Kabanata 21

7 3 0
                                    

Kabanata 21
Kinikilig



Sa susunod na dalawang linggo ay board exam ko na. Sa nagdaang mga araw ay nagkulong lamang ako sa kuwarto para magreview. But on that last days before the exam, I decided to stop studying. Sabi nila ay dapat magpahinga raw at baka ma-mental block.

"Namiss ko 'to..." ani ko habang nagbubungkal ng lupa. Tumawa naman si Dolfo sa tabi ko. Nagtatanim kami ngayon ng talong sa bakuran namin.

Nadatnan kasi niya ako kanina habang nagtatanim. Sabado ngayon kaya't hindi ko inaasahan na pupunta siya.

"Dapat nagpapahinga ka ngayon. Doon ka na lang sa loob," ani ko at itinuro ang terrace namin na may nakahain na turon at pineapple juice.

"Mamaya na kapag natapos tayo rito."

At s'yempre, iyon nga ang nangyari.

Pagod akong umupo pagkatapos. Ayoko pa ngang palapitin si Dolfo sa akin dahil siguradong amoy araw at lupa ako. Ang suot kong damit ay sobrang rumi pa! Samantalang siya ay sanay na sanay na ata dahil hindi man lang nadumihan ang suot niya.

"Uhh," bumaling ako sa kanya. "Uuwi ka na ba pagkatapos mong kumain?"

Nag-isip siya saglit. "Puwede ka bang isama sa bahay? Nagpaalam ako sa Papa mo..."

"H-Huh?" Kung ano-ano ang pumasok sa isip ko at mukhang nahimigan niya 'yon.

"Huwag kang mag-alala! Hindi lang tayo ang naroon..."

Namula naman ako at iniwas ang tingin, pilit isinasantabi ang mga mahalay na pag-iisip na meron ako.

"Tayo rin lang naman ang narito..." ani ko dahil wala sina Mama at Papa.

Tinitigan niya ako na para bang may sinabi akong mali. Ipinilig niya ang ulo bago ngumuso.

"Maliligo lang ako... uhm, ubusin mo ha," tukoy ko sa turon.

"Hihintayin kita." 

Binilisan kong maligo pero natagalan ako sa isusuot na damit. Magpapantalon ba ako? Pero ang init! Sa huli, nagbestida lang ulit ako. Mas madali dahil hindi ko na kailangang isipin ang pag-pares ng kulay o anuman.

Pagkarating namin sa bahay nila ay nakita kong nasa labas si Tiyo Eliseo at nagkukumpuni. Agad akong lumapit para magmano pero marumi raw ang kamay kaya huwag na lang.

"Magtatagal ba kayo rito?"

"Hindi, Pa. May kukunin lang," tipid naman na sagot ni Dolfo at iminuwestra ang bahay nila sa akin.

"Nariyan si Garyo. May niluto rin akong meryenda... kumain ka lang diyan, Soraya." Ani Tiyo.

"Salamat po..."

Ngayon lamang ako nakapunta sa bahay nila. Nakikita ko naman minsan pero ngayon lang ako makakapasok. May bakuran silang maliit at may nakatanim din doon. Nasa gitna ang bahay nila na isang palapag din lang gaya ng sa amin. Gawa 'yon sa hollow blocks at hindi pa napapalitada.

"Ayos ba ang tanim ko?" Tawa ni Tiyo Eliseo sa akin.

"Mukhang kulang po sa dilig." Naghanap ako ng tubig at may nakita akong poso doon sa may gilid nila. Malamang ay dito sila naglalaba. Lumapit ako roon para kumuha ng tubig.

"Soraya," tawag ni Dolfo sa aking pansin. "Pabayaan mo na si Papa diyan. Kanina pa tayo nagtatanim," iling niya.

Nilingon naman ako ni Tiyo at tumayo. "Pumasok na kayo roon. Sa sala ha. Baka sugurin ako ni Abraham dito kung malaman na pinapabayaan ko kayo..."

River Over OceansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon