Chapter 3.5 - Ma, principal po namin (part II)

157 16 7
                                    

Chapter 3.5: Ma, principal po namin.

Danyen's POV

 "Ang tagal mo naman" sabi ko sa kalalabas lamang na babae mula sa gate ng school namin. Medyo madilim na ang kalangitan.

tinignan niya ako, "a-ako ba?" turo niya sa sarili niya, psh, shunga talaga niya

"oo! ikaw!" sabi ko na medyo malakas pero hindi pasigaw. sino pa ba sa tingin niya? Alanganamang kausapin ko yung pader? hay ewan!

"tara na!" sabay hila ko sa kaniya nang hindi na siya makapagsalita ng katangahan.

"teka! asan si Zyn?" biglang tanong niya sa akin, gawin ba akong hanapan ng nawawala? ano bang iniisip niya? kidnapper ako ganon?

"huh?! ano bang pinagsasabi mo? pumasok ka na nga lang!" ako sabay turo ng kotseng nakaparada sa tabi niya. "okay :3" tipid niyang sagot, may papout pout pang nalalaman, sunggaban ko siya jan ng halik eh, pero syempre joke lang, ayoko sa babaeng tanga 'no.

pumasok na siya at umupo sa passenger seat, ako naman ang nagmaneho ng sasakyan, kakaupo ko pa lang nang bigla siyang nasalita. 

"Wala ka bang pambili ng uniform?" huh? ano bang pinagsasabi niya?? yung totoo? inaamag na ba ang utak niya?

"Ano bang sinasabi mong babae ka? ha?" tumingin ako sa kaniya na may iritableng mukha

"Eh bat ka nagnanakaw ng uniform? Mura lang naman ito sa palengke eh" siya sabay tumingin sa labas. 

"Hindi ako nagnanakaw ng uniform, ano ka ba ha? Dito rin ako pumapasok! Hindi mo ba ako nakikilala?" ako habang nakatingin pa rin sa kanya

Bigla siyang lumingon at nanlaki yung mata niya. "Ikaw ang principal ng school?? Oh my God, sorry po Mister kung hindi ko po kayo agad nakilala!" napahawak siya sa mga pisngi niya.

Nasapo ko na lamang ang ulo ko, walang pag-asa tong babaeng ito. 

"Bat ang bata pa po nang mukha niyo? Ganun po ba talaga pag principal? Blah-blah-Blah-blah" ang dami dami niyang sinasabi habang nakatingin sa mga dinadaanan namin. Hindi ko na lamang siya pinansin

Bat ko siya hinantay? Tuturuan ko lang naman siyang maging hindi tanga. Niloloko na siya ng boyfriend niya harapan hindi pa rin niya alam, naiinis ako sa ganun, kaya eto nakikielam na naman ako sa relasyon ng iba. Dati kasi nakielam na ko sa iba, nagalit sila pareho sa akin, pero ayos lang, wala nang tanga hahaha. Hindi ba kayo naiinis pag nakakakita ng tanga? Ako nanginginig ako sa inis lalo na kapag babae ang tanga. Hay ewan!

After 20mins. Itinigil ko ang sasakyan sa harapan ng isang restaurant, kung saan nagdidinner date ang dalawang hinayupak. Bumaba na ako, siya nasa loob pa rin ng sasakyan. Ano ba 'to -_- tss.

Binuksan ko ang pinto sa passenger seat, tumingin siya sa akin. "Bakit tayo nandito?" siya habang tinignan niya ang paligid.

"To catch the mouse" matalinhaga kong sabi, alam ko namang hindi niya maiintindihan yan eh. let's see haha.

"ahhh" sabi niya, patango tango pa habang palabas ng sasakyan ko. "eh?" nasabi ko na lang, I expect her to say, 'huh? manghuhuli tayo ng daga? saan? bakit?' yan, eh pero bat 'ahhh' lang ang sinabi niya? wait! diba dapat matuwa pa nga ako. hay ewan!

"bat ka nag e-eh' eh' jan?" tanong niya sa akin. "wala!" ako, psh.

umaambon na, badtrip wala akong dalang payong. Hinila ko siya papasok sa restaurant. Ang tahimik niya ata. 

Pumunta kami sa table na medyo malapit sa lamesa nung boyfriend niya kasama ang kabit niya. Pero hindi kami nila napapansin. Nakatingin lang si Christinne sa kanila. Sa lahat ng gusto kong kapangyarihan, ang bumasa ng isip ang pinakagusto kong magkaron ngayon. Parang ang hirap ispellengin ng muka niya, di mo talaga malaman kung ano ang iniisip niya.

The DumbestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon