Chapter 4.5 - May huhulihin lang po akong daga, Ma. (part II)

132 15 6
                                    

[A/n: Happy Birthday sa kaibigan kong malaki ang B.... Brain hahaha, Happy 17th birthday CM! tignan mo kapangalan mo pa character ko -_- gaya gaya ka talaga hahaha :) Enjoy your day!]

.

.

.

Chapter 4.5: May huhulihin lang po akong daga, Ma.

CM's POV

Anong magandang gawin dito sa bahay? Ang boriiiiiiiiiing...

*dingdong* *dingdong*

"sino naman kaya yun?" nag-iisip pa lang ako ng gagawin ko, may epal na agad. hay nako!

lumabas ako papunta sa may gate upang pagbuksan kung sino man yun.

pagbukas ko ng gate.

"CM!!!" siya. bakit siya nandito?

isasara ko na sana muli ang gate kaso hinarang niya ang paa niya sa baba.

"CM mag-usap tayo please? gusto ko maging friends tayo" sabi ni Jepoy

binuksan ko ang gate pero nakaharang lang ako

"Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan? tapos na tayo diba? at tsaka ayokong makipagkaibigan sa manloloko mamaya lokohin nanaman ako." paliwanag ko habang seryosong nakatingin sa kanya. siya nakatingin lang sa akin, medyo nakaka-awa nga ang itsura niya kaso siya, hindi siya naawa sa akin nung panahong niloloko niya ako.

"CM, I'm sorry, ayaw lang kitang masaktan" siya

"Ayaw masaktan? hah! you almost killed me!" mapait kong sabi

"I-I'm sorry" tumingin siya sa sahig.

nagsosorry siya sa akin o sa sahig? grabe naman siya, pati sahig namin dinadamay niya sa panloloko niya!

"Sorry? Yun lang ang kaya mong gawin? Duwag ka! At mas lalong hindi ka tunay na lalaki!!" sigaw ko sabay sinarado na nang tuluyan ang gate at naglakad papunta sa pinto ng bahay.

"CM!! Please! I'm Sorry!! CM!! CM!!" sigaw niya

*Blaaag!!* 

sinarado ko na ang pinto. Ayokong marinig ang boses niya, naiirita ako. Naiyukom ko na lang ang kamao ko sa galit. Ayoko namang magboxing kaso naiinis talaga ako! Parang sobra-sobrang galit ang nararamdaman ko.

"Oh bat mo sinara yung pinto ng malakas?" si mama.

Di ako umiimik, tuloy tuloy akong pumunta sa kwarto ko. Humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot.

"nak?" nag-aalalang tanong ni mama 

"ma, ok lang po ako, gusto kong magpahinga" ako habang nakatalukbong pa rin, ayoko lamang makita niya ako na nagkakaganito. Ayokong mag-aalala siya sa akin.

"pag may kailangan ka, sabihin mo lang nak ha?" siya

di ako umimik at lumabas na siya sa kwarto. 

.

.

.

Linggo ngayon.

Nasa simbahan kami nila mama at Tiam upang magsimba, hehehe.

Nakaupo ako malapit sa gitnang aisle ng simbahan, ang daming tao dito.

Nagsesermon na ang pari habang palingon-lingon ako sa paligid, di ko nga alam sa ulo ko kung bat ang likot likot ngayon :3.

May lalaking kumakaway sa may di kalayuan. si Danyen? Bat siya nandito? Magsisimba rin? Baka naman gusto ulit sumama sa amin pauwi tapos makikitulog nanaman, nako ayoko siya pumunta ulit sa bahay!

Tumingin muli ako sa harap at nagkunwaring di siya nakita, dahan dahan akong yumuko at umalis sa upuan.

"nak anong ginagawa mo jan?" si mama yan. 

"shhhhh, may huhulihin lang po akong daga ma." bulong ko.

"pffffttt" Tiam na katabi ni mama, may sakit siguro siya sa bibig kaya puro ganyan siya 'noh?

gumapang na ako paalis sa inuupuan ko, dumaan ako sa aisle at pumunta sa may likuran.

Tumayo na ako at pinagpagan ang tuhod ko.

"Asan na kaya yun? sana naman di niya ako nakita." sabi ko habang palinga-linga upang hanapin siya

"siguro umalis na yun, hihihi" masaya kong sabi habang tumatalon, wala namang ibang makakakita sa akin, nasa likod naman ako eh

"hey" siya

"Kyaaaaaaaaaaahhhhhhh--!!!" nasigaw ko na lamang nung mapalingon ako bigla sa kanan ko.

Lahat nagtinginan sa akin, napatigil si father sa pagsasalita at tinitigan ako. nakakahiya!!

"Ahhhhh-Mennnnn!" naidugtong ko sa sigaw ko sabay taas ng dalawang kamay at tumingin sa itaas

hinila ako ni Danyen palabas ng simbahan.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" siya. kaya niya ba ako hinila para tumawa? hay nako!

"HAHAHAHA Amen? HAHAHAHA nice one! HAHAHAHAHA!!" siya ulit sabay hampas sa akin at hinihimas pa ang tiyan niya.

"Aray ko naman!" ako at hinampas ko siya ng malakas

*Dughh*

natumba naman siya, 

"HAHAHAHAAHAHHAHA" ako naman ang tumatawa

nakatingin lang siya sa akin, tumayo siya..

"HAHAHAHAHA--tsup" ako, napatigil dahil bigla niya akong hinalikan!! O___O

bigla tuloy ako natulala..

"HAHAHAHAHAHA, o diba? edi natahimik ka! HAHAAHAHA" siya. gusto niya lang pala ako patahimikin bakit manghahalik pa siya?

"CM? Danyen? Kayo na??" may umimik bigla sa likuran namin.

_

[A/n: this is just a short update, paBirthday ko sa kaibigan ko hahaha, Happy birthday ulit!! :* Comments and Votes naman jan!]

The DumbestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon