Kabanata 17

25 5 2
                                    

Kabanata 17
Nanliligaw



"Sinong magiging kasama mo?"


"Shiela," tipid kong tugon habang nakatingin sa binabasa kong libro.


Sa mga susunod na buwan kasi ay hindi na magagawi si Dolfo sa unibersidad. Aniya ay sa kabilang bayan siya hanggang sa makapagtapos ng kolehiyo. Heto at siya pa ang mukhang namomroblema dahil wala raw akong kasa-kasama.


"Eh 'yong lalake?"


Kumunot ang noo ko. Bukod sa kanya at sa mga kaklase ko, wala naman akong maalalang kasa-kasama kong lalake.


"Kristoff," saad niya sa harap ko.


May sementadong lamesa sa pagitan namin. May kung anong sinusulat siya, form daw 'yon. Ako naman ay humiram ng libro dahil medyo maluwag pa ang schedule dahil katatapos ng exam week.


Tinignan ko siya nang nakakunot ang noo. "Hindi ko na siya kaklase."


Tipid naman siyang tumango at nagpatuloy sa pagsusulat. Umiling na lang ako at binalik sa libro ang atensyon ko. Maya-maya pa ay medyo umingay ang paligid. Tinignan ko ang relos ko at nakitang malapit na ang lunch time.


Tinignan ko si Dolfo na mukhang tapos na sa ginagawa at nakatingin sa librong binabasa ko. "Hindi ka pa maglulunch?"


Umiling siya. "Malapit mo nang matapos," nguso niya sa librong binabasa ko.


Bahagyang kumunot ang noo ko bago isinarado ko 'yon. "Maingay na. Mamayang hapon na lang ulit ako magbabasa." Tumayo ako at tinignan ang form niya. "May klase ka ba pagkatapos?"


"Wala na. Ikaw?"


Tumango lamang ako bilang pagtugon.


Hindi ko na tinanong kung sabay kaming kakain dahil mula noong umupo siya kanina habang tahimik akong nagbabasa, alam kong sasabay siya ulit. Hindi rin naman siya nagsalita at basta na lang umupo sa harap ko. Alam niya sigurong ayokong dinidistorbo tuwing nagbabasa.


Ni minsan ay hindi ko tinanong si Dolfo kung bakit siya ganito. Hindi ko alam kung saan ako mas takot, ang malaman ang sagot niya o ang tuluyang kumpirmahin sa sarili ko na hindi 'to ginagawa ng isang kaibigan lamang.


Wala rin siyang nilinaw. Nakagraduate na siya't lahat pero nanatili siyang kaibigan ko.


Sa tingin ko naman ay mas gusto ko 'yon. Manatiling kaibigan si Dolfo. Hindi ko alam kung gusto ko pa ba siya o pinaniniwala ko lang ang sarili kong siya pa rin.


"Hay nako, Soraya. Mag-jowa ka na kasi. Masaya!" Ani Shiela habang ka-text ang kanyang boyfriend. Second year college na kami. Sabi niya right time na raw 'yon para magkaroon ng boyfriend.

River Over OceansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon