Chapter 10 - You sounds like a jealous girlfriend.

153 7 0
                                    

Chapter 10: You sounds like a jealous girlfriend.

CM's POV

Nakakainis naman yung mga tao dito, tingin ng tingin kay Ryde! Bakit? Ngayon lang ba sila nakakita ng lalaking naka-contact lens na transparent? 

Nasa school kasi kami, naglalakad papunta sa canteen. Kakatapos lang ng 2nd subject eh nagutom kami. Nasa kaliwa ko si Danyen at nasa likod naman namin sina Ryde at iAnne, si Zyn nasa room pa niya susunod na lang daw. Kanina ko pa talaga napapansin na madaming nakatingin sa kanya na babae. Porket walang salamin eh pinagtitinginan na. 

"CM bakit ka ba tingin ng tingin kay Ryde?" biglang tanong sa akin ni Danyen. Ako tumitingin? Hindi naman ah. 

"Hindi naman ah?" sabi ko sabay tingin kay Ryde. 

"Tignan mo nga, kakatingin mo lang ulit sa kanya oh!" paliwanag niya. Eh ano bang pakialam niya kung tumitingin ako kay Ryde? Masama ba yun? Tsaka anong titignan ko? Ang gulo gulo netong Danyen na 'toh ngayon!

"Ewan ko sayo!" at tsaka ako naglakad ng mas mabilis

"Teka CM!" hinahabol niya ako ngayon.

.

.

"Grabe girl, ang lakas pala ng dating netong si Ryde eh" sabi ni iAnne habang kumakain kami.  Naka-upo siya sa tabi ni Ryde. Napansin rin pala niya na marami talagang tumitingin kay Ryde.

 "Ryde ibalik mo na nga lang yang salamin mo" suggestion ko, sabay-sabay tuloy napatingin sa akin sina iAnne, Ryde, Zynic at Danyen. Anong problema nila? Ngayon lang ba nila ako narinig magsalita ha?

"Why?" tanong ni Ryde na nasa tapat ko lang naka-upo.

"No Way!" hiyaw ni iAnne 

"..." Zyn na walang imik na katabi ni iAnne.

*glare* mula kay Danyen na katabi ko naman.

Eh nakakainis na kasi eh, masyado nang agaw atensyon 'tong Ryde na 'toh, nakakailang kaya!

"Anong why-why? Masyado ka nang nakaka-agaw ng atensyon 'noh. May pa-why-why ka pang nalalaman" sabi ko kay Ryde. Nakatingin pa rin yung tatlo sa akin, akala ba nila nagbibiro ako? "Kung hindi ka lang gwapo edi sana ok lang kahit wala kang salamin" bulong ko.

"What?" sabay pa sila ni Danyen. Narinig ba nila? Bwisit naman 'tong dila ko oh. Malalaman pa ata nila na gwapo si Ryde dahil sa dila ko, kainis naman!

"Do you find me hot?" tanong ni Ryde, na ikinasamid naman ni Danyen na kasalukuyang umiinom ng juice niya. Nakangiti naman sina Zyn at iAnne na nakatingin sa akin.

"Hoy ikaw Ryde! Wag kang assuming!!" sigaw sa kanya ni Danyen

"Hindi ko gets" sabi ko. Hot? siya? Mainit? Hindi niya lang suot yung salamin niya, bobo na siya? 

"Pffftt" sila yan, magsisimula nang magtawanan.

"Anong hahanapin ko? Ikaw? At tsaka pano ka naman naging mainit?" tanong ko. sabi niya kasi find daw, ano nga ba ang hahanapin ko? Hayss. Nagtawanan na sila sa sinabi ko. Ewan ko sa kanila! Ang gugulo nila tapos ako pa 'tong tatawanan nila. Nakakainis na ah!

Tumahimik na lang ako habang sila ay naghahagikgikan pa rin.

"Naiinis na yata si CM. Nako magb-birthday pa naman yan bukas." imik ni Zyn kaya napatigil silang lahat. Birthday ko? Ano nga bang araw ngayon? January 27. Oo nga!! Birthday ko na nga bukas!! 

"January 28? Birthday niya?" tanong ni Danyen. 

