Kabanata 8
Kalimutan
Buti nalang at mayroon kaming mahigit isang linggong break pagkatapos ng intramurals.
Hindi ko rin alam kung anong ipinagpapasalamat ko. Ang magkaroon ng mas mahabang oras para sa pagtatanim at pagbabasa... o ang hindi masilayan si Dolfo.
Iniisip ko nalang na mawawala rin 'to. Lalo na't ang tanda niya... at mayroon siyang nililigawan!
Sabi sa mga nababasa ko, normal lang naman 'to. S'yempre teenager. Mapusok. Madaling magka-gusto. Pero hindi naman ibig sabihin, magtatagal.
At dahil din siguro sa mga kabaitang ginawa niya para sa'kin. Hinilot ang paa ko. Ayokong aminin pero nakakakilig kaya 'yon! Kahit na akala niya ay naka sando bra pa ako.
Tinignan ko ang dibdib ko. Hindi naman maliit ah! Sakto lang dahil katorse palang ako...
Suot ko ngayon ang bestida na binili namin ni mama kahapon sa palengke. Aalis ulit kami dahil gusto kong magpagupit. Umaabot na kasi sa bewang ko ang buhok ko. Sayang sa shampoo at mahirap patuyuin.
Sinabi ko kay Hudson kahapon na balak kong magpagupit at inasar lang niya ako. Kanino raw ako nag mo-move on!
"Sayang 'to beh... Trim nalang kaya?"
Ipinakita niya sa'kin ang buhok ko. Napaisip tuloy ako bigla. Ang gusto ko kasi ay hanggang balikat lamang.
"O kung gusto mo... layer nalang na'tin beh. Ang pinakamaikli ay hanggang dito," tinuro niya ang balikat ko. "At mas bagay 'yon kasi hindi gaano straight ang buhok mo beh. Para kang sirenang naudlot ang rebond! Tinira pa sa dulo oh," itinaas niya ang medyo kulot na buhok ko.
Pati ako ay napatawa at sumang-ayon nalang sa suggestion niya. Gusto ko sanang makitang sabay-sabay humaba ang buhok ko. Pero parang hindi 'yon mangyayari.
Natapos ang paggupit sa'kin at pinuri ako. "Mas bata ka na tignan!"
Nawala ang ngisi ko sa labi. Mas bata?!
Busangot ang mukha ko hanggang sa pag-uwi. Nakita ako ni Papa at mas lalo akong sumimangot noong nagkomento pa siya.
"Ganyan ang gupit mo noong pitong taong gulang ka!" Pinisil pa ni Papa ang pisngi ko at ginulo ang buhok.
Dumiretso ako sa kwarto ko at tinignan muli ang gupit ko. Agad na kasi kaming umalis ni mama kanina at hindi ko na natignan masyado. Kinuha ko ang pantali at parang gusto kong maiyak noong hindi ko maipit lahat.
Ang pinakamaiksi ay hindi hanggang balikat kundi hanggang baba ko lamang! Kumuha ako ng clip at ginamit 'yon.
Hahaba rin naman 'to...
Noong naghapon ay pumunta ako sa dagat. Nakita ko si Hudson na inaayos ang gitara niya. Tinawag ko ang pansin niya at sa huli, sabay kaming pumunta sa dagat.
"Bagay mo naman ah!"
Nireklamo ko kasi ang buhok ko.
"Nagmukha akong bata."
"Ha? Hindi naman ah. At 'di ba mas maganda 'yon. Fresh. Gano'n. Mas bata tignan."
"So... hindi ako fresh no'n?! At ayoko ngang magmukhang bata!"
Tumawa siya. "Ano bang masama do'n? Mas fresh nga! Bakit ba gusto mong magmukhang bata? Iyon ba ang tipo ng gusto mo?" Walang kagatong gatong niyang saad.
Nanlaki ang mga mata ko. "W-Wala!"
Naningkit ang mga mata niya at ngumisi. "O pala. At mas bagay mo 'yan," tinitigan niya ako. "Maliit pala ang mukha mo. Mukha kang baby."