Chapter 11 - Zyn! Tumawag ka ng ambulansya!!

98 4 0
                                    

Chapter 11 - Zyn! Tumawag ka ng ambulansya!!

Zynic's POV

Maaga akong umalis nang bahay upang pumunta dito sa hospital.

Oo, sa hospital.

Nagfififty-fifty kasi yung magaling kong pinsan dahil sa kanya tumama yung bala na kumawala sa baril ni Danyen nung birthday niya.

Pero syempre joke lang yun. Joke lang yung parteng nagfififty-fifty siya.

Dahil tanga si CM, hindi daw muna siya kukunin ni Lord at dahil marami pa siyang kailangang matutunan sa mundo.

Ang sama ko ba? Last ko na nga 'to e.

Huminga akong malalim bago buksan ang pinto at pumasok sa kwarto ni CM.

"Hi CM, kamusta na yang sugat mo?" bati ko sa kanya nang makita kong gising na siya.

"Ok na yung sugat, wala nang bala. Asan si Mama?" biglang tanong niya.

Namuo nanaman ang luha ko sa mata nang maalala ko ang nangyari sa mama niya.

Nung isang araw lang nangyari yung di naming inaasahan pangyayari.


_Flashback_

"Wag kayong gagalaw, papaputukin ko 'to. Hayaan niyo muna akong magsalita para walang masaktan." Sabi ni Danyen habang nakatutok ang baril sa noo ni Christiam.

"Danyen! Huwag mong gawin yan!" utos sa kanya ni Tita, mama ni CM.

"Gusto ko lang kausapin si CM nang kaming dalawa lang, will you let me?" tanong niya.

"Don't let him take CM. Wag kayong maniniwala sa sinasabi ng Danyen na yan!" ma-authoridad na sabi ni Ryde.

"Eh, eh pano si Tiam?" naguguluhang tanong ni CM kay Ryde.

"He'll never gonna pull the trigger of the gun." mahinahong sabi ni Ryde.

"Oh yeah?" nag-smirk si Danyen, itinaas ang baril tsaka pinaputok. Nagsigawan naman kaming mga babae dito.

Habang ginagawa ni Danyen yun, mabilis namang hinila ni Ryde si Christiam papasok ng bahay. Nakakamangha ang kilos niya, masyadong mabilis. At naisahan niya si Danyen dun ah.

Matutuwa na sana ako kasi masyadong pang-action movie na 'tong nangyayari dito kaso nakakatakot din pala. Lalo na pag walang permanenteng tinututukan si Danyen ng baril ngayon.

Minsan itinututok niya sa akin, at minsan kay Tita. Pero madalas kay Ryde na.

"You think maiisahan mo pa 'ko?" mapait na tanong ni Danyen kay Ryde.

Nagsilabasan naman ng bahay yung mga kapitbahay naming nakarinig ng putok ng baril. Nagsimula na rin silang magbulungan.

Kaya sumigaw ako ng. "Tumawag kayo ng pulis! Baliw yang lalaking 'yan!!" at itinuro ko si Danyen.

Aw, ngayon sa akin na niya itinutok ang baril.

"Pinsan, engot ka rin ano? Gusto mong magpabaril?" bulong sakin ng tanga kong pinsan, nakuha pa niyang mang-asar ah?! -__-

Lumakad ng isang hakbang si Ryde papalapit sa kinatatayuan ni Danyen. Kaya ngayon sa kanya na nakatutok ulit yung baril.

"What do you think you're doing? You're being a hero? Huh?" galit na tono na tanong ni Danyen kay Ryde.

"Well, you're being a villain now. So what choice do I have?" baliw rin 'tong dalawang 'to 'no, nakuha pang mag-asaran. Taena ni Ryde, ang lakas din ng loob makipag-asaran sa taong tinututukan na siya ng baril.

The DumbestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon