Kabanata 13

21 5 0
                                    

Kabanata 13
Gusto


Alam ni Dolfo kung paano ako saktan.

After than fight, iniwasan niya akong muli. Iniwasan ko rin siya. Fuck this feeling. I was killing Dolfo in my head. How dare he make me feel this way.

Jaime and I became friends, instead. Sinabi ko sa kanyang wala siyang pag-asa sa akin at sinabi naman niyang ayos lang. Ayos lang daw dahil may gusto na siyang iba.

Nainis pa ako noong sinabi niya 'yon dahil hindi ako makapaniwala kung gaano siya kabilis magpalit ng babae.

"Sora, that's just me. Feelings change like people do."

"Aminin mo na lang na malandi ka, Jaime. How could you move on from me with just days?!" Hindi ko makapaniwalang bulalas dahil sa akin, kahit ilang buwan ko nang pinipilit na kalimutan siya, hindi ko magawa.

"I see you as a friend, now. Maybe I was just confused. At alam kong wala akong pag-asa sa'yo. Not when you're in love with someone else."

"In love? Over naman 'yon!"

Jaime knows that I like Dolfo. I don't know how he knew but he just told me that he does.

"Ok! Deeply in like, then."

Humagalpak ako ng tawa. "That's nonsense, Jaime."

He stopped laughing when the girl he likes passed by. Lumingon ako sa kanya.

"Lapitan mo na kaya? Offer her your books."

"Nope. I'm graduating and we'll not work out. Isa pa, hindi siya mahilig magbasa."

"Sus! As if naman hour ang ita-travel mo. Come on. Kung gusto mo talaga siya, you'll do everything for the both of you to work out."

"Nah. I'll just wait for the right time. After graduation ng college."

Ako naman ang natawa nang malakas . "After graduation ng college? I doubt that. Kahit ilang buwan palang tayong magkaibigan, alam ko na ang likaw ng bituka mo."

"You're basing from experience!" Depensa niya. "She's different, Soraya."

Inikot ko nalang ang mata ko.

Buong pasukan ay nagpursigi nalang ako mag-aral. That earned me having a recognition at the end of the school year.

Iba ang araw ng graduation nina Dolfo. Sumilip lang ako doon dahil na rin sa pag-aaya ni Garyo at Jaime. Iyon pala ay dahil salutatorian si Dolfo. He was the one assigned to do the welcome remarks.

Habang pinapanood ko siya ay mas lalo akong humanga. Which I didn't like. Kaya kahit na napakasarap sa pandining noong boses niya at ang pagbigkas niya sa wikang Ingles, umalis na lang ako.

I turned sixteen. At tulad noong huli kong kaarawan, walang Dolfo na dumating. Iniisip ko na lang na gusto ko siya dahil sa misteryoso niyang ugali. Dahil sa hindi niya pagpansin sa akin.

"May pinuntahan si kuya eh," saad ni Garyo noong kaarawan ko.

"Hindi ko naman siya hinahanap. What made you think that I was looking for him?"

Nagkibit-balikat lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Ang hindi ko inaasahan ay ang pagpunta ni Jaime sa kaarawan ko. May dala pa ngang cake. Tumaas tuloy ang kilay ni mama at inakalang manliligaw ko.

Ang akala kong tahimik na bakasyon ay hindi nangyari. Dahil noong buwan ng Mayo, umuwi si Mama kasama ang isang mananahi.

"Si Jasmine pa rin ang Reyna Elena! Naku, buti at ikaw ang Reyna de las Flores!"

River Over OceansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon