CM's POV
Nasa tapat ako ng puntod ni mama ngayon, kakalibing lang niya kanina-nina lang. Pero heto pa rin kami ni Tiam, hindi nagsasawang iyakan siya.
Nasa harap ko si Tiam, humahagulgol na nakatingin sa puntod.
Nasa likod ko si Zyn. At nandito rin yung mommy ni Danyen, nakikiramay.
"Binayaran ko na ang lahat, kung gusto niyo every month magbibigay ako ng allowance sa inyong magkapatid? Para man lang makabawi ako sa ginawa ng anak ko at ng ama ko. Hindi ko naman ginustong mangyari ito—" sabi ng mommy ni Danyen kaso pinutol na agad ni Zyn ang mga sasabihin niya.
"Hindi niyo na po kailangang gawin yan, kami na po ang bahala sa mga pinsan ko. Sa inyo na lang po ang pera niyo." rinig kong sabi ni Zyn.
"Pero—" magsasalita pa sana siya kaso
"Salamat po sa pakikiramay niyo sa tita ko, pero makakaalis na kayo." Zyn
Ramdam ko ang pag-alis niya.
At tumahimik na ang paligid, huminto na rin sa pag-iyak si Tiam at lumakad na papunta sa sasakyan ni Tita, mama ni Zyn.
Maya-maya'y sumunod na rin si Zyn dun.
Kailangan ko nang magpaalam kay Mama.
'Ma, maraming salamat sa lahat ng ginawa niyo para sa amin ni Tiam, at lalong lalo sa pagliligtas niyo sa akin. Hindi ko aakalain na iiwan niyo agad kami, na kaming dalawa lang. Wala na nga si papa, pati ba naman ikaw? Ni hindi niyo pa nga kami nakikitang umakyat sa stage upang kunin ang mga diploma namin, sino na lamang ang magsasabit ng mga medals namin kung sakaling magkaron kami nun? Ma, naman. Sana hinabaan niyo pa ng kaunti. Sana lumaban ka pa ng kaunti. Ilang buwan na lang, college na ako. Ilang taon na lang 18 na ako. Bakit ang aga niyo namang umalis? Sawa ka na ba sa katangahan ko?
Ma. Tandaan mo, mahal na mahal na mahal ka namin ni Tiam. Mag-iingat po kayo jan ah? Wag kang malulungkot. Goodbye ma.'
Pinunasan ko ang luha ko, at naglakad na paalis.
After 4 years.
Andito ako sa labas ng bahay bakasyunan namin nila Zyn, malapit ito sa tabing-dagat.
Nakatingin ako sa papalubog na araw at sa tahimik na alon ng dagat, habang hinahangin hangin ang mahaba kong buhok.
Napakatahimik. Di tulad sa syudad.
Ang sarap ng hangin dito. Ang sarap ring makalimot. Pero hindi maaari yun.
Madaming taon na ang nakalipas, pero hindi ko pa rin magawang makalimutan ang lahat lahat nang yun.
College na nga 'ko eh, graduating na this month.
Ginamit ko yung perang ipon ni mama sa banko para makapasok ako sa college. Si Tiam, 1st year college pa lang at computer engineer ang kinuha niya.
After a couple of months, kukuha na ako ng civil service examination which is just a basic requirement for entrance to government service.
Kung hindi niyo alam, Political Science ang kinuha kong course, dahil simple lang ang rason, ayokong may babaeng makaranas ng naranasan ko. Even though I was still so lucky back then nung hindi natuloy yung pagmomolestiya sa akin ng matanda.
And to tell you what, marami pa nga akong plano once na maging politiko ako or even a president if ever. Syempre gustong-gusto ko makatulong sa buong Pilipinas at mga mamamayan nito eh.
"CM, i've been looking for you kanina pa" rinig kong sabi ni Ryde.
"I just want some fresh air here, want to join me?" pag-aaya ko sa kanya kahit nakatalikod pa rin ako sa kanya.
"Why not" at tumabi siya sa akin habang pinapanood ang paglubog ng araw.
Hanggang ngayon nanliligaw pa rin sa akin si Ryde. 4 years na rin.
Nadala na ko noon eh, dapat pala hindi minamadali ang pagkakaroon ng boyfriend. Kaya eto, pinatagal ko na ang panliligaw ah, baka sabihin niyo PBB teens eh.
Law naman ang kinuha niyang course. Sabi niya gusto niya magsanib pwersa daw kami sa pagpuksa ng mga umaabuso sa kababaihan, at sa pagbigay ng hustisya sa nararapat. Kaya eto ang kinuha niya.
"I'm glad you're not dumb anymore, but i've missed that tho." sabi niya sa akin.
Napatingin tuloy ako sa kanya.
"Kelan ako naging dumb ha?"
"Back then"
"Pero minahal mo naman, haha"
"Forever and Always"
"Sus. walang forever 'no" pang-aasar ko pa.
"Then let's make one"
"Ayoko ng forever, gusto ko. Infinity and beyond."
"Pumayag ka munang maging girlfriend ko."
"Hmm" kunwari nag-iisip ako.
"Don't tell me, I still have to wait?"
"You won't" sabi ko.
Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.
He blushed.
I too.
Then he lean in to me.
And there goes the kiss.
A three second kiss.
"Today was the day that our infinity and beyond started" sabi ko after ng kiss
"So you're my girlfriend then?"
"Ayaw mo?"
He kissed me again.
"I'd hate to tell you that I don't want you." sabi niya after ng kiss
"Eh?"
"There goes you're dumb self again."
"I'm not dumb anymore!" pabiro kong bulyaw sa kanya
"If you say so"
Then he kissed me again.
A longer one.
The sweetest one.
BINABASA MO ANG
The Dumbest
Teen FictionSi Christinne Mei or simply CM. Makulit, mabait, cute, simpleng babae kaso tatanga tanga, lalong isip bata at walang common sense. Hindi niya alam na niloloko siya ng magaling niyang boyfriend. Malalaman kaya niya? Kahit ganyan siya mag isip?