Kabanata 4

24 7 4
                                    

Kabanata 4
Katahimikan


Pebrero na at malapit na ang Araw ng mga Puso.

Hindi naman iyon ipinagdiriwang pero may mga aktibidades na ginagawa ang mga organisasyon. Tulad na noong panghaharana ng mga kasama sa chorale.

Nagtitinda rin ang iba ng mga bulaklak at tsokolate. Ang iba naman ay nakasuot ng pula at rosas.

Dahil unang beses kong makararanas ng ganitong okasyon sa eskuwelahan, hindi ko alam kung anong aasahan ko. Buti na lang at wala akong organisasyon na sinalihan.

Siguro ay magkukulong na lamang ako sa aming silid o kaya'y tatambay sa silid-aklatan kung saan bawal ang maingay.

"Bigyan mo kaya ng rosas si Kuya Raio?" Saad ni Hudson.

"Bakit ko naman bibigyan?"

"Kasi gusto mo siya."

"Kahit na. Ang mahal kaya," ingit ko.

"Mas mura 'yong peke. Hindi pa nabubulok," aniya.

"Tsokolate nalang kaya?" Sagot ko naman.

"Hindi naman yata siya mahilig sa matamis eh."

Eh kinakain niya ang mga bigay kong kendi! Pero s'yempre hindi ko na 'yon sinabi. Mabubuking lang ako. Tanging si Dolfo lang ang may alam 'nun.

"Pag-iisipan ko." Nilingon ko siya. "Eh ikaw? Anong balak mo doon sa crush mo?"

"W-Wala!"

"Sus! Kaya siguro hindi ka na nagmemeryenda kasi may pinag-iipunan ka ano?!"

"Soraya naman eh!"

Tumawa ako. "Haranahin mo nalang. Gamitin mo 'yong gitara mo na nabubulok na sa bahay niyo."

"Limot ko nang tumugtog..."

"Mayroon pa namang isang linggo para mag-ensayo!"

Nanliit ang mga mata niya. "Naku, Sora! Iniiba mo ang usapan! Hindi naman ako mapapansin 'nun."

Ngumisi ako.

"Baka kasi ang gusto niya ay 'yung nagpapapansin."

"Kung kasing ganda mo lang ako, matagal na akong napansin 'nun."

Napangiwi ako. "Tama ka doon. Slight."

Binatukan niya ako. "Hindi ka man lang umangal!"

Isang araw bago ang Valentines' Day pero wala pa akong plano. Pero ayos lang naman na walang plano 'di ba?

Pero hindi ko alam bakit ako nasa harap ngayon ng isa sa mga miyembro ng chorale.

"Bente pesos kung hanggang koro at may intro pa. Trenta naman kung may kasamang rosas na peke."

Napaisip ko. Hawak ko ang singkwenta na baon ko ngayong araw.

"Hindi naman malalaman na ako ang nagpabigay 'di ba?"

Umiling siya.

"Sige. 'Yung... trenta nalang," sagot ko.

Ngumiti siya nang malawak. "Sige. Ilista mo nalang rito ang pangalan nang haharanahin at pangalan mo."

"Bakit kailangan pa ng pangalan ko?!"

"Para lang sa tala 'yan. Kailangang isumite."

Dahan-dahan akong tumango at isinulat ang pangalan ko at pangalan ni Garyo.

"Raio Allejo? Kapatid 'to ni Dolfo ah?"

Hindi ako sumagot. "Tsk. Mukhang ang magkapatid na 'yon ang haharanahin namin buong araw bukas." Tawa niya.

River Over OceansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon