Chapter 21

598 24 59
                                    

I slowly opened my eyes when I felt Loki kiss the side of my neck. Napasulyap ako sa kaniya at pinapaulanan na pala niya ako ng marahan na mga halik para gumising na 'ko.

I let out a lazy smile before stretching my arms. Medyo inaantok pa 'ko dahil maga-alas tres na nang umakyat kami ulit ni Loki kagabi. Hindi ako umakyat hanggang sa siya na mismo 'yong nagyaya. It was fun slow dancing with him in the dark, anyway.

Nang hinarapan ko siya dito sa kama, bahagyang umatras siya para bigyan ako ng espasyo.

I stared at his face a bit longer until I let out a relieved sigh. Compared to yesterday, Loki looks like he's getting a bit better now.

Marahan na hinaplos ko ang pisngi niya at agad naman siyang napapikit. I smiled before moving closer to him just to embrace him in a hug.

Mahigpit ko na hinawakan ang baywang niya na walang saplot samantalang pinalibot niya ang kaniyang mga braso sa leeg ko.

Walang may nagsalita sa'ming dalawa habang ganiyan ang posisyon namin. It felt nice, though. It's nice to have someone I can have comfortable silence with.

After a few minutes, the door slightly creaked which made us look there. In came Kali wearing a bright pink ribbon around her neck. Agad akong napangisi nang tumalon siya sa ibabaw namin ni Loki.

"Ow..." Loki groaned before he sat upright.

Nang sumandal siya sa headboard, bumaba ang comforter sa bandang hita niya kaya kitang-kita ang katawan niya.

His body's not the type that could get featured in underwear magazines or any macho advertisement. His body is slender and lean, 'yong tipo na parang runway model yung dating. If he didn't pursue law, he could've been great in the modeling world. With his connections and appeal, I can see his career booming.

He's got the body and the looks. God, I can't even start how to describe this person in terms of looks.

Kahit na binibiro ko na hindi naman siya gwapo, hindi naman 'yon ang totoo. In fact, he's the most beautiful man I've ever seen even though he's not making an effort.

His messy blonde hair with brownish highlights was swept to one side. Kahit na kagigising niya pa lang, mukha na siyang handa para sa isang photoshoot.

Ngumisi siya nang mapansin na kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ko. Shit.

Agad naman akong tumikhim bago hinarapan si Kali. Fuck, that was embarrassing.

"Should I just tell Isa to get us breakfast in bed? Gutom ka na ba?" tanong niya, nahihimigan ko pa ang ngisi sa pananalita niya.

Tumango ako habang sinusuklayan si Kali. I tried to act indifferent but I failed to do so when Loki scooted behind me.

Now, his legs stretched out on both sides of my body while I was in between him. Naramdaman ko ang mga palad niya na nilagay sa mga hita ko habang naka-Indian sit ako dito.

Halos makapusan ako ng hininga nang pinalibot niya ang dalawa niyang kamay sa tiyan ko. I subtly gulped when his head went on my shoulder before he inhaled my scent.

"Loki..." sabi ko. "Sinusuklayan ko si Kali."

"You can do that while I'm hugging you like this..." he drawled lazily.

Napabuntong-hininga na lang ako habang pinagpatuloy ang pagsusuklay kay Kali. Hindi ko na lang siya pinagsasabihan dahil sa natamo niya noong isang araw.

That wasn't easy so I'm giving him time to adjust. Siguro kapag natanggap na niya ang ginawa niya, unti-unti ko na siyang tratratuhin gaya nung dati. It's kind of uncomfortable being all lovey-dovey with him.

Jack Of All Trades | COMPLETEDWhere stories live. Discover now