Chapter 16

514 30 139
                                    

I didn't know what to do.

Habang nakahawak sa leeg ng Black Label, mapait ko na nginisihan ang buwan.

Why did it have to be this way? Hindi ba niya kayang itago 'yung nararamdaman niya hanggang sa mapagtanto niya na hindi talaga niya ako gusto?

Alam ko naman na hindi siya seryoso kanina kasi 'di ba, kapag may gusto ka sa isang tao, hinding-hindi mo siya sasaktan?

Tatanggapin mo siya kahit sino ka pa man. Hindi rin niya hihilingin na magbago ka dahil lang ayaw siyang lubayan ng morals niya.

He really resorted to a petty confession instead of talking to me like what he did in Italy.

Napaupo ako sa sahig ng balcony habang tinititigan ang buwan. I'm already wearing a black night dress which Pierre got for me when he saw me stomping at the hallway.

Kinuha ko ang phone ko bago 'yon binuksan. I sarcastically laughed before drinking the liquor when I saw my wallpaper.

It was a photo of Loki and I when we switched hair colors. Nakakabigat sa pakiramdam tuwing naalala ko na kanina lang namin 'to kinuha.

Who would've known everything would change in a span of six hours?

Madaling araw na dito sa Madrid pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi naman ako mahilig uminom pero... dalawang bote ng Black Label na ang naubos ko.

Ang sarap pala ng alak kung marami kang dinadamdam na problema.

Inubos ko na lang ang natitirang liquor sa bote bago humiga sa kama. Sleep immediately took over me before I could even clean the room first.

Nagising na lang ako nang biglang mag-ring ang phone ko.

I groaned before reaching for it at the bedside table. Sumisinag na ang araw sa labas pero ayaw pa rin ng katawan ko na umiwas sa kama. Iritang-irita ako nang tinapat ko ang phone sa tenga ko.

"Hello?" namamaos pa ang boses ko kaya tumikhim muna ako bago nagsalita ulit. "Who is this?"

"Aster!"

Agad kong pinatay ang tawag nang marinig ko ang boses ni Pierre. Siya lang pala yung tumatawag sa'kin kanina pa?! Ang himbing na ng tulog ko, e!

A few minutes later, my phone rang so I muttered hundreds of curse words first before answering it. This better be worth my time.

"Speak," I demanded.

"Wow, ha. Famous ka ba? Ba't mo 'ko binabaan kanina?"

"If you don't have anything to say, I'll end the ca–"

"Teka!"

I exhaled a breath before rolling my eyes. "What?"

"Nasa resto kami malapit sa lobby. Loki's asking for you."

Based on how he said it, I'm pretty sure he's grinning right now. Ako pa talaga yung uutohin niya? Why would Loki request for my presence? I practically rejected his one-in-a-lifetime confession last night. Ayaw na nun sa'kin.

"Nice try, Pierre," sabi ko. "I'm going to continue my beauty sleep now."

Bababaan ko na sana siya ngunit napatigil ako nang marinig ang pamilyar na boses sa tabi ni Pierre.

"What did she say?" tanong ni Loki.

"Sabi niya sa'kin, 'Tell him to fuck off!'" he said, a pitch higher than his original voice in an attempt to copy mine.

Nanlaki ang mga mata ko sa kasinungalingan na sinabi ni Pierre. When the hell did I say that?!

"Oh," Loki's voice fell. "Let's just start without her. I'm sure Leo can fill her up with the details later?"

Jack Of All Trades | COMPLETEDWhere stories live. Discover now