Kabanata 15
Literal
Naroon si Dolfo noong graduation namin kasama si Tiyo Eliseo. Dolfo was all smiles at me. I wondered why.
Noong nagsalita ako sa harap ng maraming tao ay ilang beses na napunta ang mga mata ko kay Dolfo. Tuwing dumadako ang tingin ko sa kanya ay seryoso lamang siya pero ngingiti naman pagkalipas ng ilang segundo. Ako na lang ang umiiwas ng tingin.
He seemed so proud. Pagkatapos ko ngang magsalita, kahit na hindi required pumalakpak ay ang lakas ng tipak niya! Halos maging kamatis ako roon!
If there are things I'd miss in high school, that would be the library. The field. The cafeteria. Dahil bakit ko nga ba mamimiss ang mga tao kung magkikita rin kami sa kolehiyo. Kaya noong nagsi-iyakan sila noong graduation song ay medyo naalibadbaran ako.
But that's how they feel. I have no say on that. And why would I judge something I am indifferent about?
Siguro ay mamimiss nila ang mga silid-aralan. Because, in college, we really do not have a permanent classroom. Palipat-lipat. Gaya ngayon.
"Sabay naman tayo ng break sa umaga. Hihintayin kita sa cafeteria," busangot ni Shiela sa akin. Dahil malayo ang apelyido niya, hindi ko siya naging kaklase sa lahat ng subjects. Lalo na sa minors.
Mas lalo naman si Hudson na iba ang course. Kahit nga sa first day ay hindi kami sabay dahil iba ang oras ng pasok niya. Kasama niya si Garyo na Business Ad ang kinuhang kurso.
Dumiretso na ako sa assigned room ko. Wala akong kilala ni isa ro'n. Nasa kalahati na ang tao sa loob. Iniisip ko kung madadagdagan pa ba 'yon dahil bukod sa minor lang ang subject na 'to, first day pa.
Pero totoo nga na laging present ang first years. Hindi pa ako nakapagpapahinga sa mahabang nilakad ay nagsidatingan ang mga iba kong kaklase.
I badly want to ask the girl beside me if I was in the right room. Pero naka-earphones siya at mukhang masungit. So I just settled and wished that the empty chair on my other side would be occupied by someone friendly-looking.
Pero lalake ang umupo ro'n. And he gives me a bit of a vibe. Proud. He was wearing a blue polo and jeans. Naka-wax pa ang buhok at mabango. Pero masakit na sa ilong! Did he bathe in perfume?
My prejudice of people will get me nowhere.
Huminga ako nang malalim at bahagyang gumilid paharap sa lalake. But before I can even open my mouth, he asked me what I wanted to ask.
"Hey, puwede bang i-kumpara ang schedule ko sa'yo?"
Agad akong tumango, "ah oo!" Kinuha ang schedule ko. Ikinumpara ko 'yon. "Parehas naman."
"Oh! Akala ko mali ako nang napasukan, e. Thanks!" Nahihiya niyang saad.
Ngumiti lamang ako. I fell quiet after that. Umayos nang upo dahil tama ang pinasukan kong classroom.
"Kristoff nga pala," he held out his hand. Medyo nagulat pa ako dahil ilang minuto na rin mula noong nag-usap kami.
Tinanggap ko ang kamay niya. "Soraya."
"Pol Sci ka rin ba?"
Mabilis ako umiling. "Ah! Educ..."
"Oh. Mixed pala. I thought I was in a block section."
Ngumiti lamang ako ulit dahil alam kong hindi lahat ng mga kaklase ko ay same ng course. Tinanong ko 'yon sa registrar noong enrollment.
"Hindi daw madalas nagpapakita ang prof kapag first day," sambit ni Kristoff sa gilid ko.