Chapter 5 - Bat mo ko ililigaw? Tanga ka ba?!

162 14 4
                                    

Chapter 5: Bat mo ko ililigaw? Tanga ka ba?!

CM's POV

Heto ako ngayon, hatinggabi at nakatambay sa aking fb account. Wala akong magawa eh. Bagong fb 'tong gamit ko kasi iniistalk ako ni Jepoy at ni Danyen -_-.

Biglang may nagpop-up na notification, in-add ako ni iAnne, tss. 

Inaccept ko at nagcomment ako sa picture niya.

''iAnne, san ka nakabili ng 'add friend' na button?'' tanong ko sa kanya sa comment box.

tapos nag-scroll na ko ulit, nakakita naman ako ng post ng kung sino. ganito nakalagay:

"Nakakatakot diba ang multo?? Pero mas nakakatakot kapag nawala ka sa buhay ko :)" yan sabi nung kuyang may dp na nakasumbrero na nakapayong na nakajacket. Nagbebenta ba siya ng mga ganun? 

At tsaka ano naman ikinatatakot niya kung mawala yung taong tinutukoy niya sa buhay niya? psh. diba mas nakakatakot ang multo. tapos ang pinakanakakatakot eh yung mawala siya mismo at mapadpad kung saang lupalop ng pilipinas diba? Ang tanga naman niya! makapag-comment nga..

Nagtatype ako ng "Mr? wag tanga, mas nakakatakot kaya ang multo at--" di ko pa natatapos yung tinatype ko nang may biglang magpop-out na notification ulit.

"Salamat sa pag-accept friend  Ang cute mo naman jan! yiieeee haha ^_^" sabi ni iAnne sa dp ko. Nagreply naman ako ng thank you..

Ano na nga pala ulit yung ginagawa ko? Ewan bahala na nga! :3

Nag-post na lang ako ng kung ano sa newsfeed ko. At nakita ko yung wall ni iAnne kaya nagpost din ako dun hehe :D

"Minsan laro tayo ng Pinoy Henyo ah?! Para malaman mo naman ang pinagkaiba ng bagay sa tao  At tsaka iAnne, hindi talaga........ kyaaaaahhh!! may ipis!! out muna ako!! >.<" napost ko agad sa wall niya tapos tinignan ko ulit yung ipis na lumipad sa tabi ng laptop ko, nakakadiri yung itsura!! 

"Kyaaaaaaahhh!! Ipis!" sigaw ko habang nagtatatalon at naghahagis ng tsinelas sa kung saan pumupunta ang ipis, nagpapanic na ako! 

"Mama!! Kyaaaaahh! Ipis!!! >.<" sigaw ko pa rin, ang tagal tagal mamatay netong walanghiyang ipis na 'toh!

"Bakit? Nak?!" pagka-bukas na pagka-bukas ng pintuan ni mama, halatang nagitla siya sa akin.

"Ipis!!!" sabay turo ko sa ipis na lumilipad at saktong lumipad naman sa direksyon niya kaya naman

"Kyaaaaaaaaaahhh!! Patayin mo!!" sigaw ni mama, at tumakbo pa siya sa likod ko, kaya ko nga siya tinawag para patayin yung ipis tapos iuutos niya pabalik sa akin? Ano ba 'to?! -_-

Hindi naman magising gising si Tiam, tulog mantika yun eh, kahit lumindol na o kaya magkasunog na hindi pa rin siya magigising, haysss :3

"ayan na siya!! patayin mo cm dali!!" sigaw ni mama sa tenga ko, palapit na kasi yung ipis sa amin kaya todo kapit na si mama sa akin

"Ma! naririnig kita wag mo kong sigawan!!" sigaw ko naman kay mama, sabay apak sa ipis na nasa harapan ko.

"yuck!!!" sabay namin sabi ni mama. "Ma, pahugas naman ng paa ko please? hehe" pagmamakaawa ko sa kanya.

"inaantok na ko 'nak eh, *humikab pa siya* sige Goodnight anak :)" at mabilis na siyang umalis sa kwarto ko :< 

"mama naman eh :( yung ipis sa paa ko :<" reklamo ko. hayysss. nagpunta na ako sa cr at naghugas ng paa, binuhusan ko pa ng alcohol, grabe kadiri talaga!! 

Humiga na ko sa kama at nag-isip..

"Ano kaya ang isasagot ko kay Danyen bukas?" tanong ko sa sarili ko, pano ba naman kasi...

The DumbestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon