Kabanata 20
Unli Call
It's funny how we want to find the right person for ourselves, but we fail to realize that we may not be the right person they deserve.
Dolfo is the right person for me. But I wonder if I am enough for him.
He's on the stage of life where he wants to settle down. Samantalang ako ay nagsisimula pa lang. Ni hindi pa nga nakapasa sa boards.
Iniisip ko kung may napatunayan na ba ako para masabing nararapat ako para sa kanya. I don't earn my money yet. Umaasa pa rin ako sa mga magulang ko. And he knows that if I have to choose between my career and him, I would choose the former.
Pero isinantabi ko lahat nang pag-aalinlangan. I have to enjoy what today brings.
"Dahil nililigawan na kita, dapat mag-date tayo."
Natawa ako sa turan niya. "Sige."
"Ang bilis mo namang pumayag. Samantalang nagpaalam ako sa Papa mo noong nakaraang linggo pa at ngayon pa lang pumayag."
Mas lalo akong natawa. "Bakit ba kasi kay Papa ka nagpapaalam? Siya na lang kaya ang ligawan mo?"
"S'yempre, nirerespeto ko ang desisyon nila. Aba, baka nga sagutin mo ako pero sapakin ako ng tatay mo."
Tawa lamang ako nang tawa. "So you won't respect my decision? Paano kung ako naman ang hindi pumayag?"
"Wala namang ganyanan, Soraya," he sadly said on the other line. "Pero... sige. Ikaw ang masusunod..."
Nakagat ko ang aking ibabang labi. "O sige... Anong oras ba bukas?"
"Susunduin kita ng maaga." Hindi rin nagtagal, nagpaalam na akong matutulog.
Araw ngayon ng Linggo. Hindi ko naman inakala na ang maaga ay alas sais ng umaga!
Si Mama pa nga ang gumising sa akin at dali-dali akong nagbihis. Nadatnan ko si Dolfo na nagkakape sa sala namin kasama si Papa.
"Good morning, Papa!" Masayang bati ko. Ngumiti naman siya sa akin at bumati pabalik. Kumuha lamang ako ng pandesal at niyaya na si Dolfo palabas.
"Napakaaga mo! Akala ko alas-tres pa ng hapon!"
Tumawa siya. "Ang sabi ko, maaga tayong aalis!"
"Kaya nga! Maaga! Hindi umaga!"
He chuckled. Wearing his pants and polo, I know that he wouldn't be taking me in the seaside. He looks very different. Kaya't nag-ayos din naman ako kahit papaano. Nga lang, nasa labahan ang mga bestida ko. Kaya't heto ako ngayon at init an init sa suot na pantalon.
"Saan tayo pupunta, kuya?"
Nilingon ako ni Dolfo gamit ang seryosong mga mata. Ayaw niyang tinatawag ko siyang kuya.
Tumawa naman ako at nag peace sign. "Biro lang."
"Magsisimba tayo."
Medyo napaawang ang labi ko. I don't always attend the mass. I skip some Sundays.
Dapat daw ay second mass ang dadaluhan namin. Pero dahil late ako, hinintay na lang namin matapos ang ikalawang misa at nanatili para sa ikatlong misa. When singing the Lord's Prayer, Dolfo held my hand tightly. Medyo nagulat pa nga ako roon pero pinilit ko ang sarili na magfocus sa misa.
"Peace be with you," ngiti ko sa kanya. Agad akong tumingin sa harap at nagulat na naghalikan ang mag-asawa sa harapan namin. Iniwas ko ang tingin ko dahil alam kong nakita rin ni Dolfo 'yon. Tumikhim siya at siniko ako. Siniko ko naman siya pabalik.