Chapter 6 - Ako? Hyper? Hindi naman ako SM ah?! Pano ako naging hyper?

189 15 5
                                    

Chapter 6: Ako? Hyper? Hindi naman ako SM ah?! Pano ako naging hyper?

1 month and 15 days later…

CM’s POV

Andito ako sa loob ng school campus ngayon, tumatakbo… Habang tumatakbo lumilingon lingon ako sa likod ko o kaya sa gilid ko baka kasi makita niya ako!

*takbo* *takbo*

tigil!

 *hingal* *hingal*

*takbo* *takbo*

tigil!!

*hingal* *hingal*

“phewww!” sabay punas ko ng likod ng kamay ko sa noo ko “sana naman *hingal* hindi niya ako nakita *hingal*” sabi ko habang nakakapit ang dalawa kong kamay sa tuhod ko na para bang naka-squat ako.

“good morning CM! :D Flowers for you! Mukhang hinihingal ka ah! Bakit ka ba tumatakbo? May pinagtataguan ka ba?” sunod sunod na tanong sakin ni “DANYEN?!” napalakas kong sabi

Haisstt!! -_- siya nga ang tinatakbuhan ko eh. Pano kasi ayokong binibigyan niya ko ng flowers. Simula nung araw na pumayag akong magpaligaw sa kanya, araw araw na akong binibigyan ng flowers at chocolates, medyo tumataba na nga ako eh tapos yung bahay namin nagiging flower garden na rin, tapos araw araw din siya pumupunta sa bahay para ihatid at sunduin ako, tumakas lang ako kanina kaya hindi niya ako nasundo ngayong araw. haisst! Pwede ba akong magresign sa pagpapaligaw sa kanya?

“Yes! ako nga! my future baby :D” masaya niyang sabi sabay abot ng bouquet of flowers sa akin. Magkano ko kaya maibebenta ‘toh?

“Salamat Danyen” sabi ko at ngumiti ako ng pilit sa kanya.

“Before I forgot, why in the world are you running anyway?” tanong niya sabay hawak sa kamay ko

“Ah-eh kasi m-may bubuyog, tama! bubuyog nga! balak ata akong nakawan ng bubuyog na yun eh :3” sagot ko naman sabay bitaw sa kamay niya, nahihiya ako sa kanya lalo na kapag hinahawakan niya ang kamay ko.

“pffftt, it has been a month and a half and you haven’t change a bit, although medyo iba ka minsan pero pfffttt, you still have those silly thoughts.” paliwanag niya habang nakatingin sa akin at hinawi yung mga hibla ng buhok kong medyo nakaharang sa aking mukha at iniipit sa likod ng tenga ko.

“ayan nanaman yang silly silly na yan, sabing hindi nga ako maanghang kaya papaanong magkakaron ako ng silly thoughts? Minsan nga mag-aaral ka rin ha? Puro pagbili ng flowers ang inaatupag mo eh, hay nako :3” pinagsabihan ko siya

“pffftt.. tara na nga!” ginulo niya ang buhok ko at hinila niya ako.

.

.

“susunduin kita mamaya, dito ka lang sa room niyo ha?” paalala niya sa akin, at tsaka umalis. May pagka-abno ang isang yan, pa-iba-iba ng mood sa isang araw, hindi ko na nga masyadong iniintindi eh.

“yiieeee!!” kinikilig na hiyawan ng mga babae kong kaklase pagpasok ko

“Nakaka-inggit ka naman CM, nililigawan ka ni papa Danyen!!” sabi nung isang babae. Edi magpaligaw ka rin! Kala mo ba ganun kadali ang nililigawan ng Danyen na yun?

“Tatay mo siya?” tanong ko sa kanya, pano ba naman kasi ‘papa’ ang tawag, o di kaya? Pope na si Danyen? huh? Edi kung ganun bawal siyang mag-asawa?!

“HAHAHAHAHAHAHA” tawanan ng buong klase, napa-poker face na lang ang tinatanong kong babae, aba’t siya pa ang may ganang mag-poker face samantalang siya yung papa ng papa jan eh. hay nako hayaan na nga!

The DumbestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon