Chapter 1: Sinong tanga?
CM's POV
Andito ako sa canteen ngayon, kasama ko ang pinsan kong si Zynic, ewan ko ba kung bakit ganyan pangalan niyan.
Nakaupo kami sa upuan, hehe san pa ba? Kumakain kami ng spaghetti. Yung favorite ko!! ^_^
"Oy, babae! yung magaling mong syota anjan na!" sabi ni Zynic
Bat ba siya nakasigaw? Naririnig ko naman siya ng maayos eh :3
"Huh? Asan? Asan?!" hinanap ko sa ilalim ng lamesa, wala naman.
"Niloloko mo naman ako Zyn eh!" sigaw ko sabay pout.
"Tanga ka ba? Sino may sabi sayong hanapin mo sa ilalim ng mesa? Malamang wala jan!" makasigaw naman toh. Magkatabi lang kami eh, bibingihin ata ako neto, sigawan ko nga rin.
"EH ASAN BA SIYA???! KUNG MAKATANGA KA JAN KALA MO IKAW GUMAGAMIT NG UTAK KO EH!" sigaw ko ng malakas.
"BABASAGIN MO BA EARDRUMS KO?? BAT MO KO SINISIGAWAN SA TENGA??!" sigaw rin niya.
madami na nakatingin sa amin. tsaka anu daw? babasagin ko eardrums niya?
"pano ko babasagin eardrums mo? nasaan ba yun? sinisigawan lang kita kasi sinisigawan mo rin ako, paanong mababasag eardrums mo sa pagsigaw? sinong tanga sa atin? sino?!!" paliwanag ko sa kanya.
"hayys tanga nga, ayoko na makipagtalo. di naman ako mananalo." reklamo niya sabay lagay ng kamay niya sa ulo niya.
"panalo ako? talaga? anong premyo?? asan dali?!! ibi-" naputol sinasabi ko dahil may gwapong umepal
"hi babe? kamusta araw mo?" tanong niya sa akin.
"araw ko? may araw ba ako?? tsaka malaki yun ah! kung meron ako nun edi sana nasunog na yung bag ko" pag iisip ko ng malalim habang naghahalungkat sa bag
"babe anong hinahanap mo jan?" tanong niya sa akin. puro siya tanong ah. eh kung tulungan niya kaya akong hanapin yung araw ko. magtatanong siya kung kamusta yung araw ko eh hindi naman niya ko tinutulungan sa paghahanap. minsan ang tatanga ng mga tao sa paligid ko eh noh
"yung araw ko? tinatanong mo kasi kung kamusta yung araw, baka nasa bag ko kasi, ilalabas ko lang baka magkasunog dito." sabi ko habang naghahanap pa rin.
"Hayy nako, jan na nga kayo. oy ikaw jepoy, alagaan mo yang tanga kong pinsan." Zyn, tumayo na siya at umalis.
napakamot naman ng ulo itong si jepoy at bigla ako hinawakan sa kamay
"ang ibig kong sabihin ay kamusta ka ngayon." sabi niya. ngayon ako naman ang kinakamusta niya, ano ba yan! kanina yung araw, ngayon ako naman. hayyss.
"ako? okay lang ako, bat mo ko kinakamusta? may sakit ba ako? hala!! baka meron nga!!" nagpapanic kong sabi sabay kinapa ko yung leeg ko.
"kumain ka na nga lang!" tapos bigla niya ko sinubuan ng spaghetti
nilunok ko agad at tsaka ako nagsalita ulit. "bat mo ko sinubuan? wala ba akong kamay? hala! naputulan na ata ako ng kamay!" niyuyugyog ko siya
hinawakan niya ko sa magkabilang braso ko kaya napatigil ako sa pagyugyog sa kanya, "sinubuan kita kasi ang ingay mo, tapos hinahanap mo ang kamay mo ngayon pero kung makayugyog ka sa akin wagas"
"oo nga noh? hehe peace!" sabi ko sabay peace sign
"kumain ka na ba?" tanong ko naman sa kanya
"di pa nga eh, mamaya na ko kakain, pinuntahan lang naman kita dito dahil namiss na agad kita, may laro pa ko ngayon ng basketball eh. kaya aalis din agad ako" Jepoy
BINABASA MO ANG
The Dumbest
Novela JuvenilSi Christinne Mei or simply CM. Makulit, mabait, cute, simpleng babae kaso tatanga tanga, lalong isip bata at walang common sense. Hindi niya alam na niloloko siya ng magaling niyang boyfriend. Malalaman kaya niya? Kahit ganyan siya mag isip?