Chapter 05

623 41 29
                                    

Nanatiling nakatuon ang mga mata ni Loki sa'kin habang nakatutok pa rin ang baril sa sentido ko. I breathed through my mouth, one small breath at a time. The silence stretched between us, probably because he's anxious that I might off myself in his car and leave him to clean the mess.

Of course, I won't shoot myself. That's absurd. I just want him to feel what it's like being in my place… being optionless. 

For sure, hindi aarestuhin ng pulis si Loki dahil kilala ang Orsini family sa buong Italy. Sila lang ba naman ang isa sa pinakamalakas na mafia sa buong mundo. The Italian mafia's already enough to have someone quivering but the Sicilian? I don't even know how to start. I guess Loki's still oblivious to that fact since he still hasn't used the full potential of his family's influence and power. Kung alam lang niya… kung hindi lang siya umalis dito sa Italy noong bata pa siya… 

Police sirens seemed to go closer to us. Sweat broke out on my forehead as I tried to steady my breathing. Kailangan na ni Loki mag-desisyon bago pa dumaan ang mga police dito.

Siguro agad na ni-locate ng pulis kung saan nagmula ang naputol na 113 call kanina kaya pumunta sila dito sa liblib na bahagi ng isla ng Ragusa.

"Okay," sabi ni Loki. "We'll bury the body. Is that good?"

I pursed my lips before nodding. 

"Great. Now, put down the gun."

Napatigil ako nang may bigla akong naisip na secure na paraan. This way, there's no chance of him ratting me out. Hindi ko binaba ang baril kahit na sinabihan niya ako na hindi niya 'to irereport.

The police sirens seemed to go nearer. Siguro dadaanan sila dito dahil ito lang naman ang daan papunta sa liblib na mansion ng mga Orsini. Once they pass us, that's the only time I'll stop blackmailing him. Kailangan ko manigurado.

My hands were shaking but I kept our eye contact. Pabalik-balik ang tingin ni Loki sa mga mata ko tsaka sa baril.

"Asti... drop the gun," mahinahong wika niya.

I clenched my jaw. "No."

"Drop the fucking gun, Aster!" 

I flinched because of his voice but I still didn't oblige. Dahil sa pagsigaw niya, nilagay ko ang index finger ko sa loob ng trigger. If I pull it, my brains will explode right in front of him. Ayaw ko sa sinisigawan ako, he just triggered my action.

"Fucking hell..." Napahilamos si Loki ng mukha niya bago ako tiningnan, mukhang siya pa nga ang nahihirapan sa'ming dalawa. "I won't report it, okay? Just put the gun down."

Hindi ko siya sinagot. Nakakunot ang noo niya dahil sa takot na bigla kong barilin ang sarili ko. Now, I guess it'll seem psychopathic pero hindi talaga ganon ang intention ko.

Loki needs to know how to be patient to get what you want from a person... even if it means resorting to violent ways. Even if it means blackmailing to this extent.

Pagkatapos ng ilang minuto, dinaanan na kami ng tatlong police cars. Loki and I maintained eye contact, walang ni isa sa'min na kumawala habang dumaan ang mga pulisya. Nang palayo na ang mga busina ng sasakyan, doon ko lang binaba ang baril ko.

Nagpakawala si Loki ng malalim na hininga na kanina pa niya kinikimkim. Napahawak siya sa manibela habang nakatungo, mukhang tinatahan niya ang sarili niya. He's breathing heavily while I remained stoic as if I wasn't as scared as he is. 

I removed the bullets from the gun one by one. Dahil sa pagmamadali kanina, revolver pala ang nabunot ko. Wala talaga 'tong kwentang baril kapag na-ambush kami pero okay na 'to kaysa sa wala. When I successfully got most of the bullets out, I threw every piece of it inside the glove compartment except for one.

Jack Of All Trades | COMPLETEDWhere stories live. Discover now