Chapter 10.5 - You're really that innocent? Aren't you?

107 7 0
                                    

A/n: Dedicated to you mifriend... Salamat sa support! :D 

Chapter 10.5 - You're really that innocent? Aren't you?

CM's POV

Wow. Ang ganda ganda ganda ng bahay nila Danyen. Sabi niya; siya, parents niya at tsaka yung lolo lang daw niya ang nakatira dito. Grabe, apat lang sila pero itong bahay pwedeng pang sampung pamilya na sa laki eh.

"Close your mouth" sabi ni Danyen sa akin habang nakahawak sa braso ko at inaalalayan akong lumakad papunta sa living room nila na malaki at may chandelier pa. Siguro pag sa bahay namin nagkaroon ng chandelier, hindi na kami makakakilos. Halos kasing laki ng isang sumo wrestler na busog na busog yun eh.

"Hijo, you're here!" sabi nung mom niya, na sa tingin ko ay nasa 40 ang age, at nagkiss siya sa pisngi nito. Hijo? Nickname niya ba yun? Ang layo sa Danyen ah!

"Hijo pala nickname mo." bulong ko kay Danyen.

"pfffftt.. No. Don't be silly. Not now." bulong rin niya sa akin. Hinding hindi ko gugustuhin maging sili noh! Bahala siya sa buhay niya!

"Who is this pretty girl you've brought?" sabi ulit nung mom niya at tumingin sa akin. Tumingin naman ako sa likod ko. May kasama pa ba kaming isang babae? Nako! Hindi naman sa akin sinabi ni Danyen na may lahing espiritista yung mom niya. Edi sana nagpabendisyon muna ako bago pumunta dito para wala akong bitbit na babaeng multo :3

"Mom, she's CM. My girlfriend" sabi ni Danyen kaya napabalik ako ng tingin sa kanila. Kapangalan ko pa yung babae? At tsaka girlfriend daw niya? Dalawa kaming girlfriend niya? 

"Hello po." sabi ko at nakipagshake-hands ako sa kanya, ayoko ipa-shake hands yun dun sa isang CM kasi diba hindi naman niya mahahawakan, kaya ako na lang.

"Good to see you, dear" sabi niya sa akin.

"CM po hehe" baka akala niya dear pangalan ko, etong Danyen na 'toh hindi man lang ako pinakilala buti pa yung isang CM pinakilala niya tsk -_-

"She's adorable" ang kulit naman ng mom netong Danyen na 'toh. Sabi nang CM pangalan ko eh! Hindi dear at hindi rin adorable. Ang yaman nga nila, hindi naman matalino haysss.

"Let's go to the dining room shall we? Oh I have prepared my specialty, you've got to try that CM" sa wakas, nagets na rin niya yung pangalan ko.

"Sige po, hehe" nahihiya kong sabi. Si Danyen nakangiti lang. Balak niya bang ngumiti magdamag?

At lumakad na kami papunta sa pagkalaki-laking dining room na akala mo eh madaming kakain, lima nga lang kami dito, pwera na lang kung isama nila yung mga maids nila dito na hindi ko mabilang kasi ang lilikot nila :3

 "So you're Danyen's girlfriend?" tanong sa akin nung daddy niya habang kumakain kami.

"Yes po." paulit-ulit lang kami dito? ha? 

"Nice choice" yung lolo naman yung nagsalita. Anong nice choice nice choice? Mukha ba 'kong mayonnaise? 

Ngumiti na lang ako, naiintindihan ko na kung bat ganun si Danyen, may pinagmanahan, kawawang bata :(

Nagkwentuhan kami, at marami akong nalaman tungkol sa kanila. Minsan pa nga ay tinatanong rin nila ako, sumasagot naman ako pero madalas ngumingiti lang ako paano ba naman kasi nakakatanga yung mga tanong :3

Natapos na rin kaming kumain, at pinilit ako ni Danyen na libutin yung mansyon nilang pagkalaki-laki. Sasakit paa ko neto >.< 

Andito kaming dalawa ni Danyen ngayon sa malaking library ng bahay nila. Ano namang gagawin namin dito?

"Wait here." sabi niya at magsasalita pa lang sana ako para magtanong kung 'bakit' ay lumabas na agad siya ng pinto.

Nilibot ko ang tingin ko sa mga shelves na andito. Ang dami-daming libro, paniguradong hindi naman nila binabasa yan eh. Kung siguro magsisimula ako ngayon magbasa hanggang sa mamatay ako, hindi pa siguro ako aabot sa kalahati ng library na 'to.

Narinig kong bumukas yung pinto kaya napalingon ako dito.

"San ka galing Danyen?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot, hindi ko masyadong maaninag yung mukha niya dahil sa sobrang liwanag na nanggagaling sa labas ng pinto. Dito kasi sa loob ng library hindi ganun kaliwanag.

Naglakad siya papalapit sa akin. At nagsisimula na akong kabahan.

"Lolo ni Danyen? Bakit po kayo nandito?" kaya naman pala hindi sumagot kanina eh, hindi naman pala siya si Danyen.

"Naliligaw po ba kayo?" tanong ko ulit nung hindi sumagot sa una kong tanong.

"You're really that innocent? Aren't you?" kinilabutan ako bigla sa tanong niya. Hindi ko kasi maintindihan eh. Ang layo ng sagot niya sa tanong ko.

Lumakad pa siya papalapit sa akin, umatras naman ako hanggang sa bumangga na yung likod ko sa isang table dito sa gitna ng library.

"A-ano po ba ang kailangan niyo?" tanong ako ng tanong hindi naman sinasagot :3 sayang laway.

"You" sagot niya.

___

A/n: Sorry for the very short update. Sana may magbabasa pa neto. Vote naman kayo puhlease?

The DumbestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon