Kabanata 14

16 5 0
                                    

Kabanata 14
Tingin


People change. I didn't believe Jaime the time he said that. Dati, naniwala akong magbabago nga ang tao pero hindi tuluyan. But when Sheila talked to me, like there's no bad blood, medyo nagulantang ako.

"Gusto kitang makagrupo. Puwede naman 'di ba?"

Iyon ang turan niya noong namimili ako ng mga kagrupo para sa isang project namin sa major. Medyo kumunot pa ang noo ko. On the other side of the room are her friends! Bakit hindi siya ro'n?

Tumango na lang ako kahit na may pag-aalinlangan. If there's something that's worth noting about Shiela, she does well in school. Alam naman niya ang mga responsibilidad niya. Bitch lang talaga.

Sa buong taon ng school year, masasabi kong hindi ko masyado naisip si Dolfo. Ni hindi ko na nga siya hinahanap. Minsan, kapag nababanggit siya ni Garyo ay hindi na no'n nakukuha ang atensyon ko.

I had other crushes, too. Too bad, they're fictional.

'Di bale. Bata pa ako. Labing-pitong taong gulang pa lang.

I stopped wishing to get older. Pero totoo nga yata na bibilis ang oras kapag hindi mo iniisip. Because before I even knew it, Mama is preparing for my eighteenth birthday.

Buti nga at napapayag ko na wala na ang mga sayawan o kung ano pa man. Wala akong kilalang ganoong karaming lalake para sumakto sa eighteen roses. Isa pa, hindi ko talaga maintindihan bakit kailangan iyong ipagdiwang.

Just like any birthday, tatanda lang naman ng isang taon! Yes, I will be legal but that's it. My view of things will not change in just a day!

Sa baybay naisipan ni Mama maghanda. Mayroong videoke, balloons, at mga lamesa pa. 

Pinatahi pa ako ni Mama ng isang brown na halter high neck dress. Hindi naman 'yon mainit dahil bukas na bukas ang likod ko. Ipinusod ko na lang ang mahabang buhok.

"Ganyan ba kapag birthday girl? Blooming! Ang ganda ng kutis mo. Lagi ka rito no?" Tudyo ni Hudson pagkarating pa lamang niya. Inabot niya sa akin ang regalo.

Ngumuso ako at nagpasalamat na lang. Pagkatapos ng klase ay totoong lagi ako sa dagat. Mula hapon hanggang sa lumubog ang araw ay naroon lang ako sa baybay. Madalas ay nagbabasa at nagmamasid lang sa mga turista.

Si Hudson lang naman ang close ko. Nag-imbita rin ako ng ilang kaklase, kahit nga si Shiela ay sinabihan ko na rin. Pero hindi ko naman inaasahan na darating siya at may dala pang regalo!

Dumating din si Garyo, umupo siya sa kumpulan ng mga kaklase namin. Inasar pa nga nila si Papa na bumili ng alak! At s'yempre, dahil birthday ko naman daw, hayun at nagpabili talaga ng alak si Papa. Malakas na naghiyawan ang mga kaklase ko dahil doon. Pero noong dumating ang alak, nahihiya pa silang kumuha at ako pa ang nag-abot sa kanila!

"Iinom ka?" Tanong ni Garyo habang binubuksan 'yon.

Mabilis akong umiling. "Kayo na lang. Ubusin niyo 'yan. Ginusto niyo 'e."

Tatawa-tawa naman si Garyo na tumango. "Pagdating ni Kuya, bigyan mo rin."

Medyo madilim na. Pagod na rin ako dahil mula pa kanina ay lagi akong tinatawag ni Mama para ipakita sa mga bisita. Kesyo raw may dalaga na siya.

Hindi ko napansin ang pagdating ni Dolfo hanggang sa tawagin ako ni Garyo para humingi ng alak para sa kuya niya. Kumuha naman ako agad. Pero halos hindi ako umusad na maglakad noong nakita ko si Dolfo na nakapolo at pantalon.

Niyayakap ng kulay asul niyang polo ang katawan niya. Hindi pa nakatulong na mukhang maliit na 'yon sa kanya o ganoon lang talaga ang inilaki ng katawan niya.

River Over OceansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon