Chapter 11

608 40 62
                                    

"Nakabili ka na?" 

Loki grinned before he held up a small paper bag. Agad naman ako na ngumisi bago lumapit sa kaniya. He offered me an Arancini, one of the best street foods in Italy na kagabi ko pa sinasabi sa kaniya dahil pupunta daw kami ng Ragusa Ibla.

I immediately took a bite of the delicious deep-fried ball covered with bread crumbs. Napapikit pa 'ko dahil sa sarap. Natawa pa nga si Loki dahil sa reaksyon ko pero inismiran ko lang siya. It's really delicious!

Habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada, patuloy pa rin namin na kinakain ang Arancini. Loki would stop from time to time to gaze at the normal people here who are doing their daily work. Minsan, tinatanong pa niya ako kung ano ang ginagawa nila.

We bathed in the warm sun while our sandals echoed through the almost empty streets of Ragusa. Ang tahimik sa lugar na 'to, kakaunti lang talaga ang mga tao. Siguro dahil isa 'to sa world heritage site.

Mas ancient pa ang Ragusa Ibla kaysa sa Ragusa Superiore kung nasaan ang mansion ni Loki. This place is mostly made up of churches and buildings, all from the Baroque period.

 The wind blew in our direction, causing my dress shirt to slightly escalate to my stomach. Since I was still holding the Arancini, Loki slightly tucked my white shirt under the waistband of my maong shorts.

I didn't mind him though. Nasanay na 'ko na ganiyan siya. Noong may kinukuha ko na box sa cupboard ng kusina, naramdaman ko na binaba niya ang shorts ko dahil umaangat 'yon sa hita ko. May mga bodyguards sa paligid kaya naintindihan ko kung bakit.

Agad akong napatingin sa likod namin kung nasaan si Leo. Simula kasi noong pinasukan ang mansion tsaka ninakawan siya, palagi na kaming may security team na kasama tuwing umaalis kami. Pakiramdam ko tuloy high profile ako na tao na kailangan protektahin 24/7.

I saw Leo slightly avert his gaze when we locked eyes. Hindi ko na lang siya pinansin tsaka binalik na lang ang tingin kay-

"Ba't ka huminto?" Napatingin ako kay Loki na biglang huminto na lang sa paglalakad. Mukha pa siyang bata na nakasimangot sa'kin ngayon.

Seryoso siyang nakatitig sa'kin, hindi sinasagot ang tanong ko.

"Ba't ka tumigil?" tanong ko ulit.

His face remained stoic before he shrugged. Napaawang ang bibig ko nang bigla siyang naglakad, inuunahan ako.

"Loki!" tawag ko sa kaniya ngunit hindi siya humihinto. 

Ano ba naman yung problema niya?! I swear to God, he's more moody than a woman on her period!

I just found ourselves inside a boutique. Kanina pa si Loki namimili doon sa iilang racks kaya napagpasiyahan ko lang muna na umupo sa pinakamalapit na couch. 

Nasa isang all women's boutique kami kaya hindi ko alam kung bakit ni Loki gustong pumunta dito. Ilang minuto ang lumipas at sumunod naman sa loob si Leo at ang security team.  Surely, he doesn't have a woman in his life? Maliban na lang kung gusto niyang bilhin ng damit si Isa.

Agad naman si Leo na tumayo sa tabi ng couch kung saan ako nakaupo. I patted the seat beside me but he just shook his head.

"I'm okay, ma'am," aniya sa mariing tono.

Napangiwi ako nang marinig 'yon mula sa kaniya. "Huwag mo nga akong tawaging Ma'am."

Ngumisi siya bago niya ako tiningnan. "I can't understand Filipino, Ma'am. I'm Italian."

Napakurap-kurap ako. Oo nga pala... walang Pilipino sa mansion maliban sa'min ni Loki at Pierre. 

Tumikhim muna ako bago siya tiningnan ulit sa mga mata niya. There was a glint of amusement in his eyes but I just disregarded it. Hindi ba pwede nagkamali lang? Ba't parang ang hilig niyang tingnan na napapahiya ako?

Jack Of All Trades | COMPLETEDWhere stories live. Discover now