Chapter 9 - Am I not that attractive to her when I read books?

176 11 1
                                    

Chapter 9: Am I not that attractive to her when I read books?

CM's POV.

"Will you help me? huh? huh? Will you? huh? CM? Will you help me?" pagpupumilit sakin ni Ryde habang tinutusok tusok niya ako sa tagiliran ko at naglalakad sa hallway ng school. Pano ba naman kasi nagpapatulong siya, may gusto daw siyang babae, tapos gusto niyang pormahan, ang kaso nga lang, ayaw niyang sabihin kung sino. Parang tanga lang diba? Magpapatulong manligaw eh hindi ko naman kilala yung babae.  

"Oo na!!" sigaw ko sa kanya. Napa-yes naman siya. Ang sakit na kasi ng tagiliran ko kakatusok niya, mukha ba 'kong barbecue? hayssss.

"Pero mamaya na after class huh? Magpapasama ako kay Zyn na tulungan ka." ang kulit kulit niya pala. buti nga at wala si Danyen ngayon, absent daw kasi nag-d-diarrhea. Kahapon kasi kumain kami sa lugawan, siguro dahil dun. Hindi nga siguro sanay sa pagkain ng mahirap hayss.

"oh-kay" bigla siyang nanlumo pero ngumiti ulit siya at nagpaalam nang pupunta na sa classroom niya.

 Last week, nagkakilala na sila ni Danyen pero para pa rin silang tanga, nagsasagutan lagi at English pa, baka nga wala na akong dugo sa katawan eh kasi lagi ako nagno-nose bleed sa kanila.

Ano kayang tulong ang gagawin ko mamaya? Haysss, kung hindi ko lang siya tutor baka hindi ko siya tulungan eh.

May test pala kami ngayon sa math, buti na lang at tinuruan ako ni Ryde kahapon!

Pagkapasok ko sa classroom, umupo na agad ako sa upuan ko. And as usual katabi ko si iAnne. Pumasok na rin yung teacher namin sa math at nagpakuha ng papel at tsaka namigay ng mga test papers.

"Madali lang 'toh" sabi ko nung makita ko yung mga nakasulat. Napatingin naman sa akin si iAnne na nakataas ang kilay, kala niya siguro hindi ko masasagot 'noh? Tignan na lang natin. bwahahaha.

*Slope of the y axis is? A.0  B.Undefined  C. -1  D.-2

Ang dali dali naman. edi B. Undefined

*Find an equation of the line with slope 3 containing the point (-1,-5). A. y=3x+2  B. y=3x-2  C. y=2x+3   D. y=3x+5

Uhmm, alam ko 'toh, tinuro sakin ni Ryde 'toh ah. B. y=3x-2 yung sagot!! Yay!!

* What is the equation of the line with x-intercept -3 and y-intercept 4? A. y=4/3x+4  B. y=-4/3x+4  C. y=4/3x-4  D. y=-4/3x-4

Wala bang mas hihirap pa dito? Ano ba yan, pang kinder lang 'toh eh :3 D. y=-4/3x-4 ang sagot!

.

.

.

"Ms. Magat, you've got 49 out of 50 this time! Nice job!!" sabi nung teacher namin pagkatapos checkan yung mga test. Naghiyawan naman yung mga kaklase ko; yung iba hindi makapaniwala, yung iba naman tanong ng tanong kung paano ko daw nagawa, yung iba naman sabi nangopya daw ako, eh ako nga lang nakakuha ng line of 4. Adik ba sila? 

"Nice one CM! Ang galing talaga ni Ryde magtutor ano?" tuwang tuwa na sabi ni iAnne, ano ka ngayon? pinagdududahan mo pa 'ko kanina ah! Bleh!! :P 

"But wait, you could've get a perfect score, why you don't have any answer at number 43?" napatigil ang lahat sa sinabi ng teacher namin. Pati ako. 

"Madali lang naman yun ah! The question is How many sides does a circle have?" dagdag pa niya kaya nagtawanan yung mga kaklase kong walang alam :3

"oo nga po, pero tignan mo po yung choices ma'am, wala jan yung sagot." paliwanag ko at tinignan naman niya yung questionnaire.

The DumbestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon