Chapter 4 - Akala ko patay ka na!!

161 16 7
                                    

[A/n: Hi kay Sophia Stephanie :) salamat sa pagbabasa!! ^_^]

.

.

.

Chapter 4: Akala ko patay ka na!!

CM's POV

ano ba yan si mama. masyadong pabida, porket may bisita sinisigawan nanaman ako :3

"Pffft. Vargara po" sabi ni Daniel? Danien? Danyen? ano ulit yun? di ko masyadong natandaan ang pangalan niya, tsaka bat siya nagpipigil ng tawa? siya ata ang master mind ng mga nagbebenta ng droga 'no?

"Vargara?!!!!!" napatayo bigla si mama. so tama hinala ko? nagbebenta nga ng droga si vargara? hehe di ko kasi sure kung anong first name niya.

"DANIEL???" ako naman, para hindi nag-iisa si mama na nakatayo, kaya ginaya ko siya. hihihi ang saya naman neto.

"Ano?!" tumayo si danye-ewan di talaga ako sigurado eh. sabay pa sila ni mama tumingin sakin at nagtanong ng ganyan.

"ANONG ANO? :3" ako naman, di ko sila magets eh. 

"HAHAHAHAHAHAHAHA" si Christiam yan, ewan ko ba jan kung ano tinatawa-tawa niyan.

"DANYEN ANG PANGALAN KO, HINDI DANIEL, akala ko naman narinig mo ng maayos. DANYEN! DAN-YEN! D-A-N-Y-E-N!!" isa isa niyang sabi. malay ko ba? di naman niya pinakita yung birth certificate sakin eh. hayy ang shunga ng mga tao dito oh!

"ahhhhh," ayoko na makipagtalo sa shunga kaya yan na lamang nasabi ko, umupo na muli ako sa upuan. para naman kaming tanga dito eh, tatayo tas uupo. balak ba nilang maglaro ng trip to jerusalem? umupo na rin sila.

"eh ma, anong meron sa Vargara? ha? mga Vargara ba mastermind ng mga drug transaction?" ako, bigla sila lahat napatingin sa akin.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" si Danyen sinabayan na rin sa pagtawa si christiam, ano bang nakakatawa? may clown ba sa likod ko? tumingin ako sa likod ko, wala naman? lalong lumakas yung pagtawa nila, si Christiam gumugulong na sa sahig, baka mukha akong clown? :3 hayyss! 

"Ano bang pinagsasabi mong bata ka? Ang Vargara lang naman ang may-ari ng call center na pina-pasukan ko! At sila rin ay isa sa pinakamayamang tao dito sa Pilipinas." paliwanag ni mama, aba? malay ko ba jan? di naman yun tinuturo sa school. 

eh teka? kung mayaman siya, bat siya sa school namin nag-aaral? eh elite siya ah?!

 "ma kung mayaman yan, eh bat sa school ko nag-aaral? baka kaapelyido lang niya yun, assuming ka naman masyado  :3" paliwanag ko. tama naman eh diba?

"oo nga 'noh?" napaisip tuloy bigla si mama. tapos tumigil na sa pagtawa yung dalawang gungong.

"uhm, tama po kayo" imik ni DANYEN, yan ha? alam ko na! tama daw ako? kita niyo na? kita niyo na? sabi sa inyo eh, matalino ako!

"huh?" tanong ni mama sabay tingin sa kanya.

"tama po kayo, anak ako ng may-ari ng isang call center dito sa pilipinas, at hindi lang po yun ang pag-aari namin, kundi pati na rin ang isang banko at marami pa pong iba." paliwanag niya. aw, akala ko pa naman tama ako :3 tss kainis, matalino na ako eh.

si mama, nakatulala na lang dun. nakanganga pa.

"kaya ako sa school ni CM nag-aaral dahil kasi ayoko sa mga elite schools at pang-mayaman, hindi naman sa nagtitipid kami, para daw po may matutunan ako at hindi laging gumastos lang ang alam. Ang dad ko po kasi ay dating nag-aaral lang sa semi-private and sa public na rin po." dagdag niya pa. Ahh kaya pala. 

"ma, baka may pumasok na ipis sa bunganga mo!" sabi ko, kay mama, tas iniayos niya ang sarili niya.

"jan muna kayo, maghahanda lang ako ng hapunan" si mama yan, sabay tumayo at pumasok sa kusina.

The DumbestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon