko rin ng ganun.

"Oo, kaya tara na! hanap tayo ng mabibilhan ng kiss dali!" ako hinila ko siya pero hindi siya nagpahila dahil

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" siya, tumatawa nanaman. -_-

"akala ko ba gusto mo ng kiss? tara na bili na tayo!!" pag-aaya ko sa kanya

"pffft.. kiss, yung *pout* " nagpapout siya, tumingin ako sa likod ko kasi baka andun yung kiss.

pagharap ko sa kanya "yung ganito" sabi niya tapos hinawakan niya yung likod ng ulo ko at inilapit sa kanya kaya eto, magkadikit yung labi namin tapos nakapikit siya, ako, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, bumibilis yung tibok ng puso ko, may sakit na ata ako sa puso?!

.

.

.

 Andito ako sa school. Naglalakad habang nakatingin sa lupa, wala lang gusto ko lang tignan ang lupa, masama ba?

andami kong iniisip kaso hindi ko alam kung ano yung mga yun :3

Jepoy? nakakaasar siya! pinagpalit niya ako sa iba!! >.<

Danyen? nakakainis siya! nilawayan niya yung labi ko!! >.<

Zynic? asan ba yung pinsan kong engot? nawawala pa rin?

Clei? stupid ng stupid, siya naman yung stupid!! >.<

Tiam? yung batang yun puro pffffffttt ang alam, yun na lang siguro ang tinuturo sa grade 7 anoh?

iAnne? isa pa yun shunga eh, magboyfriend daw kami ni Danyen eh may girlfriend namang sofa yung manlalaway ng bibig na yun!!

hayyyy.. Ano pa ba ang pwedeng problemahin?

Teka? Asan na ba ako?

"Miss" kalabit ng isang lalaking nasa tabi ko.

"hm?" ako

"Nasa boy's cr po ikaw, lalaki ka po ba?" siya. kyaaaaaahhh!! gago ba siya? ako? lalaki??

"manyak ka!!" sigaw ko sa kanya at tsaka lumabas ng cr. Ako? lalaki? so nakita niya yung ano ko? >.< eh bobo naman, mali pa yung pandistinguish niya ha?!!

nagmamadali akong pumunta sa classroom kasi anong oras na!! dapat pala hindi ako tumitingin sa lupa para hindi ako nalelate! >.<

umupo na ako sa desk ko, buti wala pang teacher, at teka? bat wala rin akong mga kaklase?!

Asan sila?! Nakidnap?!! Oh my gulay!! Bat ako iniwan?! Ang shunga naman ng mga holdaper at iniwan ako! nakakainis >.<

lumabas ako ng classroom tapos nakakita ako ng candle na maliit na may sindi sa lupa.

hinipan ko yun at may nakita nanaman ako isa pa!

hinipan ko ulit yun at may nakita nanaman akong isa!

hinipan ko nanaman, nakakahingal na ha? sino ba ang naglalagay ng kandila dito? Baka magkasunog eh! ang shunga naman nila!

magkakahelera ang mga kandila na nasa lupa kaya pinaghihipan ko yung mga yun hanggang sa...

_

A/n.. 10Votes for next update :) thanks for reading!!

The DumbestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon