Chapter 02

878 46 70
                                    

Tahimik lang kami ni Loki na bumalik sa mansion niya. If silence could be deafning, this was the real personification of it. Ang daldal ni Loki kanina kaya naninibago ako na bigla na lang siya naging tahimik.

Nauuna rin siyang naglakad sa'kin habang tintahak namin ang daan mula sa kuwadra papuntang mansion. I didn't dare speak after I found out the severity of what I did.

I guess that stuffed bear was a gift from his mother when he was still a child. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nagagalit siya sa'kin kahit na siya naman 'tong nag-suggest na 'yong stuffed bear ang gagawin naming target? Parang gago lang.

Nakita ko si Isabel na hinihintay kami sa entrance ng mansion. Nakangisi siya ngunit nang hindi siya pinansin ni Loki at nagpatuloy lang sa pag-akyat ng staircase, nilingon niya ako.

"I don't know," I lied. "Bigla na lang siya naging ganoon."

"May nangyari ba doon? Loki is good at hiding his emotions but he doesn't seem like he has the energy today."

Nagpakawala na lang ako ng hininga sa sinabi ni Isabel. Iginiya niya ako papuntang kwarto kung saan ako mamamalagi lang muna. It was just at the same hallway as the master's bedroom just in case an emergency happens and Loki needs my presence right away. Iniwan muna ako ni Isabel na mapag-isa dito at tatawagin na lang niya ako kapag oras na para mag-hapunan.

I took a bath first. Jetlag suddenly invaded my system so I took a quick nap first wearing only my underwear. The soft duvet immediately lulled me to sleep. Ang sarap ng tulog ko kaya naman iritang-irita ako nang marinig ang malalakas na katok sa pinto.

Padabog kong hinagis ang comforter sa sahig bago binuksan ang pinto. My hair was still disheveled and I guess there's saliva on my chin but at that moment, I couldn't care less.

Nagtama ang tingin namin ni Loki. He still has that serious face and at this point, I guess he's just forcing it to intimidate me.

Tinaas niya ang isang kilay niya bago niya pinasadahan ng tingin ang katawan ko. When our gazes met again, his eyes were already wide with shock.

"Get inside!"

Naguluhan ako nang bigla niya akong tinulak papasok ng kwarto tsaka sinara ang pinto. I stood in the room, looking at the closed door with shock. What the hell was that for?

Kumatok siya sa pinto para sabihan na pumasok ako dito? Is he high?

Nang tingnan ko ang salamin na nasa gilid kung saan ako nakatayo, doon ko na napagtanto kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Loki. Nanlisik ang mga mata ko at tumakbo na 'ko papunta sa dulo ng kama kung saan nakalagay ang maleta ko.

Shit!

Wala pala akong suot maliban sa undies ko!

"Are you done?" tanong ni Loki mula sa labas.

Hindi pa siya umaalis?!

Agad akong na-pressure na bilisan ang pagbibihis. I didn't care for fashion already basta may masuot ko lang. Sinuot ko ang itim na shorts ko tsaka white na tank top. Naghilamos muna ako sa CR ng kwarto bago binuksan ang pinto.

Nakita ko si Loki na nakasandal sa pader na nasa tapat ng kwarto ko. When he saw me, he immediately eyed my outfit then shrugged.

"It's more decent than the one earlier, I guess."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero nilampasan na niya ako. Nagsimula na siyang maglakad sa staircase na may malaking chandelier sa gitnang kisame. Sinundan ko lang naman siya at ngayon ko lang nakita na may mga family photos pala na naka-hang sa pader ng stairacase.

Jack Of All Trades | COMPLETEDWhere stories live. Discover now