Kabanata 22
Sa ngayon
I read during the days where Dolfo wasn't around. Si Hudson naman ay yayayain ko sana lumabas pero pumunta siya ng centro. Si Shiela naman ay nagrurush magreview dahil inuna niya ang bakasyon.
"Abraham!" Sigaw ni Mama kay Papa. Kanina pa nagdadaldal si Mama dahil ayaw inumin ni Papa ang gamot na nireseta sa kanya. Nilingon naman ako ni Papa na mukhang nanghihingi ng tulong.
"Ma... hayaan niyo na si Papa. Iinumin niyo naman 'yan mamaya 'di ba, Pa?" Baling ko kay Papa na nanonood ng TV.
Tumango lang si Papa at dahil doon ay padabog na inilapag ni Mama ang tubig sa harapan namin. Ngumisi naman si Papa dahil alam niyang nanalo na naman siya. Pumasok naman si Mama sa banyo.
Tumunog naman ang cell phone kong nasa lamesa kaya't agad kong inabot 'yon.
Dolfo:
Narito ako ngayon sa labas ng bahay niyo.
Napatuwid agad ako ng upo at nilingon si Papa. Ilang araw ko ring hindi nakita si Dolfo.
"Pa... labas lang po ako saglit."
"Madilim na ah?"
"Nasa labas po si Dolfo."
Nilingon ako ni Papa at umirap siya sa akin. Dahil doon ay natawa ako at dali-daling tumayo.
Nakita ko ang traysikel sakay si Dolfo. Noong lumabas ako ng aming terrace ay siyang pagtayo niya mula sa pagkakaupo. Nakasuot lamang siya ng simpleng shirt at pantalon.
"Galing ka pa bang trabaho?" Iyon ang bungad ko sa kanya habang binubuksan ang aming gate. Ngumiti siya sa akin at tumango.
Ngumuso ako. "Sana... dumiretso ka na lang ng uwi. Mukhang pagod na pagod ka pa..."
Tumaas ang kilay niya. "Ang sarap naman sa pakiramdam na mapagsabihan."
Natawa ako at umirap. "Nasa loob si Papa, gusto mo bang pumasok?"
"Oo. Hihiramin kita saglit." Aniya at diretsong pumasok ng bahay namin habang naiwan akong tulala at hindi pa napagtatanto ang huling sinabi niya.
Mahina kong sinampal ang sarili ko bago ako pumasok sa bahay. Nadatnan kong nakaupo na si Dolfo sa kaninang inuupuan ko at tumatawa sa pinag-uusapan nila ni Papa. Pero noong nakita ako ni Papa ay nagseryoso ang mukha niya.
"Kapag inuwi mo 'yang may kagat ng lamok..." may pagbabanta sa boses ni Papa.
"Pa-" sumama ang mukha ni Papa kay Dolfo. "I mean... Tito, malabo pong hindi mangyari 'yon. Marami ng insekto ngayong gabi," natatawang tugon ni Dolfo.
"E 'di riyan lang kayo sa garahe! Baka kung saan mo pa dalhin ang anak ko."
"Pa!" Ambang papaluin siya ni Papa. "Ay mali! Tito..." ngisi niya. "Bawal hindi tumupad sa usapan. Grabe naman kayo sa akin..." lumungkot pa ang mga mata niya.
Napatakip ako ng bibig.
"Ibabalik ko po bago mag madaling araw," ngisi ni Dolfo.
Tumayo si Papa at pumunta sa kusina. Pagbalik ay hawak ang malaking sandok ni Mama.
Agad napatayo si Dolfo at nawala ang natatawang mukha. Ako naman ay parang natuod sa kinatatayuan. Lumabas si Mama mula sa banyo.
"Bakit mo hawak 'yang sandok ko?!" Pagsita ni Mama kay Papa. Nakita naman ni Mama so Dolfo. Agad nag-iba ang mukha ni Mama at umamo.
"Oh, Dolfo? Kumain ka na ba? May ulam pa diyan kung gutom ka."
"B-Busog na po ako Ma-" malakas na tumikhim si Papa at humakbang palapit. "Tita..." Ngumiti siya. "Naglolokohan lang po kami ni Tito..." hilaw niyang tawa.