Chapter 15

520 34 94
                                    

Kung sa Moscow ay halos ayaw ni Loki na humiwalay sa'kin, ibang-iba naman siya dito sa Madrid.

As soon as we arrived, he requested a hotel room that's five-floor above mine, kasama rin niya sa floor na 'yun sila Leo at Pierre.

My heart sank when I heard it but I acted like I wasn't the tiniest bit affected even though I felt pity for myself.

Napaisip tuloy ako kung bakit ko ginawa 'yon kanina. 

Kung alam ko lang naman na hindi magagamitan ang bata, hinding-hindi ko 'yon gagawin. I may be a killer but I never voluntarily hurt innocent people, especially children.

Nahirapan rin naman ako sa ginawa ko kanina pero wala akong choice. Kinailangan ko gawin 'yon kahit na labag sa loob at konsensiya ko.

Siguro, tatanggapin ko na lang ang consequences ng ginawa ko, para na rin maging maayos na ang lahat.

"Let's talk about the plan tomorrow. I need to get some rest."

Tumango sila Leo at Pierre habang nakatungo lang ako sa gilid. Nasa manager's office kami ngayon para magcheck-in. Ginamit ni Loki ang CEO card niya sa mga empleyado dito kaya naman nag-panic silang lahat.

"What suite, Mr. Orsini?" tanong ng manager.

"Three presidential," maikling sagot ni Loki bago niya ako tiningnan. Nakipagtitigan ako sa kaniya hanggang sa nauna siyang umiwas ng tingin.

"And one regular."

Parang may bumara sa lalamunan ko nang sinabi niya 'yon. Alam ko na ako ang kukuha ng kwartong 'yon. 

Ngayon ko lang napagtanto na sobrang spinoil ako ni Loki noon. He would choose the best out of the best for me, not for him. Kaya naman nanibago ako nang ganiyan niya akong tratuhin.

He kept his promise... he showed me the beautiful side of things. Nakaka-addict. Gusto ko palaging ganoon.

Unfortunately, I screwed up. Again.

After all of us confirmed our identities, Loki strode to the elevator. Walang may umiimik sa'min sa elevator hanggang sa bumukas ang elevator doors sa floor ko.

Pierre and Leo immediately stepped sideways to make way for me. Nang makalabas na ako, binalik ko ang tingin ko sa kanilang tatlo para magpaalam sana ngunit nakatingin na si Loki sa cellphone niya.

Leo and Pierre glanced at each other before looking at me as if they're sorry but they really can't do anything about it.

Marahan ko na lang sila na nginisihan bago nagsimulang maglakad patungo sa kwarto ko.

Despite Loki's cold gesture, I knew he wouldn't abandon me. Hindi niya ako pinapansin, hindi nga niya ako magawang tingnan... pero alam ko hindi niya ako kinamumuhian.

"He's just disappointed," I told myself. "Babalik rin kami sa dati."

Nandito na ako sa kwarto ng isa sa mga hotel ni Loki sa Spain. As soon as I entered, I immediately went to the bathtub to clean myself. May dugo sa siko at hita ko pero hindi naman 'yon sa'kin. 

I drowned myself in the fragrant water of this luxurious bathtub until I remembered I didn't have any clothes to wear. 

Fuck.

Hindi na namin binalikan ang mga bagahe namin kanina nung paalis kami ng hotel sa Russia. Sabi ni Leo, security team na lang raw ang magdadala nun papuntang Madrid bukas. 

I exhaled a breath before fetching a white towel. Lumabas ako ng bathroom na 'yon lang ang nakabalot sa katawan ko. Kinuha ko ang phone ko mula sa bedside table tsaka dinial ang nag-iisang number na kakilala ko dito sa Madrid.

Jack Of All Trades | COMPLETEDWhere stories live. Discover now