"Oo! Grabe ka, boyfriend ka niya tapos birthday lang niya hindi mo pa alam. Walang kwentang boyfriend -_-" sabi sa kanya ni Zyn.

"Sorry naman. Hindi naman kasi sinasabi ni CM eh" Danyen

"Kailangan bang sabihin ko yun?" tanong ko sa kanya

"Oo naman 'noh. Pano ko malalaman yun? Manghuhula ako ganun?" siya ulit

"But what about me? I never forgotten about your birthday CM" Si Ryde naman yung nagsalita.

"Wag kang epal! Kami yung nag-uusap ni CM eh. Tsaka ano naman kung hindi mo nakalimutan ha?" mayabang na sabi ni Danyen sa kanya

"Atleast I know. Unlike you" sinagot naman siya ni Ryde

"Hep! Hep!! Mag-aaway na naman kayo!!" saway ni iAnne sa kanila.

sasabat rin sana ako kaso biglang may lumapit sa aming mga babaeng 3rd year students ata at gusto daw magpapicture kay Ryde. Tsss. Sabi nang isuot ulit yung salamin eh -__-

"Sakin? Hindi ba kayo magpapa-picture?" tanong ni Danyen sa mga 3rd year nang matapos sila magpapicture kay Ryde. Ayaw talagang magpatalo hayysss.

"Sa susunod na lang po. Hehe. Time na po kasi namin eh" sabi nung isa at umalis na sila. Masama tuloy ang tingin ni Danyen sa nakangising si Ryde.

"Sawa na yata sa pagmumukha mo." sabi ni Ryde sa kanya sabay tawa.

"Heh!! Manahimik ka! Magsasawa rin sila sayo" 

"Palibhasa sayo sawa na talaga!"

"Hindi rin! Sabi nga nila, time na daw nila, babalik yun mamaya sa akin at magpapapicture 'noh!" Binelatan ni Danyen si Ryde.

"Wag ka nang umasa, baka masaktan ka lang" 

"Hoy hind--" naputol ang sasabihin ni Danyen dahil may mga lumapit nanamang mga babae sa lamesa namin.

"Hi Ryde pwedeng mag--" naputol ang pagpapacute nung isang babae nang

"HINDI!!" sumigaw ako sa kanila. Napatingin tuloy silang lahat sa akin. 

"O-Okay-y" sabi nila at mabilis na umalis at lumabas ng canteen.

"pffttt! Hahahaha tinakot mo CM, baka naihi yun sa mga panty nila Hahahaha" si Zyn yan

"HAHAHAHAHA! Oo nga!!" nakisabay pa sa kanya si iAnne.

Si Danyen nakasimangot lang habang si Ryde ngiting-ngiti na nakatingin sa akin. Namumula na ata ako.

"You sounds like a jealous girlfriend." sabi ni Ryde sa akin. Ako? Pano naman ako naging katunog ng Gel ha?

"By the way, they are my classmates." Eh? Kilala niya yun? Bakit hindi niya sinabi agad? Nasigawan ko tuloy :3 Kawawa naman :/

 "Baka magpapaturo nanaman sila sa mga assignments nila." dagdag pa niya. Bakit tutor din ba siya ng mga yun?

"s-sorry" nahihiya 'kong sabi. Sumeryoso naman yung dalawang halos mamamatay na sa kakatawa.

"Haha don't be sorry. You've just saved my life" Ako? Niligtas ko siya? Pano??

Magsasalita pa sana ako kaso naagaw ng atensyon ko nung may tumawag kay Danyen.

"Hello? Yes. I'm with her. Yes. Yes. Got it! Yes. Ok. See you later." at tsaka ibinaba na niya yung cellphone. Kaming apat ay takhang-takha kung sino yun. Parang tanga lang mag-usap kasi eh, puro Yes ang sagot niya.

"Sino yun?" pag-uusiyoso ko

"Lolo ko. He wanted to meet you" deretso niyang sabi. "Later" dagdag pa niya.

Bakit naman kaya? Hindi kaya aamin na yung lolo niya? Na magkapatid pala kami?! Hala! Edi kung ganun, mayaman na rin ako!! Yes!!

___

Author's Note: Thank you po sa mga nagbabasa. 1k reads na! Haha Maraming thanks po. Bukas may update ulit, may part two pa po ito :D 

The DumbestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon