Kabanata 26
Masaya
Tuloy-tuloy ang agos ng luha ko at pilit kong pinapawi 'yon. Hindi ko maisip na ganoon lang pala kababaw ang nararamdaman niya para sa akin. Ibig bang sabihin, ibinabase niya lamang sa pakiramdam ang panliligaw niya sa akin? At heto ako, iniisip ang kabukasan ko kasama siya. Na pinipiling piliin siya lagi?
Gustong-gusto kong magalit pero masyado akong mahina para roon. Pilit kong pinipilit ang sarili na okay lang. Mas magandang nangyari na ito ngayon kaysa mangyari kung kailan kami na. Malinaw na... hindi kami magtatagal.
Makakalimot ako pero hindi ngayon. Sigurado akong hindi bukas at hindi sa mga susunod pang buwan.
Gusto ko si Dolfo.
Gustong-gusto.
Alam kong alam niya 'yon. Alam kong kahit na sinabi kong hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya ay hindi siya maniniwala. Kailanman ay hindi ko pinaramdam na... hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya.
Ayokong sabihing mahal ko dahil hindi ako sigurado. Pero... paano ko nga ba masasabi na mahal ko siya?
Dahil ba lagi ko siyang naiisip, mahal ko na siya? Dahil ba sinasali ko siya sa lahat ng magiging plano ko sa buhay, mahal ko siya? Dahil ba... siya lang ang lalakeng nakikita ko para sa akin, mahal ko siya?
And what? That's his reason? Na wala na siyang maramdaman tuwing nakikita ako?
Then, fine! As if I could something with his damn feelings!
Masakit dahil sigurado akong kung ako ang nasa sitwasyon niya, hahanap ako ng rason! Did he look for a reason?
Kaya ba hinalikan niya ako rati para malaman kung may nararamdaman pa siya sa akin? Kaya ba niyakap niya ako nang mahigpit? At ano? Doon niya napagtanto na hindi niya na talaga ako gusto?
Ibig bang sabihin noon ay ibinabase niya sa pisikal na interes ang pagkakaroon ng nararamdaman para sa akin? Na noong... na noong hinalikan niya ako ay napagtanto niyang wala?!
Pero alam kong hindi siya ganoon kababaw! Sa nagdaang mga taon, hindi ganoong Dolfo ang kilala ko. Nagustuhan ko siya dahil sa mga bagay na ginagawa niya para sa'kin. Maliit man 'yon o malaki, nagustuhan ko siya dahil doon! Hindi dahil sa kanyang pisikal na anyo! Dahil kung 'yon ang pagbabasehan, e 'di sana parehas ko silang gusto ni Garyo dahil magkamukha sila!
Pero hindi! Noong nakilala ko at naging kaibigan si Garyo ay nawala agad ang paghanga ko sa kanya! It was a petty and friendly likeness! Liking Dolfo is different. I still like him even though he hurt me like this!
Okay lang naman magalit, hindi ba? Pero kanino ako dapat magalit? Sa kanya? Pero feelings niya 'yon... Wala akong magagawa kung sabihin niyang hindi na niya ako gusto. Ang pinakahuling gusto kong mangyari ay makulong sa isang relasyon na ako lang naman ang may gusto.
Sinubukan kong ayusin ang sarili bago lumapit kay Papa. Pero noong nakita ko siyang nakatingin sa akin ay agad ako naiyak.
"Pa..."
Pinawi ko ang luha at niyakap si Papa. Nakaupo siya ngayon sa aming maliit na teresa. "Pa... may sasabihin po ako."
Tinignan ko si Papa. Hindi ko pansin pero tumatanda na rin pala sila ni Mama. Pinatayo ko si Papa at dinala na sa loob dahil malamig na at baka mahamugan. Kung mayroong pang isang bagay na sigurado ako, iyon ay ang pamilya ko.
Kumuha ako ng tubig at umupo sa tabi ni Papa.
"Uh... 'yong resulta po ng board exam... b-bukas."