Kabanata 11

16 5 0
                                    

Kabanata 11
Birthday


"Ma, hindi na kailangan!" Pagpupumilit ko kay Mama. Birthday ko na sa susunod na linggo at nagpaplano si Mama ng handaan. Okay lang naman sa akin 'yon pero ang malamang halos lahat sa barangay ay iimbitahan niya ay hindi ko tanggap!

Una, hindi naman kami ganoon kayaman! Si Papa ay isang jeepney driver. Bukod doon, wala na kaming pinagkukuhanan ng pera! Minsan naman ay nangingisda si Papa, kasama si Tiyo Eliseo. Si Mama ay paminsan-minsang nagtitinda ng kakanin. Pangalawa, ayoko!

Lumapit sa akin si Papa. "Pabayaan mo na ang Mama mo at nais niya."

"E, Papa! Sa birthday nalang ni Mama tayo maghanda! Ayoko po talaga. Puwede namang si Hudson lang ang imbitahin ko..."

Napaisip si Papa at tumingin kay Mama. Pinanlakihan ni Mama ng mata si Papa kaya't alam kong talo na naman ako.

Pero dahil nagmana ako kay Mama na gustong masunod sa mga bagay-bagay, ang planong maghanda ay hindi natuloy. Ilang araw ko pang pinilit si Mama bago siya pumayag. Pinagluto nalang ako ni Mama ng pansit at ibang kakanin. Kami naman ni Papa ay pumunta sa bayan para bumili ng cake.

"Basta po huwag kulay rosas! Bughaw nalang po," paalala ko kay Papa na siyang bibili ng cake ko. Gusto ko kasing magpunta sa palengke. May bibilhin ako.

Labing limang taon na ako ngayon.

Para sa'kin normal na araw lang naman talaga ngayon. Si Mama lang talaga ang mahilig maghanda. Hahanap si Mama ng rason para lamang maghanda, kahit ano man 'yan. Hindi ko alam kung pangarap ba ni Mama ang maging event organizer o gustong magpasikat sa mga ka-barangay.

Matapos kong mabili ang sinadya ko sa palengke at hinanap ko na si Papa. Agad kaming umuwi pagkatapos no'n.

Ngunit pag-uwi ko ay nagulat ako noong makitang mayroon mga bilang na tao sa bahay.

"Surprise!" Nakangising pagbati ni Mama. Binalingan ko si Papa at nakitang nagkakamot ng ulo.

Ang Mama talaga!

Naroon ang ilan naming kapitbahay. Panay ang pagbati nila sa'kin na para bang dahilan 'yon para dagdagan ni Mama ang i-uuwi nilang ulam mamaya.

Pagkapasok ko sa bahay ay nakita kong nakaupo si Hudson sa sala. Kasama si Tita Helma. Nagmano agad ako bago binalingan ang disenyo sa bahay.

May 'happy birthday' na banner at kumpol na mga lobo pa! Sakto lang ang laki ng bahay namin. Pagkapasok ay ang sala agad, makikita na rin ang kusina mula rito. Kaya't kitang-kita ko ang mga handa sa mesa namin.

"Naku! May dalaga na talaga si Sabine!"

Ngumiti lang ako dahil hindi ko alam anong isasagot ko doon! Ah, opo? Salamat? Hindi naman po? Kayo rin po?

Walang hiya! Isa 'to sa mga rason kung bakit ayokong naghahanda. Ni hindi ko alam kung paano aliwin ang mga bisita!

Sinenyasan ko si Hudson na sumunod sa akin sa kusina.

"Happy birthday sa kaibigan kong maldita!" Tawa niya. Umirap ako bago nagpasalamat. Nakita niya ang supot na hawak ko.

"O? Sino ang nagbigay niyan?"

Itinago ko 'yon sa likod ko. "Binili ko lang 'to."

Hindi naman na siya nang-usisa pa.

Dumating si mama at agad akong pinapasok ng kuwarto ko para magbihis. Sa aking kama, mayroong pale-yellow dress na may ribbon straps.

At talagang pinaghandaan! Isinuot ko nalang 'yon dahil wala na akong magagawa pa. It fell on my shin but when I looked at my mirror, I saw my thigh! It has a slit!

River Over OceansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon